top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 29, 2020




Kahapon ay napakatrapik na sa EDSA at iba pang main road sa Quezon City. Pero hindi naman papunta ang karamihan sa sementeryo dahil ngayong araw ay sarado na sila hanggang Nob. 4. Hanggang 2 katao lang ang pinapayagang dumalaw sa bawat puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Nitong Oktubre palang ay marami nang bumisita sa mga puntod.


Malamang na ang paglabas ng maraming sasakyan ay bibiyahe papuntang mga kalapit lalawigan ng Metro Manila upang dun naman puntahan ang puntod ng kanilang mga mahal na yumao. Kapag bumibiyahe mas mainam na isaisip lagi ang kaligtasan. Tandaan na lagi tayong nasa tsansa na matrapik sa NLEX at SLEX, ililigaw ka pa ng waze kung minsan at pagkakamali ng daan o lugar na pupuntahan anumang oras.

Palagiang mainam na isaisip ang ilang tips habang nagpaplano na magbiyahe bagamat sakay ka man ng sariling sasakyan o eroplano.


1. Tsekin mabuti ang dalang sasakyan kung nasa tamang kondisyon, gulong dapat hindi flat, tama ang tubig, may kargang sapat na gasolina maging ang makina ay nasa ayos. Dapat ay may dala ring ekstrang gulong. Tingnan ding mabuti ang mga ilaw ng sasakyan sa loob at labas kung gumagana.


2. Kapag bibiyahe sakay ng eroplano tiyakin na masusunod mo ang lahat ng health protocols laban sa pagkakahawa ng COVID-19, mag-mask, faceshield, lagi kang may dalang alkohol at manatili lang sa kinauupuan. Ang mga bagay na may kinalaman sa pagbibigay proteksiyon laban sa virus ay huwag mong kalilimutan maliban sa gamit sa maleta. Ito’y para mas ligtas ka at hindi mangangamba o mai-stress kapag kumpleto ang iyong mga dadalhin.


Isa pa ay tiyakin na maunawaan mo ang rekisitos ng custom sa ibang bansa bago bumiyahe. Bawat bansa ay magkakaiba at ang iba ay hindi pinapayagan ang biyahero na magdala ng kape. Tiyakin na ideklara ng kahit anong bagay na sa tingin mo ay kuwestiyunable.


3. Magkaroon ng kopya ng lahat ng medical, dental at vision health insurance cards, credit cards, identification at itago ang kopya hindi lamang sa bahay kundi sa isang suitcase na iyong gagamitin. Ito’y para mas maging madali sa iyo na makarekober sa sandaling may mawala o manakaw habang nasa biyahe.


4.Huwag magdadala ng mahalagang gamit kapag nagbibiyahe. Palagiang ilagay sa katawan ang mga alahas pero mas mainam na itago ang mga mahahalagang gamit sa bahay at iwan na lamang, huwag nang dalhin pa sa biyahe. Maliban na lang kung ang hotel ay may in room safe o lofty safe cabinet para maitago ito. kung ganito ang kaso, tiyakin na maipahawak ang mga alahas sa isang mapagkakatiwalaang tao.


5. Ilagay ang iyong mga gamot sa orihinal na bote. Pero mainam na ideya na kung ang medikasyon ay kailangang dalhin, ilagay ito sa isang pill bottle o box. Mabibili ito sa mga lokal na botika. Mainam din na dalhin ang reseta ng doktor ng anumang medikasyon sa sandaling may kailangan o emergency.


6. Huwag ilagay ang pera sa iyong bulsa, kung lalaki ka ay ilagay ang wallet sa harap ng iyong pants. Kung babae, ilagay ito sa isang shoulder bag at laging bitbitin ang bag at hindi dapat mawala sa katawan ito. Huwag ilalapag sa katabing upuan ang bag o kahi sa sahig at huwag ding isasabit ito sa likod ng iyong silya kapag nasa isang restaurant o coffee shop.


7. Tiyakin na mayroon ka ng lahat ng mahalagang dokumento at iba pang papeles. Ito ang para ligtas ka at may seguriad sa anumang mangyayaring pagkakamali.


8. Palagiang magdala ng identification kapag lalabas ng tutuluyang hotel o bahal. Kahit na driver’s license lang, ID card o photocopy ng pasaporte.


