top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 6, 2021




Hindi natin alam lahat kung kailan darating ang isang kalamidad, natural calamities man o ito gawa ng ibang tao na siyang mangyayari kaya dapat tayong maghanda. Ang isang mainam na pagsisimula ay lumikha o magkaroon ng isang “ligtas na silid” o lugar sa inyong bahay para paghimpilan.


1. Libutin ang buong bahay o ang iba pang lugar diyan sa inyo. Tanungin ang sarili, ano ba ang siild na puwedeng magkasya ang buong pamilya (kabilang na ang mga alagang hayop). Isang cabinet o mataas na taguan o storage rooms na maaring magkasya ang lahat ng inyong kailangan maging ang tao ay puwedeng magkasya at mamalagi roon. Ayon sa mga eksperto, ang isang maliit na interior room na nasa mas mataas na lugar ay mas mainam na piliin. Ito ngayon ang siyang dapat na piliin.


2. Kung may isa kang isang silid na kayang magawa ito. Ngayon pa lang kumuha ka na ng contractor na magdagdag sa inyong bahay ng isang ligtas na silid na puwede ninyong takbuhan sa oras ng pagsalanta ng mga kalamidad tulad ng pagbaha o flashflood. Ang ilang silid ay puwedeng maging prefabricated at maaari na itong maidagdag sa inyong bahay bilang isang safe room sa panahon ng sakuna. Para sa prefab safe rooms, mas mainam na ito ang piilin dahil karaniwan na ang isang pagpapagawa ng silid ay aabot halos ng isang linggo o dalawang linggo bago matapos. Karaniwan na presyo ng gagastusin sa ganito ay nasa P250,000 o higit pa.


3. Kung ikaw mismo ang marunong mag-construct ay puwede mo nang papelan ang pagpapagawa at ayos na kung may isa o dalawa kang katulong sa pamilya. Siguraduhin mo lang na matibay ang mga materyales na gagamitin at hindi basta bumibigay sa pananalasa ng tubig.


4. Kumuha ka na rin ng building permits kung kailangan sa inyong subdivision o lugar para sa panibagong konstruksiyon.


5. Kung nakatira ka sa binabahang lugar, ang isang ligtas na silid ay hindi ka nakasisiguro sa lugar na ito na magbibigay sila ng tamang proteksiyon. Ipinapayo na mag-evacuate na kaagad kaysa ang lumusong sa tubig-baha at pumunta man sa iba pang lugar.


Matapos ninyong makaligtas sa sakuna, gusto mo ngayong malaman kung ligtas ang mga mahal sa buhay na nagsisikap ding makaligtas at kayo’y magkahiwa-hiwalay na rin lang sa naturang sakuna. Napakaraming nakakikilalabot o mabigat sa kalooban ng mga kuwento na nagkawalay ang mga mahal sa buhay sa mga oras na kailangan nilang magtulung-tulong sa ganitong pagkakataon.Maiiwasan ninyo kahit paano ang ganitong senaryo kung ngayon pa lang ay lilikha na kayo ng family disaster plan.


1. Bigyang edukasyon ang pamilya sa anumang uri ng mga sakuna na maaaring mangyari sa inyong lugar tulad na lamang ng pagbaha, lindol o malakas na pag-ulan.


2. Lumikha ng disaster plan para sa isang emergencies na maaaring mangyari. Praktisin ang iyong plano upang matiyak na ang mga bata ay alam kung ano ang gagawin sa mga pagkakataon ng mga sakuna.


3. Bigyan ang bawat miyembro ng pamilya ng mga telephone numbers ng mga kaibigan o iba pang mahal sa buhay na nasa malayong lugar upang may matawagan sila sa sandali ng paghingi ng tulong. Sila na rin ang mga ito ang magkakaroon ng tamang lokasyon at contact information para sa iba pang nakakalat na iba pang mahal sa buhay sa ibang lugar sa panahon ng emergency.


4. Kontakin ang tao na nasa iyong family disaster plan upang masabi ang inyong status at lokasyon upang malaman ninyo ang lokasyon at status ng iba pa.


