top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 15, 2021




Unang natuklasan ang bagong variant ng coronavirus disease sa United Kingdom noong 2020 at muli na naman itong ikinabahala sa buong mundo.


Ayon sa special feature ng Medical News Today, ano nga ba ang kaibhan ng SARS-CoV-2 na nagdadala ng COVID-19 at Ang tinatawag na B.1.1.1.7 na virus variant? Noong Setyembre 2020, naispatan ang B.1.1.7 sa U.K. Binigyang pansin ito ng mga siyentipikong Briton at gobyerno sa unang bahagi ng Disyembre nang ianunsiyo ni U.K. health secretary, Matt Hancock na napakabilis nitong kumalat at dumoble pa ang bilang ng mga na-infect sa SARS-CoV-2 sa South England.


Buong mundo ay nagulat at nabahala na naman. Tinanong kung ano ang kaibhan ng COVID-19 strains pagdating sa panghahawa nito sa bawat tao? Mas grabe ba ito sa COVID-19? Delikado ba ito sa mga bata at matatanda? Nabanggit sa unang pag-aaral na ang bagong variant ay mas mataas ang tsansa na mabilis makahawa.


Isang pag-aaral ng medRxiv noong Dis. 26, 2020, gumamit sila ng mathematical modeling upang maestima ang bilis ng hawahan sa bagong variant kumpara sa “preexisting variants of SARS-CoV-2.” Ayon sa konklusyon ng isang team ng researchers mula sa LSHTM, ag B.1.1.7 variant “is 56% more transmissible” than other SARS-CoV-2 variants.


Ang tanong din na kung ang mga bakuna ba ay may panlaban sa bagong variant? Sinagot ng Public Health England na wala pang ebidensiya na ang lahat ng COVID-19 vaccines ay hindi magbibigay proteksiyon laban sa 'mutated virus variants.'


Kumalat na rin ang variants sa mga bansang Switzerland, Finland, Australia, Zambia at France.


Sinasabi rin ng mga siyentipiko na ang variant ay mas mabilis makahawa pero hindi naman nakamamatay at hindi lumubha ang sakit ng isang taong maiimpeksiyon.


Dito sa Pilipinas, nakumpirma nitong Miyerkules ang unang kaso ng bago at mas nakahahawang coronavirus variant na unang nadiskubre sa Britain.


Ayon sa Department of Health (DOH) and Philippine Genome Center (PGC) ang coronavirus variant B.1.1.7. ay dala ng isang Pinoy na dumating noong Enero 7 mula sa United Arab Emirates na bansang madalas dayuhin ng mga Briton.


Umalis ang pasyente sa Dubai noong Dis. 27, 2020 para sa isang business trip at dumating sa Pinas sakay ng Emirates flight. May kasamang babae ang pasyente pero negatibo sa virus, dagdag ng DOH. "Both of the returning Filipinos had no exposure to a confirmed case prior to their departure to Dubai nor had any travel activities outside Quezon City," saad ng DOH na tinutukoy na tanging sa naturang lungsod lang ito dumiretso.


"Immediate contact tracing was done, and the initially identified contacts are asymptomatic and currently under strict home quarantine," paliwanag pa ng DOH.


Hindi na pinapayagan ngayon ng Pilipinas ang mga biyaherong makapasok sa bansa partikular na ang may travel history sa Britain at iyong mula sa 32 iba pang mga bansa at rehiyon upang maiwasan na muli ang pagkalat ng bagong strain na B.1.1.7 sa bansa.

Ang Pilipinas ngayon ay may naitalang 492,700 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at may kabuuan nang 9,699 ang nasasawi.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 14, 2021




Hindi ka ba tiyak kung ang kaibigan ay tunay na kaibigan? Hindi ka ba tiyak na may malasakit siya sa iyo, kung mapagkakatiwalaan mo ba siya? Basahin ang mga sumusunod at malalaman mo.


1. SUBUKAN ANG KAIBIGAN. Kunwari magsabi ka sa kanya ng pekeng sikreto at tingnan kung itsitsismis niya ito. Tiyakin mo na iyang peke mong impormasyon ay medyo iskandaloso ang dating, iyong hindi tipong damay ang iba kundi ang sarili mo lang.


2. TIYAKIN NA HINDI KA NIYA LAGING IINSULTUHIN. Kung madalas ka niyang asarin o insultuhin, at hindi naman yata siya nagbibiro, ibig sabihin hindi siya tunay na kaibigan.


3. TIYAKIN NA ANG KAIBIGAN AY HINDI KA PUPUWERSAHIN o mapasusunod ka sa lahat ng gusto niya. O ngayon, alam mo na ang ibig kong sabihin, wala siyang pakialam sa iyo. Gusto ka lang niyang gawing utusan at utu-utuin.


4. IMBESTIGAHAN SIYA. Ito ang mainam na paraan kung sinasaksak ka niya patalikod o nagsisinungaling sa iyo. Tiyaking magbitbit ka lagi ng notepad at pen o kaya naman ay videocam upang maitala mo ang matagal mo nang pinagsususpetsahang bagay sa kanya na hindi mo gusto na ginagawa niya.