9. Tandaan na kapag nasa biyahe ay iwasan muna ang makisalamuha sa maraming tao, huwag makikipagkamay, huwag magyayakapan, iwasan ang makipag-beso-beso kahit sobrang miss na miss mo na ang loveones lalo na ang matatanda, ika nga e social distancing talaga, dahil kapag dikit-dikit, ang virus ay kumakapit. Tutal nagkita naman kayo, magkawayan kayo sa layong isang metro. Stay safe everyone.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 28, 2020




Sa maraming horror movies, ang pakikipag-usap sa mga patay ay madali lang, dahil kung ano ang partikular na maaaring gawin nang madalian ay iyon na ang kanilang ipinapakita. Pero sa totoong buhay, tulad ng iba pang supernatural na aktibidades ay parang ang hirap yatang gawin. Hindi lahat ay kayang makipag-usap sa patay, kaya kailangan ng intensibong pagsasaliksik o pagkonsulta sa tao na biniyayaan ng abilidad. Pero isang babala lamang, ang pagtawag sa mga patay ay may resbak kumbaga. Kailangan kang handa sa isipan at damdamin sa anumang bagay na mararanasan na hindi mo nakikita o naririnig araw-araw.


ANG OUIJA BOARD.

Ang ouija board ang pinakasimpleng paraan upang makipag-usap sa mga patay. Sa paggamit nito, ang isang grupo ng tao ay inaatasan na pumormang paikot sa boards. Ang medium na rin ang tatawag sa espiritu ng patay na kaanak mula sa spirit world habang ang iba ay nakakonsentra sa espiritu sa isipan. Lahat ay dapat na ilalapat ang kanilang hintuturo nang bahagya sa plantseta. At kapag dumating ang espiritu, puwedeng magtanong ang tao na sasagutin lang ng oo o hindi ng espiritu sa kusang pag-usad ng plantseta sa Oo o Hindi na sections sa board. Ito ang pinakapopular na paraan ng komunikasyon sa patay, pero mapanganib pa rin ito. Kung sakali kasi na tapos na ang paggamit sa plantseta, marami ang naniniwala na ang espiritu, marami rito ay mga demonyo ay makakawala ito.


MAGKAROON NG MEDIUM UPANG MASIMULAN ANG SEREMONYA.

1. ANG TRANCE MEDIUMSHIP -Siya ang medium na biniyayaan ng ESP extra sensory perception, na may abilidad na makipag-usap sa mga espiritu. Upang matawagan ang patay nang kaanak o anumang espiritu, ang ritwal ay minsan kailangan, kung saan ang grupo ng tao ay inatasan na magkonsentra at magkapit-kamay. Ang espiritu na rin ang sasapi sa katawan ng medium, bigyan ang lahat ng tsansa para makipag-usap sa isang limitadong oras. Makaraan ang ilang sandali, iiwan ng multo ang katawan ng medium at babalik sa spirit world.


B. MENTAL MEDIUMSHIP -Ito ay para sa spirit medium. Sa kasong ito, idaraan niya ang espiritwal na pakikipag-usap sa kaisipan. Makapagtatanong na masasagot ng medium, base sa anumang sinabi ng naturang espiritu na nanggagaling sa kanyang isipan lamang.


a. PAGSAPI – Aatasan ng medium ang grupo na magkonsentra sa patay nang kaanak habang magkakahawak-kamay. Siya ay uusal ng dasal na kung saan darako ang espiritu sa gitna ng grupo. Kung masuwerte, makikita ang espiritu at makikipag-usap dito sa pamamagitan ng medium. Gayunman, ang pagsapi sa katawan ng tao ay sobrang peligroso. Ang sumaping espiritu ay baka umabuso at tuluyang manakot lalo na kung mawalan ng kontrol ang medium.


Magtanung-tanong muna bago kumuha ng medium. May mga mandarayang medium na gagamitin ang galing niya sa acting para lang pagkaperahan ang grupo.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | October 27, 2020




Salamat sa teknolohiyang bago dahil marami na ang nakagagawa sa siyentipikong paraan kung paano hahanapin at makausap ang mga multo.