5. Magregister sa lokal na Red Cross. Mainam iyan upang agaran kayong mabigyan ng tulong ng Red Cross sa sandali ng sakuna.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 5, 2021




May isang pulis na nagpaputok ng baril noong bisperas ng Bagong Taon 2021 at iyon ay dahil daw sa selos. Hindi na natin uuriratin kung bakit siya nagselos. Tungkol sa bagay na iyan, ipagpalagay natin na ayaw mo kahit paano na magselos sana sa iyong kaibigan o ibang tao na nakagagawa ng higit pang bagay sa iyo, pero bakit ganoon, parang hindi mo yata maiwasan na maramdaman ito. Paano mo ba mapanghahawakan o makokontrol ang ganitong pakiramdam at malampasan ito at hindi na humantong pa na makasakit ng iba?


1. AMININ NA RAMDAM MO ANG PAGSESELOS. Minsan ang pinakamahirap na parte ng pakiramdam mong pagseselos ay sa pamamagitan ng simpleng pag-amin nito sa sarili. Pero kung tanggap niya at dama ang tunay na damdamin sa sarili habang nagseselos, hindi ka naman galit o inis, mas makokontrol mo ito nang tama.


2. ANO NGA BA IYANG PINAGSESELOS MO? Ngayong tapat ka sa iyong sarili na ikaw ay nagseselos, ano nga ba ang nasa kalooban ng isang tao kung bakit umiiral ang ganitong damdamin? Ang tao ba na iyan ay higit na may talino o talento kaysa sa iyo? Ang personal bang ganyang kalidad ay hirap para sa iyo na maabot mo?


3. ANO BA ANG GUSTO MO? Kapag alam mo na kung ano ang iyong ikinaseselos, isipin mo kung ano ang ibig sabihin niyan sa iyo. Halimbawa kung nagseselos ka dahil ang kaibigan ay sikat na sikat sa ka-opposite sex ibig sabihin, sana iniisip mo na maging ganoon ka rin. Hindi naman iyan masama, iyan ay isang layunin na nais mong maabot.


4. PAANO MO MAABOT ANG IYONG LAYUNIN? Kung alam mong may hangarin ka sa mas mabuti, pigurahin ito kung paano ito maabot. Habang totoo na ang ilang tao ay may natural na talento sa isang bagay, ang pagsisikap kung minsan ay nagwawagi sa dakong huli. Kahit na hindi mo kayang makipagkompetensiya kahit kanino, paano mo malalaman na mas magaling ka?


5. ANO ANG MAS MAGAGAWA MO PARA MADAIG SIYA? Gumawa ng listahan ng mga bagay na magagawa o nang mas mabuti kaysa sa taong iyong kinaiinggitan. Halimbawa, maaaring ang kaibigan ay sobrang galing sa math whiz. Pero mas magaling ka naman na makipag-usap at kumumbinsi ng ibang tao. Minsan makatutulong na matandaan ang iyong sariling kakayahan, talento at kalidad na wala o kulang ang iba.


6. IKINUKUMPARA MO BA ANG IYONG SARILI NANG PAREHAS? Reyalistiko ka ba sa iyong pagkukumpara? Halimbawa, kung ikaw ay 13-anyos na atleta kumpara sa iyong 21-anyos na pinsan, iyan ay hindi na parehas na pagkukumpara. Kung ikukumpara mo naman ang sarili sa isang bikini models, puwedeng mainggit ka pero, dadayain mo ang iyong litrato sa photoshop at mamanipulahin mo ang hubog ng iyong katawan.


7. KUNG MATAPAT KA, AMININ MO NA NAGSESELOS KA. Oo, napakasarap na aminin sa sarili na nagseselos ka sa kanyang husay sa isang bagay. Mas madalas, ipakikita sa iyo ng naturang tao ang isang bagay na madali lang sa kanya pero mahirap naman para sa iyo. Habang masarap namang damhin na ang ibang tao ay naiinggit sa iyo, sa katunayan, aktuwal itong medyo nakatatakot. Lahat tayo may mali, kahinaan at nakahihiyang mga sandali.


