top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 26, 2021





Naghihintay ka na isilbi sa’yo ang iyong inorder na burger sa isang burger joint sa isang bansang pinuntahan mo nang biglang may lumapit na foreigner sa anak mo at parang may gustong itanong, tumingin siya sa iyo pero parang ang hirap yatang intindihin ng damuho.


Ayaw mo namang maka-offend, pero mahusay kang umingles, kaso ang kanyang punto ay ‘di mo mawari kung Korean ba siya o Japanese dahil matigas ang dila. Paano ngayon iyan, gayung kayo pa lang ng maaga na iyon ang tao sa naturang restaurant at wala siyang ibang puwedeng makausap na maaring makaunawa sa kanya sa kanyang sinasabi at konti na lamang ay magsa-sign language na siya upang magkaunawaan kayo.


1. MAGING MATAPAT SA SIGN LANGUAGE. Bagamat hindi mo alam kung ano ang kanyang ibig na itanong puwede nang magbasahan kayong dalawa ng mga senyales ng kamay. Mas mainam na mag-usap kung magkakaintindihan mismo sa sign language, positibong uri ito ng inyong pag-uusap, sabayan ng ngiti, tango at laging bukas ng iyong mga palad. Tingnan siya ng diretso sa kanyang mga mata, magkaroon ng tamang distansiya habang nag-uusap. Ipakita mong may malasakit ka, maging mabait ka sa kanya at malinaw na magsalita sa Ingles kung hindi man siya nagsasalita ng wikang ito.


2.GUMAMIT NG SIMPLENG SALITA AT PANGUNGUSAP. Ito ay napakadali para sa isang hindi nakapag-Iingles, lalo na iyong nagsisimula pa lamang na magsalita ng Ingles.


3. SIKAPING MAUNAWAAN ANG KAILANGAN NG TAO UPANG MAINTINDIHAN NIYA ANG IYONG MGA SENYAS. Mukha ba siyang nag-aalala o natetensiyon? Nalilito ba siya? Humanap ng isang bagay para maituro mo ito para sa mas madali niyang pagkakaunawa o kaya naman ay mas mainam na makinig sa natatandaan mong mga salita. Ang ilang mga salita ay nagsasaad ng laman ng mga mensahe. Halimbawa ang isang nakapag-Iingles na tao ay puwedeng magbanggit ng pangalan ng softdrinks.


4. BAGALAN LAMANG ANG PAGBABANGGIT NG MGA SALITA. Sinuman ang nagsasalita ng mabilis ay mahirap na unawain o sundan ang mga sinasabi. Banggitin ang bawat saknong ng salita nang mas malinaw. Ang isang ‘di nakapag-Iingles ay baka mapahiya kung eksaherado at mabilis ang mga salita. Kung ipinakikita mo na hindi ka nagmamadali, gagawin di nila ito.


5. LUMIKHA NG MABAIT NA IMPRESYON. Huwag magbibigay ng anumang hindi komportableng tingin, gaya ng pagtaas ng kilay, pag-ikot ng mga mata, natetensiyon etc, magiging parang guilty lamang ang taong kausap at parang dama niya na hindi na siya gustong kausap. Dapat friendly face ka pa rin at may mainit na pagtanggap sa kaharap. Kung sisikapin mong mabuti, sila rin ay gagaya sa’yo at gagawin ka nilang pinakamabuting ehemplo.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 25, 2021




Nagbabalak kang lumipat sa ibang lugar, pero kailangan mo munang konsiderahin ang mga ilang bagay tulad ng malapit ba sa simbahan, eskuwelahan o himpilan ng barangay o pulisya para sa iyong mga basikong pangangailangan.


Kung ayos naman ang mga eskuwelahan, malilinis ang mga bakuran ng kapitbahay,tahimik ang buong kapaligiran, walang mga tambay sa daan, iyan maaari ang una mong dapat na konsiderahin bago lumipat sa naturang lugar.


Pero paano mo nga ba maanalisa na mabubuti at mababait ang iyong mga kapitbahay kahit na naobserbahan mo na ang buong kapaligiran? Narito ang ilang tips na magagamit para makita mo na ang perpektong kapitbahayan at tahanang pangarap mo para sa iyong pamilya. Malaking bagay na mapag-aralan ang kapitbahay kapag bibili ng lupa o bahay sa ibang lugar.


1. LUMIKHA NG IYONG PANGARAP NA KAPITBAHAY: Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng isang dream house o dream home, pero kung minsan nakakalimutan natin na konsiderahin ang uri ng ating magiging kapitbahay. Simulan nang tingnan, suriin at obserbahan kung anong klaseng kapitbahay mayroon ka. Magagawa mo bang lakarin mula sa inyo hanggang sa labasan? Gusto mo bang tumira sa isang tahimik na subdibisyon? O nais mo bang malapit sa kolehiyo o iyong family-oriented ang kapaligiran? Iyan ang unang ilista, kung ano ang gustong kapitbahayan na hinahanap.


2. TINGNAN DIN ANG SERBISYO PUBLIKO: Kung minsan, may mga lugar na walang parke o pasyalan, libraries, multi-purpose hall o sports hall at himpilan ng pulisya. Pagpasyahan na kaagad kung anong uri ng kapitbahay ang iyong gusto at maingat na alamin ang clues kung may problema sa pinansiyal na estado ang lugar. Malinis ba ang kapaligiran? Nasa magandang kondisyon ba mga pasyalan? Matataba ba ang mga halaman at ang mga hayop na pagala-gala rito? Tsekin din ang mga multi-purpose hall at barangay kung malinis at maayos. May 24 oras bang serbisyo ang mga barangay tanod? Aktibo ba ang samahan ng mga kabataan at mga naglilingkod bayan dito? Kumusta na ang kalidad ng kaligtasan, wala bang mga holdaper, isnatser, manyakis na pagala-gala sa lugar?


