top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 18, 2021



Marami ang natakot nang may mapaulat kahapon na 23 sa mga 80-anyos pataas na mamamayan ng Norway ang nasawi matapos na makatanggap ng unang shot ng COVID-19 vaccine na umano'y ang BioNTech na bakuna ng Pfizer ang ginamit.


Ang paliwanag naman ng mga eksperto ng Center for Disease Control o CDC ng U.S. ang COVID-19 vaccination ay magbibigay proteksiyon laban sa coronavirus disease. Totoong may mga side effects, na normal daw na senyales na ang katawan ay bumubuo ng malakas na proteksiyon. Ang mga side effects na ito ay nakaapekto sa mga pang-araw-araw nating gawain, pero sa mga susunod na ilang araw lang ay mawawala na ito.


Ang karaniwan daw na side effects sa braso na tinurukan ay masakit at namamaga. Ang buong katawan naman ay lalagnatin, giginawin, parang hapung-hapo at masakit ang ulo.


Makakatulong daw ang sumusunod na kung may pain o discomfort ay tawagan agad ang iyong doktor kung ano ang puwedeng inumin na gamot, tulad ng ibuprofen o acetaminophen.


Para mabawasan ang pain at discomfort pagkaraang maturukan: Maglapat ng malinis, malamig at basang towel sa braso. Galaw-galawin ang mga braso o kaya ay ehersisyuhin.


Upang mabawasan naman ang lagnat: Uminom ng maraming tubig at manamit ng magaan sa katawan. Sa maraming kaso, normal lang ang lagnat at sakit na mararamdaman sa braso. Pero kinakailangan nang tawagan ang doktor kung mas lumala ang pamumula at pamamaga ng braso matapos ang 24 na oras.


Kumunsulta na rin sa doktor kung labis kang nag-aalala sa iyong nararamdamang side effects at hindi nawawala ang pamamaga at sakit sa susunod na mga ilang araw.


Kung nagpa-COVID-19 vaccine ka at alam mong may malubha kang allergy reaction makaraang lisanin ang vaccinate site, agad na sumangguni sa doktor.


1. Tandaan na ang side effects ay parang trangkaso at halos hindi mo magawa ang daily activities, pero sa mga susunod na ilang araw ay mawawala rin ito.

2. Ang COVID-19 vaccines ay kinakailangan ng 2 shots para maging ganap na epektibo. Dapat masundan ng ikalawang turok kahit na may mga side effects na naranasan sa unang shot, maliban na lang kung sinabi ng iyong doktor o ng vaccination provider na huwag ka nang magpa-second shot.


3. Maghintay ng sandaling panahon para bumuo ng proteksiyon ang vaccine sa iyong katawan. Kailangan talagang sumailalim ka sa 2 shots ng COVID-19 hanggang sa mabigyan ka na nito ng proteksiyon sa susunod na isa o dalawang linggo laban sa mapaminsalang virus.


Pakatandaan pa rin na mahalaga na maging responsable pa rin ang bawat isa na makaiwas na makapitan ng pandemya habang hinihintay pa natin ang magiging tamang epekto ng COVID-19 vaccine sa ating katawan. Panatilihin pa rin ang pagsusuot ng facemask, face shield, dumistansiya sa tao ng isang metro, umiwas sa matataong lugar at hugasan nang palagian ng sabon at malinis na tubig ang mga kamay.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 17, 2021



Tunghayan natin ang senaryo ng istorya sa pagitan nina Rwanda at Sean.


Sa kanilang ikatlong pagde-date, masaya silang dumalo sa party ni Mia. Tawanan, sayawan at may konting shot ng beer. Seksing-seksi si Rwanda sa suot niyang black halter top. Excited siya kasi nasa ibang bansa ang parents niya at sa makalawa pa ang uwi. Kaya feel free siya na makipag-party kasama si Sean.


Nang sumama si Sea sa bahay ni Rwanda, naghalikan sila. Pinigilan siya sandali ni Rwanda at nais niyang mag-usap muna sila tungkol sa kanilang relasyon at kung ano ba talaga ang status nila. "Sean," sambit niya habang ninenerbiyos siya. "Wait. Let's talk." Pero halik pa rin nang halik si Sean. Nagsalita pa uli si Rwanda na, "I really like you — more than anyone I have ever liked before, but ..."