8. HINDI SAGOT NA MANAKIT O MAKAPERWISYO NG KAPWA KUNG NAGSESELOS. Ang panunutok ng baril o pamamaril ay isang wala sa katinuang desisyon kung gagawin. Hahantong ka lamang sa piitan o kaya naman ay ikaw ang mapapahamak kung gagawa ka ng mali sa iba dahil lamang sa nararamdamang selos. Makatutulong ang mga naturang tips upang maiwasan ang sobrang pagseselos.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 4, 2021




Isang bago at mas madaling nakahahawang variant ng COVID-19 virus ang kumalat sa Colorado at California sa U.S., ilang linggo makaraang dumami rin ang kaso nito sa United Kingdom. Isang lalaki na wala namang history ng pagbibiyahe ang unang nakahawa nito.


Sa ulat ni Dennis Thompson, ang HealthDay Reporter, sinabi ng mga manggamot sa pandemic front line na hindi dapat mag-panic ang marami, pero kinakailangan pa rin ang ibayong pag-iingat para maiwasang mahawahan, tulad ng palagiang pagsusuot ng face mask, face shield at mag-social distancing.


Aniya, mas mapanganib at mas madaling makahawa ang mutation na ito ng bagong variant ng coronavirus. "While the new strain is more transmissible -- up to 70% by a recent analysis -- the mutation itself has not previously been thought to be more virulent (able to cause harm) than the current strains that have been circulating in the U.S. and abroad," ayon kay Dr. Robert Glatter. Isang emergency medicine physician sa Lenox Hill Hospital sa New York City.


Wala namang ebidensiya na ang bagong variant ang magpapalubha sa kalagayan ng isang taong maysakit at may posibilidad na agad itong mamamatay sanhi ng pagkakaroon ng COVID-19, dagdag ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention.

May kakayahan din naman ang mga bakuna ng COVID-19 na magbigay proteksiyon laban dito.


Unang na-detect ng U.K. researchers ang bagong variant noong Setyembre, 2020 at ngayon ay kumakalat sa London at southeast England, ayon sa CDC.


Halos 15% ng mga tao roon na hantad sa mga carrier ng variant ay madaling mahawa, kumpara sa 10% ng infection rate na may kaugnayan sa COVID -19 virus, ayon sa report ng British public health officials.


Ayon naman sa panulat ni Zeynep Tufepki ng The Atlantic, ang mas nakakahawang variant ng COVID-19 ay mas mapanganib. Kung lumalaban pa lamang ang lahat sa pandemya, pero biglang may lilitaw na mas mabilis ang pagkalat na variant, mas peligroso ito kung mas marami ang lalala sa COVID-19. Iyan ay dahil kapag mas tumaas o dumoble pa ang mahawa ay tuluy-tuloy ang paglawak ng impeksiyon at higit na tataas ang kaso na masawi ang isang infected.


Dapat na maging alerto ang bawat isa at mag-ingat habang hinihintay natin ang linaw kung gaano kabilis itong kumalat. Doblehin ang pag-iingat sa sarili habang tinitiyak pa ang tamang data at saka lamang tayo gumawa ng aksiyon.


Pero ipinakita sa datos ng United Kingdom na ang bagong variant ay hindi nakaka-infect sa mga nabigyan na ng bakuna ng COVID-19 na isinasagawa na nang malawakan sa America, saad ni Glatter. "The new strain has not yet been shown to be more resistant to the Pfizer and Moderna mRNA-based COVID-19 vaccines that have recently been rolled out, along with other vaccine candidates in Phase 3 trials and yet to be granted emergency use authorization," dagdag pa ni Glatter.


Ang mRNA vaccines na ito ay ginawa upang mas mapalakas pa ang immune system para makapagproduce ng antibodies na magpapalakas sa spike protein ng katawan. Ang spike protein ay makikita sa labas na bahagi ng virus na siyang nakadikit sa cells ng katawan, paliwanag niya.


Sa tanong na umuubra ba ang kasalukuyang COVID-19 vaccines laban sa bagong variant? Sinabi ng mga eksperto na ang COVID-19 vaccines ay may panlaban pa rin kontra variant. Nabanggit ni Dr. Anthony Fauci, ang top U.S. infectious disease expert, na ang datos mula sa Britain ay indikasyon na ang vaccines ay may laban sa virus. Pero para sa U.S. pag-aaralan pa nila ito pang makasigurado.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page