top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 3, 2020




Si Patrick Kelly, isang 68-anyos na mayamang negosyante. May transport companies, tela at pabrika ng mga laruan. May sarili ding shipping lines. Bagamat si Kelly ay sobrang busy, gustung-gusto niyang maglaro ng chess. Kalaro niyang madalas ang kaibigang si Morris. Gayunman ang biglang pagkamatay ni Morris ang nagpabigat ng kanyang kalooban at halos ilang taon din siyang matamlay sa pagma-manage ng business.


Bumisita si Kelly sa computer exhibition noong 1979, 25 taon matapos na mamatay ang kaibigan. Nagustuhan niya ang mga naka-displey na computers, at nakita niyang may chess game. Muli siyang nagka-interes na maglaro ng chess. Umorder agad siya ng computer.


Idineliber sa bahay niya ang computer bago mag-isang buwan. Ipinalagay niya ito sa kanyang study room. Naalala niya tuloy ang kanyang kaibigan. Kaya itinabi niya ang iskulturang ulo ni Morris sa tabi ng computer.


Nag-download siya ng program ng ilang malulupit na chess moves sa game. Halos ‘di siya matapus-tapos sa chess game sa unang araw nito. Pero isang beses, napansin niya na nag-played back sa pamosong moves na inimbento ng 18th century French Grandmaster ang paboritong moves ng kanyang kaibigan. Tatlong oras niya itong nilaro, napagod. Pero nagulat siya, pagtingin niya sa ilalim, nakalimutan pala niyang I-plug in ang computer. Ibig sabihin, naglalaro siya nang hindi nakasaksak sa kuryente ang kanyang computer?!


Walang alam si Kelly computer. Pero alam niyang hindi gagana iyon kung hindi nakasaksak sa kuryente. Tumawag siya sa computer company at sinabi ang insidente. Kinabukasan dumating ang technician. “Nakakagulat naman! hindi ho puwedeng gumana ang computer kung walang kuryente, kahit ang games ng chesses ay dapat I-program muna bago magamit.”


Ang computer ay mula sa kilalang kumpanya. Kaya nagtaka rin ang kumpanya pero dahil ayaw nilang mapahiya ay pinalitan nila ito ng bago. Ang bagong computer ay may chess game at may 22 simple at 60 kumplikadong chess moves. Nagpablis din si Kelly ng bagong chess moves sa dyaryo.


Kapag gumagawa siya ng move sa computer, lalaban ang computer. Pero nang pahirapan siya at nainis sa kalabang computer, in-off niya ito. Pero ang inis ay napalitan ng pagkagulat, naka-on pa rin pala ang computer.


Kaya diniskonekta niya ang plug, pero idinispley pa rin ng computer ang huling move sa monitor. At dahil na-curious siya, tumira siya. Bigla niyang naalala ang game na kanyang inilaro kalaban pa noon sa traditional chess board ang yumaong kaibigang si Morris noong Abril 12, 1952. Ito iyong game na hindi niya makalilimutan. Isang malakas na nagkataong pangyayari sa game na iyon. Pareho silang gumawa ng parehong move. Ginawa rin ng computer ang parehong bagay 28 taon na ang sumunod.


Inireport niya ito sa kumpanya. Isang team ng Engineers ang tuminging mabuti. Inalis muna nila ang iskulturang mukha ni Morris sa tabi ng computer. Hayun, gumana nang maayos ng gabing iyon.


Isinailalim ng mga eksperto sa x-ray ang iskultura at naglabas ng marami pang tests. Pero wala namang nangyari. Ibinalik uli ang iskultura. Hayun, may nangyayari na namang di maganda sa computer.