Sandaling napahinto si Sean at sinabing, "I like you too." Tapos ay ipinagpatuloy ni Sean ang paghalik kay Rwanda at mabilis na hinimas ng kamay niya ang dibdib ni Rwanda. Napatigil si Rwanda. Tila hindi naiintindihan ni Sean na ayaw niyang idaan siya sa ganun kabilis na sitwasyon. Sinasabi ni Rwanda na umaayaw siya sa pressure na ginagawa ni Sean at tila sa pakikipagtalik na ang gusto ng lalaki na hindi naman niya handang gawin. Gusto niya si Sean, pati ang halik nito, pero hindi niya gusto ang susunod nitong kagustuhan. Kaya sabi niya, "No, please, Sean stop!"


Pero mapilit si Sean, "It's okay. If you really like me, you'll want to have sex as much as I do."


Pero umaayaw talaga si Rwanda, "Please, please don't." Pakiramdam naman ni Sean na umaarte lang si Rwanda para masabing pinaninindigan ang pagiging "good girl image." Pero nanaig ang gusto ni Sean kay Rwanda. Nasiyahan dito si Sean. Pero para kay Rwanda, pakiramdam niya ay na-raped siya at hindi niya alam ang gagawin.


Sa kuwento na iyan mula sa inilathala ng RECAPP ay naipaliwanag sa mga kabataan kung paano isasalarawan ang ugali o warning signs na malalagay sa alanganin at hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng bawat gusto nina Rwanda at Sean ng gabing iyon.


Para makaiwas ang isang babae sa sitwasyong talagang ayaw niya, heto ang dapat niyang tandaan:


1. Know Your Sexual Limits. Huwag nang hintayin na 'tuluyang mag-init' ang lalaki habang sinasabayan mo siya sa paghahalik at doon na dapat itigil ang ginagawa niya sa'yo.


2. Magpakatatag. Linawin agad ang limitasyon. Kung ayaw ay sabihin nang STOP! at NO! at ulit-ulitin kung maaari. Itulak siya nang malakas at kasunod na rin ng paglayo sa kanya, tumakbo o tumakas na.


3. Pansinin ang mga Non-verbal Cues. Ang tulad ng pagsusuot mo ng seksi at 'flirt' dress, walang ibang nasa isip ang lalaki kundi ang maka-sex ka. Para sa iyo alam mong diyan ka komportable sa suot mo, pero para sa lalaki, kaakit-akit iyan.


4. Maging alerto sa paligid. Trust your intuition, ika nga. Kung sa pakiramdam mo ay parang may mali na, tama ka! Umalis ka na sa lugar na iyan at lumabas ka na.


5. Iwasan ang labis na pag-inom ng alak at paggamit ng droga. Lulutang sa hangin ang iyong katinuan kapag naghalo ang alcohol at drugs sa iyong isip at katawan at wala kang kamalay-malay sa anumang mangyayari sa iyo maging sa paligid mo.


Upang makaiwas naman ang isang lalaki na mapahamak sa sitwasyon sa dakong huli:


1. Know Your Sexual Limits and Communicate Them. Dapat alam mong 'mag-iinit ka at hahanap ng paraan para 'makaiskor' sa babae. Kapag sinabi ng babae na 'no' kalasan na siya agad at maghintay ng tamang panahon at hindi sa mga oras na iyan.


2. Kapag tinanggihan ka ng babae, hindi ibig sabihin na nawawala ang iyong pagkalalaki. Kung pilit tumatanggi ang babae na makipagtalik sa iyo, hindi ibig sabihin na hindi ka niya gusto. Sinasabi lang ng babae na sa mga oras na iyon ay hindi niya kaya o hindi siya handa na gawin ang pakikipagtalik dahil nasa alanganin nga kayong sitwasyon. Get's mo ba?