5. Isa pang paraan para masubukan ang kaibigan ay IMBITAHIN MO SIYA SA BIRTHDAY MO NA KAYO-KAYO LANG AT SIMPLE ANG HANDA. Tapos ikutsaba mo ang isang kaklase mo na hindi niya ka-close na kunwari ay iimbitahin din siya nito sa saktong lugar, oras at araw sa ibang birthday party. Tingnan mo kung saang party siya pupunta. Kung sa'yo o sa ibang hindi niya ka-close pero mas bongga ang imbitasyon doon.


6. PAMANMANAN DIN SIYA SA IBANG KATROPA, kausapin ang isa pang kaklase at pakiusapan kung maaari ay irekord niya kung ano ang sinasabi niya tungkol sa'yo habang hindi kayo magkasama, diyan mo malalaman kung ano ka sa kanya habang nakatalikod ka.


7. MAGTANUNG-TANONG. Gumawa ng surveys kung talagang may mga pagdududa ka na.


8. Muli, kausapin ang ibang tao kung ano ang sinasabi niya tungkol sa iyo habang nakatalikod ka. Hingin sa kanya sa susunod ang resulta ng kanyang mga isinusulat na nega comments o video na 'sinasaksak ka patalikod'.


9. Kung sa tingin mo ang kaibigan ay nagsisinungaling, kailangang magkaroon ka ng pruweba ng kanyang mga sinabi.


10. Ang tangkang pagbabasa kung magkaminsan ng diary ng kaibigan o kahit ang mabuksan ang password niya sa social media ay masama. Napakahirap itong gawin, pero kung magagawa mo ay basahin ito para malaman kung totoo siya sa’yo.


11. Kung sinasabi niya sa kanyang personal diary o kahit sa mga chat sa social media na ikaw ay masama, inaakusahan kang hindi mapagkakatiwalaan o sinasabing hindi ka niya gusto hanggang ngayon. Ano pa ang hinihintay mo Besh, hindi ka na dapat pang magtiwala sa kanya, ano pa ba ang iyong gagawin kundi huwag mo na siyang kaibiganin pa.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 13, 2021




Napakaraming bagay na magagawa pang manatili ang magandang relasyon mo sa iyong anak kahit na nasa malayo ka. Heto ang ilang ideya:


  1. Mag-usap kayo sa telepono o cellphone ng regular. Madalas na isipin ng anak na ano na kaya ang magiging presyo ng telephone bill ni nanay sa araw-araw niyang pagtawag sa akin? Ang totoo, tumatawag siya dahil mura lang ang tawag sa cellular phone na may free paid long distance. Kahit na hindi kayo makapag-usap nang araw-araw, magtakda ng isang regular na iskedyul na araw na pareho kayong makapag-uusap.

  2. Kapag nagkausap na kayo, higit na mas mahalagang bagay ang siya ninyong pag-usapan. Isaisip na lahat ng oras ni nanay sa ibang bansa ay mahalaga kaya gawing napakahalaga ang paksa ng inyong pag-uusapan. Mas mainam na masasayang sandali ng kuwentuhan ang siyang pag-ukulan ng pag-uusap, upang maibsan kahit paano ang lungkot ni nanay o tatay sa ibang bansa habang nagpapakahirap sa pagtatrabaho roon.

  3. Dahil may social media na, napakadali na lang ang madalas na pagpapadala sa kanya ng inyong larawan. Sa Facebook o Instagram lang ay maipapadala mo na larawan mula sa nai-download na digital camera o mula sa iyong cellphone at ang internet ang siyang lifesaver ng inyong komunikasyon.

  4. Napakaraming social media para para mai-set up ang libreng photo album ang inyong maibabahagi sa pamilya at mga kaibigan. Bigyang pagkakataon ito. Lumikha ng on-line diary. Kahit ang pag-vlogs ay madali na lang i-upload sa Youtube. Mag-record ng video ng mga updates mo sa ibang bansa, mga ginagawa mo pagkagising, ipakita mo ang iyong mga araw-araw na ginagawa roon, iyong madalas mong kainin, lahat ng bagay ay mag-updates ka sa buhay mo riyan sa ibang bansa, para nakikita ng mga anak mo at iyong link ang ipadala mo sa kanila.

  5. Alamin din kung anong uri ng TV shows ang gustong panonoorin ng iyong anak. Tawagan ang anak bago pa man ipalabas ang kanyang TV show at sabihin na panoorin mo rin ito nang sabay kayo. Kapag napanood mo na, saka mo tawagan ang iyong anak at pag-usapan ang nangyari sa TV shows. Sa bagay na ito at least nakapag-share kayo ng parehong experience Kung ang anak ay may paboritong aklat o serye ng aklat na binabasa, alamin kung ano ito. At bumili ka rin ng naturang aklat at basahin ito at pag-usapan ninyo ito kapag natapos mo na rin itong basahin. Bisitahin ang anak kahit once a year. Kung may pagkakataon kang magbiyahe ng isang beses sa isang taon para lamang siya ay mabisita o makauwi uli ng bansa ay mas mainam ito nang magkasama kayo uli.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page