Hindi na tuloy maipaliwanag ng computer experts ang insidente. Ang mga naniniwala sa supernatural ay nagsasabing ang kaluluwa ni Morris ay ginagamit ang mental power ni Kelly para mapatakbo ang computer. Pero walang scientific explanation. Ang kuwento ay nanatiling misteryoso sa mga panahong iyon.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 2, 2020




Kapag dumarating ang mga kalamidad, napakahirap na maunawaan sa gitna ng sakuna kung ano ang iyong magagawa para makatulong. Hindi madaling ibangon ang isang bansa, siyudad o lalawigan matapos na maapektuhan ng kalamidad.

Pero sa maliit na tulong ng bawat isa, ang misyon ay epektibong nakukumpleto.


Tingnan ang mga patalastas mula sa mga kilalang organisasyon na nangongolekta ng pondo o kumukuha ng volunteers para sa nakahandang tulong para malaman kung ano ang magagawa para makatulong.


1. Mag-donate ng pera o mga pagkain/ grocery items.

Mag-donate ng pera sa isang reputable organization na nag-aalok ng relief para sa biktima ng sakuna. Mag-ingat sa mga organisasyong bago o walang endorsement ng mga kilalang establisimyento at baka scam iyan. Puwedeng para sa Feed The Children ang programa. Dito maipagkakaloob ang pagkain at iba pang sapat na kagamitan para sa mga biktima ng kalamidad at sa mga volunteers na tumutulong sa mga biktima. Hanapin ang mga organisasyong handang tumulong para magbigay ng pagkain, tirahan, mga gamot at kasuotan.


2. Magboluntaryo.

Magboluntaryo para sa relief operation. Ang mga organisasyon sa buong bansa ay tumutulong sa mga biktima ng kalamidad. Hindi na kailangan ng malalaking grupo. Kahit ang simpleng proyekto sa barangay na nagtitipon ng pondo at inaabot ang tulong sa mga naapektuhang lugar. Humanap ng grupo sa lugar na may boluntaryong pagtulong tulad ng Red Cross.


3. Blood Drive

Simulan ang blood drive o donasyon ng dugo. Kontakin ang mga lokal na ospital o health center sa impormasyon kung paano makapagsisimula. Ang mga biktima mula sa mga sakuna ay madalas na nangangailangan ng dugo dahil sa injury o karamdaman. Kung hindi makapagsimula ng blood drive, mag-donate ng dugo sa isang establisadong event. Bago ka mag-donate ng dugo, dapat ka munang pumasa sa tests at masagot ang mga katanungan para matiyak kung wala kang sakit.


4. Fundraiser

Mag-establisa ng fundraising. Simulan ang magpa-raffle, magbenta ng tiket para makapagpanalo ng mga bagay tulad ng TV at iba pang items. Kung maaari, magsilbing donasyon ang raffle items para mas mapunta ang pera sa makabuluhang nangangailangan. Simulan ang pagkolekta ng donasyon para sa mga nasalanta ng kalamidad. Puwede ka ring magbenta ng anumang lumang kagamitan kung saan lahat ng kikitain ay mapunta sa disaster relief. I-donate ang pera mula sa

fundraiser sa isang mapagkakatiwalaang relief company para ang iyong pinagpaguran ay hindi manakaw o mawala ng sinuman.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | November 01, 2020




Ang araw ng Undas ay panahon ng gumagalang kaluluwa, multo, mga maskara at pamimigay ng kendi para sa tradisyunal na trick or treat ng mga bata. May halong kasiyahan at lungkot maging ang mapaggunitang oras sa buhay ng mga bata at matatanda para sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Bagamat may pandemya at kailangan ng ibayong pag-iingat na hindi mahawahan ng COVID-19, maging maingat din upang matiyak na hindi maging aktuwal na kahindik-hindik ang ating gabi kumpara sa mga napapanood nating horror movies.

Ang kaligtasan ang dapat na unang pakaisipin at hindi dapat na balewalain. Ang trick or treat at pangangaluwa ay isang nakakaaliw na paraan para gunitain ang Undas, kaya dapat malayo tayo sa anumang peligro. Pero hindi natin tiyak kung may gagawa pa niyan sa panahon ngayon dahil mahirap na rin ang maglalabas ng bahay at makisalamuha dahil sa banta ng pandemya.