3. Tanggapin ang desisyon ng babae. Kapag sinabi ng babae na "No", ayaw niya talaga besh! Huwag mo nang ipagpatuloy ang gusto mong 'sexual pressure' kung tumatanggi ang girl.


4. Isaksak mo lagi sa isip mo na hindi gusto ng babae na makipag-sex sa party. Kahit na nakasuot pa siya ng seksing damit o kung madalas siyang kandong nang kandong sa iyo, hindi ibig sabihin na gusto na niyang makipagtalik!


5. Umiwas sa sobrang alak at drugs. Lulutang sa kawalan ang iyong katinuan at hindi iyan isang excuse para gawin mo na ang agresibong pakay. Delikado ka riyan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | January 16, 2021




Ikinababahala ng UK scientists na ang gumugulong na COVID-19 vaccine sa buong Britanya ay hindi kayang magbigay proteksiyon laban sa bagong variant ng coronavirus na kumalat na sa South Africa at lumaganap na rin sa iba pang mga bansa sa buong mundo.


Parehong sa Britanya at South Africa na-detect ang bago at mas nakahahawahang variants ng COVID-19 na siyang pinagmumulan ng nakamamatay na virus sa nakaraang ilang linggo na mabilis namang kumalat sa iba't ibang rehiyon ng mundo.


Sa ulat ng U.S. New noong Lunes, sinabi ni British Health Secretary Matt Hancock, nababahala siya hinggil sa bagong identified na variant na kumakalat sa South Africa.


Sinabi ni Simon Clarke, ang associate professor ng cellular microbiology sa University of Reading, habang ang parehong variants ay may bagong 'features in common,' ang natuklasan naman sa South Africa "has a number additional mutations ... which are concerning".


Kasama na rito ang mas umibayo pang virus ng virus na kilalang spike protein na siyang nagpapa-infect sa selyula ng tao na hindi kayang supilin ng immune response na may dalang bakuna.


Ipinaliwanag din ni Lawrence Young, isang virologist at professor ng molecular oncology sa Warwick University na ang South African variant ay may "multiple spike mutations. "The accumulation of more spike mutations in the South African variant are more of a concern and could lead to some escape from immune protection," paliwanag niya. Ibig sabihin ay kayang takasan nito ang anumang immune protection ng tao.


Nasuri na raw ng mga siyentipikong sina BioNTech CEO Ugur Sahin at John Bell, Regius Professor of Medicine sa University of Oxford ang vaccines laban sa bagong variants at sa susunod na limang linggo malalaman ang resulta kung epektibo ang mga gumugulong na bakuna laban sa COVID-19 kontra bagong variants.


Para sa Public Health England, wala pa silang ebidensiya na masasabing ang COVID-19 vaccines ay hindi kayang magbigay proteksiyon laban sa 'mutated virus variants.' Habang ang health ministry ng Britanya ay wala pang komento hinggil dito.


Ang mga pinakamayayamang bansa sa buong mundo ay nagsisimula nang magbakuna ng kanilang mamamayan upang maproteksiyunan laban sa nakamamatay na virus na bumawi na sa 1.8 milyong katao at nagpabagsak sa ekonomiya ng buong mundo.


Sa ngayon ay may 60 vaccine candidates ang nakasalang sa trials, kabilang na ang AstraZeneca at Oxford, Pfizer at BioNTech, Moderna, Russia's Sputnik V at China's Sinopharm.


Sinasabi ng mga siyentipiko na parehong ang South African at UK variants ay mas pinarami ang virus na darapo sa katawan ng pasyente na posibleng dahilan ng mas mabilis na hawahan sa iba.


Ang Oxford's Bell, na pinayuhan ang UK government vaccine task force ay nagsabi na maaaring uubra ang vaccines laban sa British variant pero isang "big question mark" kung uubra ba ito laban sa South African variant.


Tiwala naman ang BioNTech's Sahin sa pagsasabi sa Germany' Spiegel na ang kanilang vaccine, na ginamitan ng messenger RNA na namamahala sa 'human immune system' na lalaban sa virus, ay may kakayahan ding magbigay proteksiyon laban sa bagong UK variant. "We are testing whether our vaccine can also neutralise this variant and will soon know more," aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page