top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 22, 2021




Sa Sabado (Marso 27) ang unang hudyat ng pagpasok ng Semana Santa. Sa EASTERN ORTHODOXY ng Orthodox Church, ang Kuwaresma ay nagtatapos ng Biyernes bago ang Linggo ng Palaspas, bagamat ang mga mananampalataya ay nagpapatuloy na mag-ayuno hanggang Pascha (Easter).


Ang araw bago ang Linggo ng Palaspas ay tinatawag na Lazarus Saturday at ginugunita ang pagkabuhay ni Lazarus. Tuwing Lazarus Saturday, ang alak at langis ay pinapayagan (at sa Russian tradition, caviar). Ang Linggo ng Palaspas ay kinokonsidera na isa sa pinakadakilang paggunita sa Panginoon Hesus, na ipinagdiriwang sa paghahanda ng mga isda, alak at langis. Dahil ito ay dakilang pista ng Panginoon, ang normal na elemento ng pagkabuhay ng Sunday All Night Vigil ay inalis na, gayunman, ang resurrectional elements na ito ay isinabay na sa Lazarus Saturday service kung saan ang tema ay isinunod sa Pagkabuhay na muli ni Hesus.


Ang Semanta Santa ay tinutukoy bilang “Great and Holy Week.” Ang Orthos (Matins) services kada araw ay idinaraos sa sumunod na gabi. Kaya ang Matins service ng Great Monday ay inaawit sa gabi ng Linggo ng Palaspas. Dito ay kinakailangang ang mga mananampalataya ay dumalo at ipinakikita na tuwing Holy Week ay panahon na magkakasama. Ang Matins service ay idinaraos sa gabi at sa ilang lugar ang Vespers ay sa umaga.


Ang pag-aayuno tuwing Great at Holy Week ay istriktong ipinatutupad. Ang mga dairy products tulad ng itlog at keso gayundin ang mga pagkaing karne ay hindi dapat kinakain. Sa mga araw na iyon, bawal ang alak at hindi dapat gumamit ng mantika sa pagluluto. Ang Biyernes at Sabado ay istriktong dapat na mag-ayuno, ibig sabihin dapat ay walang kakainin sa mga araw na iyon. Gayunman, ang pag-aayuno ay laging ayon na rin sa kailangan ng mga tao at iyong napakabata pa may sakit o nakatatanda ay inaasahan na talagang dapat na mag-ayuno. Iyong mga may kakayahan o magagawa ito, ay matatanggap ang blessing ng espirituwal na ama na sumusunod sa mahigpit na pag-aayuno, kung saan kakain lamang sila ng dalawang beses sa isang Linggo: isa sa araw ng Miyerkules at isa matapos ang Divine Liturgy sa Huwebes.


Dahil na rin sa pandemic, ang mga sumusunod ang guidelines. 1. Ang mga palaspas ay iiwan sa labas ng simbahan o sa isang mesa na nakahanda at iyon na lamang ang babasbasan ng pari at matapos ang basbas ay saka ito puwedeng kunin ng tao. 2. Marahil ay babasahin ang pasyon sa misa nang walang kandila o insenso. 3. Ang misa ay malawakang gagawin online at sa bahay na lamang magwawagayway ng palaspas ang tao. Ang iba pang guidelines ay maari nang ilabas nitong mga susunod na araw ng mga Katolikong Simbahan.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 20, 2021




Mag-ingat po tayo sa pagtama ng heat stroke bunga ng sobrang init ng panahon. May isang magkaibigan daw na minsang sabay silang naglalakad sa isang katanghalian. Napansin ng isa na parang namutla ang kasama niya at hindi na nagsasalita at nang tanungin niya ito kung okey lang ba ito, pero ‘di sumasagot.


Ang ginawa niya, pinaupo niya ito sa isang malamig na lugar at saka siya tumakbo sa isang tindahan para bumili ng iced water. Pinahawak niya ito sa dalawang kamay ng kaibigan niya at saka niya pinainom ito ng tubig na naka-straw. Hindi siya pinapawisan gayung sobrang inittttttt. Heat stroke na pala!


Heto kung paano natin maiiwasan ang ganitong insidente maging ang dehydration!

a. Unang-una kailangan nating malaman ang senyales ng heat stroke at dehydration. Marami ang nahihirapan na sabihin kung heat stroke na ito o heat stress dahil sa dehydration. Kaya dapat nating obserbahan ang sintomas nito bago pa man mag-collapse at humantong sa kamatayan:


1. Nadarama ang sobrang uhaw.


2. Natutuyo ang mga balat pero hindi naman pinapawisan.


3. Pagod at parang mabagal ang pagkilos, nanghihina ang mga paa, nanghihina ang buong katawan.


4. Nahihilo o nasusuka, sumasakit ang tiyan.


5. Parang lumulutang ang pakiramdam ng ulo.


6. Nalilito at parang nagha-hallucinate.


7. Nanunuyo ang bibig at ilong.


8. Malakas ang tibok ng puso at nahihirapang huminga.


9. Hindi na maihi.


10. Sumasakit ang ulo.


11. Mataas ang temperatura ng katawan.


12. Nanginginig at nawawalan na ng malay! Kailangan nang itakbo sa ospital!


Para maiwasan ang heat stroke, muli para maiwasan ang isa o dalawa sa nabanggit ang nararamdaman:


1. Uminom ng maraming tubig kapag maraming gagawing bagay sa labas ng bahay. Uminom ng tubig at sports drink, iwasan ang pag-inom ng tsaa, kape, softdrinks at alak.