Heto ang mga hakbang na kailangan upang tayo ay higit na maging ligtas kung nais pa rin nating gunitain ang Halloween.

1. HUWAG MAGSUOT NG DARK COSTUMES. Isa sa pinakamahalagang bagay na dapat isaisip kung tayo ay naglalakad ay iyong nakikita tayo sa gabi. Ang mga costumes ng mga mangkukulam, madyikero at serial killer ay sobrang nakakatakot at bagamat ayos lamang sa okasyon, pero ang problema ay itim kasi sila.


Kung kailangang magsuot ng itim na damit o black costume, maglagay ng reflective tape sa likod mo at sa iyong candy sack. Mainam ang may reflectorize na bagay sa katawan para agad kang makita ng mga motorista.


2. MAGDALA NG FLASHLIGHT. Ang ilang bagay ay may madilim na daanan. Delikado ring maglalakad sa sobrang dilim na lugar. Mainam na may flashlight pa rin para makita ang daraanan lalo na sa sementeryo at baka may malalaking butas diyan o hukay ay mahulog pa kayo. At least makikita rin kayo ng ibang tao kapag may flashlight.


3.IWASAN ANG MGA MADIDILIM NA BAGAY. Kapag walang ilaw palagi ang isang bahay, siguradong wala nang nakatira riyan o kaya naman kapag ang ilaw ng isang bahay ay laging malamlam, malamang ayaw ng nakatira roon na mabisita ng trick o treaters o kaya’y maawitan ng mga nangangaluluwa. Tutal marami pa namang bahay, huwag na kayo diyang kumatok.


4.LUMABAS NANG MAY KASAMA KAHIT PAANO. At dahil bawal ang maramihang magkakasama, kahit dalawa kayo at least malayo ka sa anumang panganib. Kahit paano ay hindi ka malalapitan ng masasamang elemento, mas madali kayong makita, mas maingay kayo at at may kakampi ka. Ang masasamang bagay ay aktuwal nangyayari tuwing Undas at ang paglalakad na mag-isa o kahit dalawa lang kayo o tatlo ay peligroso pa rin.


5. INSPEKSIYUNIN ANG LAHAT NG KENDI BAGO KAININ. Dapat na tsekin munang mabuti ng mga nanay ang kending kinolekta ng mga bata at sabihan ang mga anak na huwag kakanin ang kendi habang hindi pa naipakikita at nalilinis ng mga magulang.


6. BAKA PUWEDENG VIRTUAL ONLINE NA LAMANG GAWIN ANG PAGTI-TRICK OR TREAT. Bawal pa kasing lumabas ang mga batang maliliit. Puwedeng ipadeliber na lang ang maiaabot sa kanilang mga candy o cash.


7. MAGSUOT NG MATINGKAD NA DAMIT O KUNG WALA KA MANG REFLECTORIZE TAPE. Kung maaari ay matitingkad na kulay ng damit ang dapat na maging damit o costumes. Ito’y para mas madali kayong makita ng mga motorista at mas maging komportable sila sa kanilang paglalakad at pagsusuot nito.

8.MAGLAKAD AT HUWAG TATAKBO KAPAG NAGTI-TRICK OR TREAT. Hindi ka dapat na tumakbo ang lalo na kung gabi. Ang Halloween ay tradisyonal na nakaka-excite na oras para sa mga bata dahil nasisiyahan sila na naka-costume at nagbabahay-bahay, pero ngayon ay bawal pa talaga.


9.DAHAN-DAHAN ANG PAGMAMANEHO. Marami ang naka-costume ng mga araw na ito kaya ingat sa pagmamaneho lalo na kung naka-itim ang tao sa kalye para maiwasan na sila ay madisgrasya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page