Ang kailangan mo lang gawin ay magtungo sa search engine ng “ghost hunting” para makita ang maraming sites na may mga gadgets at gizmos na pawang mga kasangkapan para sa ghost hunting. Pero ang isang eksperto ay may pinakasimpleng paraan para makakita, makaramdam ng multo: Ang pag-detect ng multo ay isang bagay na magagawa sa paggamit ng iyong ‘inner psyche.’ Konsiderahin muna ang mga sumusunod na puntos:


a.Minsan bang naiisip mo na kung sino ang nasa kabilang linya ng telepono bago mo pa ito sagutin?


b.May naramdaman ka bang isang bagay na weird o mapanganib na mangyayari at nagaganap na nga?


c.Naranasan n’yo na ba ang déjà vu?


d.Naaalala mo ba ang matagal nang hindi nakikitang kaibigan o kaanak at pagkatapos bigla na lang na sila ay sumusulpot?


e.Para bang may nararamdaman kang kakaiba sa pagpasok mo sa isang bahay?


Kung ang mga sagot mo ay pawang oo sa mga katanungan, ibig sabihin nararamdaman mo nga ang multo. Wala kang dapat ibang gawin kundi ang tumahimik, kumampante at manatili. Ipokus ang konsentrasyon sa isipan at huwag nang pansinin ang anumang tunog na maririnig (mga ibon, tunog ng sasakyan, mga ingay ng bata, kahit ano na kahalintulad noon. Kasunod nito ay makinig sa anumang mayroon sa loob ng bahay, mga tunog ng appliances, paglangitngit ng mga sahig, pagsara ng mga bintana maging ang pintuan. Ngayon, pakinggan mo namang mabuti ang anumang tunog sa ilalim ng bahay at kaila-ilaliman pa. Sa una, medyo mahihirapan ka na makarinig ng anuman, pero naka-konsentra ka sa iyong panloob na damdamin na kampante, maupo at imadyinin na ang bao ng iyong ulo ay nakabukas at humihigop ng animo isang puting liwanag na nakapokus dito. Ang bahaging iyan ng iyong ulo ang hahawak sa ‘upper chakra’ at doon mo ilalagay ang kamulatan mo sa paranormal na aktibidad, lahat tayo ay mayroon iyan iisa lamang. Ngayon ay damhin na ang buong bahay.


Kung may bigla kang mararamdaman na isang uri ng presensiya, huwag kang lulundag o matatakot, hindi ba’t iyan naman ang siya mong hinahanap? Kung parang hindi ka mapakali sa kabilang banda, imadyinin ang puting liwanag na nakapalibot sa iyo na parang isang higanteng bula na siyang magbibigay ng proteksiyon sa iyo na hindi ka mapapano. Puwedeng mong tapusin ang imbestigasyon na iyan anumang oras at least wala kang magagalaw o mabubulabog na multo.


Ang pinakamainam na lugar na praktisin ito ay sa iyong sariling bahay muna. Kung tutuusin hindi naman lahat ng bahay ay mayroong multo, pero sa ibang lugar ay tanggap na rin sila. Pero mas posibleng sa sarili mong bahay ka maunang mag-imbestiga.


At alamin ang enerhiyang narito, maging ang ilang emosyon na ipinapahayag sa iyong bahay na kung minsan ay malalaman mo kung ilang siglo na ang nakaraan nang maganap ito.


Mag-ingat, magsaya, proteksyunan ang sarili sa sariling mataas na espiritwal na enerhiya at magugulat ka kung anuman ang iyong madidiskubre hinggil sa bahay sa naturang lugar.


Ang mga tips na ito ay ibinahagi ni Lisa Oliver na isang ina, step-mother at lola na sampung taon nang nagsusulat online. Habang hindi siya nagsusulat pinapraktis niya ang ‘intuitive practitioner’ natutulungan ang maraming kababaihan na mahanap ang kanilang tunay na layunin sa buhay at kaligayahan sa buhay na mayroon sila.


Ang kanyang interes hinggil sa mga multo ay buhat nang ang kanyang lolo ay magpakita sa kanya noong 5-taong gulang pa lamang siya. Nakapagsulat na ng dalawang aklat hinggil sa mga multo at pakikipag-ugnayan sa tao.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page