2. Magsuot ng magaan, light colored, open weave, at loose-fitting na damit.


3. Magtrabaho maglaro sa mas maaga sa umaga habang malamig. Ang delikadong oras ng araw ay karaniwang alas 10 ng umaga hanggang 4 pm.


4. Gumamit ng sombrero, sunglasses o payong kung tatayo ng matagal sa arawan. (Gumamit din ng sunblock) Mas mainam na lumayo sa direktang araw lalo na kung sobrang kainitan.


5. Isanay ang katawan sa init nang dahan-dahan sa umaga bago pa man na tumindi ang init para hindi ka mabigla.


6.Habang nasa labas, magpahinga, sumilong sa malamig na lugar at uminom ng maraming tubig at ispreyan ng tubig ang buong katawan.


7. Manatili na lamang sa loob ng bahay kung sobrang init sa labas.


8. Huwag kang biglang lalabas sa initan, dahan-dahan munaaaa, huwag magmadaliiiii, magpalamig munaaaaa!


9. Iwasan ang mga maiinit at mabigat na pagkain kapag nasa initan ka.


10. Iwasan ang maaalat na pagkain! Mahihirapan kang pawisan nito.


11. Gumamit ng electric fan kung wala kang airconditioning unit o kaya ay lagyan ng yelo ang cooling fan.


12. Kung sobra talagang init, maligo ng malamig na tubig at maglunoy sa bath tub---ahhhhh ang sarap! Tutukan ang sarili ng electric fan. Higit na madali kang malalamigan sa paliligo kaysa ang magpatutok sa hangin.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | March 18, 2021




Ang pagiging mahiyain ay napakahirap, lalo na kung maa-assign sa isang pagpupulong kung saan maraming makakausap na tao. Sundin ang ilang simpleng hakbangin upang umibayo ang pakikisalamuha sa iba, mabawasan ang pagkamahiyain sa pinagtatrabahuhan. Relaks! tandaan, ang stress at takot ay nakapagpapabansot lang sa iyong abilidad na maiprisinta ang sarili bilang malakas at kumpiyansang tao. Kung kailangang mag-relaks, subukan ang ilang breathing exercises o meditasyon.


1. Panlabas na hitsura: Tiyakin na ang iyong kasuotan ay propesyonal at maayos. Higit na madali sa ibang tao na makipag-ugnayan sa iba kung positibo ang kanyang sarili.


2. Tumingin ng diretso sa mga mata ng kausap. Kung makikipag-usap sa customer o katrabaho, mahalaga ang eye contact upang manatili ang magandang samahan. Nagpapakita ito ng respeto at matulungan na maestablisa ang tiwala.


3. Ngumiti. Kapag tayo ay ngumingiti, sinasabi nito sa ating mundo na bukas ang loob mo at handa kang makatulong. Higit na positibo ang responde sa taong mahilig na ngumiti, kaysa sa mga hindi.


4. Magpakatotoo. Ang problema sa mga taong nahaharap sa ibang tao lalo na sa kanyang trabaho ay ang kakulangan niya ng kumpiyansa. Takot silang ilabas ang totoong sarili, sa takot na baka mapahiya siya sa sa isang antas. Magpakatotoo, habang sinisikap mo na mamantine ang propesyonal na ugali sa tamang panahon.


Sikaping maging matulungin hindi lamang sa customers, kundi sa katrabaho na rin. Ang isang positibo, matungin na ugali ay higit na kinikilala sa trabaho.


5. Panatilihin ang propesyonal na ugali. Mainam na maging relaks at magaan ang trabaho. Okey lang minsan na maging madaldal at matalino kapag kayo-kayo lang pero isantabi na ang kalokohan kapag haharap sa iba.

6. Lumahok. Mahirap na isiping haharap sa maraming tao, basta’t sikapin na maging komportable sa sandaling makaharap na sila. Ipakita ang pakikiisa, makisaya kasama ng mga masasayang katrabaho, makilahok, makiisa.


7. Kung minsan, ang pagkukunwari na hindi ka nahihiya ay epektibo, pagpasok mo sa isang silid, batiin mo ng ‘hello’ ang lahat, na may ngiti, kahit kaway-kaway lang. Okey lang kung walang masyadong papansin sa iyo. Pero tandaan mo na wala nang magsasabi na isa kang mahiyaing tao. Maniwala ka, ubra ito. May tao na likas na mahiyain pero kapag nagpanggap na hindi, walang maniwala na ika’y mahiyain nga.


8. Isa pa, kapag may kasama kang likas na makarisma at palakaibigang personalidad, kunwari tularan mo sila. Imadyinin mo na katulad mo sila at praktisin mo. Ang pagsama-sama sa taong may outgoing personalities ay nakahahawa gaya ng pagngiti-ngiti. Gamitin ito para sa iyong bentahe.


9. Praktisin ding sabihin sa sarili na marami ang nagmamahal sa’yo at mahal mo ang ibang tao. Imadyinin mo na nginingitian ka nila. Ito ang magpapasarap sa iyong mood at makare-relaks.


10. Huwag na huwag kang makikisali sa tsismisan sa trabaho. Ang pagsasalita ng negatibo hinggil sa katrabaho ay hindi makatutulong sa sitwasyon.


11. Huwag masyadong agresibo sa iba kung nakakaistorbo sa taong nagtatrabaho o ang customer na iyong nakakausap.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page