3. TINGNAN ANG KALIDAD NG ESKUWELAHAN: Kung may mga anak ka, ang kalidad ng malapit na eskuwelahan ay isang malaking isyu. Kung wala kang mga anak o plano mong magturo sa online curriculum, pipili ka pa rin ng isang magandang eskuwelahan, dapat kapag kasinghusay at kasimbait mo ang guro na kanilang kilala, siguradong diyan nila ipapasok ang kanilang mga anak. Makatutulong na dumalo muna ng PTA meeting at makipag-usap sa mga magulang. Sila na rin ang magsasabi sa iyo kung ayos ba o hindi ang regulasyon sa naturang eskuwelahan o kung may problema sa budget ang paaralan.


4. EKSAMININ DIN ANG SULIRANIN SA LUGAR. Marami bang bahay diyan sa naturang lugar na may karatulang For Sale? Karamihan ba sa kapitbahay ay may mumurahing apartments na for rent? Marami bang mga negosyo riyan ang nakikita mong nagsasara na? Ito ang mga senyales na maaaring may suliranin ang naturang lugar. Maaring laganap diyan ang nakawan o kaya ay malalim ang baha kapag umuulan.


Gawin mo pa rin na regular ang araw-araw na aktibidad, ipagpatuloy lang ang kalidad ng buhay. Halimbawa, kung lagi kang nagdya-jogging sa umaga, ligtas ba ang mga daan para sa morning jogging mo? Kung magbibisikleta patungo sa trabaho, may bike lanes ba sa lugar? Kung mahilig ka sa kape, may kapitbahay ka bang barrista na mahusay gumawa ng kape? Huwag kalimutan ang mga ingay. Naririnig mo ba ang mga ingay sa highway o airport? Katabi n’yo ba ang club o bar na maingay sa alas-2 ng madaling araw? Iyan ang mga mahalagang bagay na dapat ikonsidera.


5. MAKIPAG-USAP SA KAPITBAHAY: Makipag-usap sa magiging kapitbahay. Makakasama mo kasi sila sa maraming taon. Ang pagkakaroon ng mababait na kapitbahay ay puwedeng makabuo ng magandang samahan o magkasiraan, kaya alamin kung paano mo sila pakikisamahan at kung ano ang nais nilang mangyari sa kanilang buhay at kung paano ka nila pakikisamahan. Tandaan, na puwede ka namang magkaroon ng pagsaaayos ng iyong bahay, kung may isang bagay kang hindi mo gusto. Ang baguhin mo ang iyong ugali para sa kapitbahay ay hindi naman gayun kadali. Kailangan ng mahalagang oras at pagsisikap na magsaliksik at tiyaga sa una pa man. Matutuwa ka dahil nagtagumpay ka sa iyong hangarin na mapaganda ang samahan kalaunan.


Kaya sakaling makalipat ka sa ibang lugar, isipin na agad, ano ba ang mga bagay na napag-aralan mo na at kokonsiderahin sa sandaling nasa ibang lugar na? Sa tingin mo ba makakakita ka ng ibang bagay na hindi inaasahan pagkalipat mo?

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 22, 2021




Ang pagiging siga-siga o pambu-bully sa kalugar ay parang penomena na o multong sumasanib sa anumang edad, kasarian o lahi.


Bawat isa ay nagiging mismong may sapi o kaya naman siya ay biktima ng pambu-bully.


Ayon sa stopbullying.gov, ang pambu-bully ay tinatawag na “imbalance of power, intent to cause harm or repetitious teasing of another person.”


Ang pagiging siga-siga ay hindi lang paminsan-minsang nagaganap at hindi dapat na balewalain. Napakaraming paraan para maiwasan ang pambu-bullies; isa sa paraan na mabisa na ngayon laban sa mga siga ay ang paggamit ng ‘humor.’


1. Gumamit ng mga tamang salita na puwedeng hindi makapahiya sa isang siga, tulad ng pagsagot mo ng, "Hindi naman kasi ako nagpaplanong maging modelo o artista," kapag tinawag kang pangit at baduy ang suot mong damit o hindi bagay sa iyo. Planuhin na agad ang mga matatalinong sagot sa siga na tulad niyan. At least, mawawalan ng gana ang siga dahil hindi mo pinatulan ang kanyang pang-iinsulto. Tiyaking sumagot ka nang hindi siya maiinsulto, tanggapin mo na lang kung ano ang kanyang sasabihin.

2. Tamisan ang pagngiti. Ang simpleng pagngiti ay nakakalambot sa taong siga. Kahit paano ay mawawala ang insulto sa kanya at magbago ang isip niyang saktan pa ang iba. Ang pagngiti ay sinasabing hindi ka nasaktan at wala kang paki anuman ang balak gawin ng siga. Ang pagngiti at pag-iwas sa siga ay nakadidismaya sa kanya, pero kapag nasaktan ka at sumimangot sa kanya ay lalo lang siyang nahahamon. Ang isang siga na nakatatanggap ng positibong reaksiyon ang siyang magpapahinto sa kanyang pambabalasik.


3. Tumawa na lamang ng malakas. Bagamat masakit ang komento o opinyon sa iyo, tumawa na lang nang malakas na parang ang komento ay nakakatawa. Kapag ipinakita mo sa nananakot ang iyong sense of humor, at least madidismaya siya lalo na kapag nakita kang tumatawa at aakbayan mo siya na parang matagal na kayong magkaibigan, maging ang iba mo pang kasama na tatawa na rin ay nakakalambot na ito sa kanya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page