top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 09, 2021



Nag-trending sa social media ang pagkakabundol ng isang trak sa isang motorcycle rider nang ihahatid sana nito ang wedding invitation cards para sa mga taong dadalo sa kanyang nalalapit na kasal nitong Abril 10 kung saan agad niyang ikinasawi.


Biglang nasagi sa isipan ko na isa sa mga pamahiin sa Kristiyanong bansa tulad ng Pilipinas ay ang hindi paglalabas ng bahay o pagbibiyahe ng isang malapit nang makipag-isang dibdib. Sinauna nang paniniwala kaya muli nating tatalakayin mula sa Ouines kung anu-ano ba ang mga superstitious beliefs tungkol sa mga malapit na ang petsa ng kasal dito sa Pilipinas.


IWASAN ANG SUKOB – Pinakaunang pamahiin na pinaniniwalaan ay ang "sukob." Ibig sabihin, hindi dapat na magpakasal sa parehong taon ang magkapatid. Sabi nila, naghahatid daw ito ng malas sa isa sa dalawang couple na ikinasal. Ang isa pang bersiyon ay hindi dapat magpakasal sa naturang taon kapag may isa sa pamilya ang namatay.


PAGPILI NG TAMANG PETSA SA PUNGSOY – Kung pipili ng petsa sa kasal, mainam daw na piliin ang mga numero na may pataas na stroke tulad ng may 0, 5 o 8.


BAWAL ANG PERLAS AT TEAR-SHAPED JEWELRIES – Huwag na huwag magsusuot ng perlas bilang bahagi ng kolorete o hugis luha na alahas sa kasal. Dahil luha nga raw ang kasunod at ang perlas kasi ay luha ng talaba o taklobo.


HUWAG MAGSUSUKAT NG DAMIT PANGKASAL. Bawal ang final gown na pagsusukat, malas daw ito.


HINDI DAPAT MAGBIYAHE - Kapag malapit na ang takdang petsa ng kasal, huwag na huwag nang lalabas ng bahay o magbibiyahe pa. Magdoble ingat dahil sa oras na iyan, malapit sa aksidente ang couple.


HUWAG MAGKIKITA – Para iwas bad luck, hindi dapat makikipagkita ang groom sa bride bago ang kasal at dapat mauna ang groom na dumating sa simbahan bago ang bride.


SINDI NG KANDILANG MAMAMATAY – Kung kaninong side ng kandila ang unang mamamatay ang sindi ang siyang unang kukunin ni Lord. Habang ang huling masisindihan ng kandila ay under-de-saya.


BAWAL ANG PAGLAGLAG NG ITEMS SA KASALAN - Belo, cord, singsing at aras, hindi dapat malaglag sa sahig dahil simbolo ng kalungkutan.


GROOM ANG UNANG UUPO – Para hindi "under de saya" si groom ang unang uupo.


PAGTAPAK SA PAA NI GROOM - Magiging masunurin si groom sa bride habang natapakan siya pagkalakad sa altar.

ALAY NA ITLOG KAY ST. CLAIRE – Para hindi umulan nang malakas sa kasal ninyo, mag-alay muna ng itlog kay St. Claire.


UMULAN SA KASALAN – Ang pag-ulan sa kasalan ay simbolo ng kasaganahan.


PAGSABOY NG BIGAS – Bukod sa ulan, ang bigas ay simbolo ng kasaganahan maging ang mga talulot ng bulaklak sa paglabas sa seremonya ng couple. Ang bigas ay simbolo ng fertility at haba ng buhay.


SINGLE NA NINONG AT NINANG – Kapag kumuha ng single na Principal Sponsor (a.k.a. Ninong/Ninang/Witness) mananatiling single ang mga ito sa buhay nila.


PAGSALO NG BOUQUET – Kapag nasalo ng single na babae ang bridal bouquet siya ang susunod na ikakasal. Pareho rin ang paniniwala sa ibang bansa.


KAPAG MAY NABASAG - Kung may nabali o nabasag sa reception, hindi malas, nagkataon lang yan.


PAGLIPAD NG MGA KALAPATI – Simbolo ng Holy Spirit at kalinisan ng kasal ang intensiyon ng mga pagpapalipad sa kalapati. At kung darapo sila sa isang lugar, magiging happy together ang ikinasal. Pero kung may mangyari sa isang kalapati, may bad luck daw.


MATALIM NA REGALO AT ARINOLA – Hindi dapat regaluhan ng kutsilyo at iba pang matalim na bagay ang ikinasal habang kapag arinola naman ay may goodluck sa mag-asawa.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 08, 2021





Hindi lang ang dobleng pag-iingat na mahawahan ng COVID-19 ang ating iniingatan sa pagbibiyahe sa mga pampublikong sasakyan sa panahon na ito. Summer season, ugali na ng marami ang bumiyahe at magbakasyon pero dahil nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang buong NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, paalala na lang sa mga iba pang dako ng probinsiya sa bansa na sasakay ng pampublikong sasakyan, anumang uri ng behikulo ang gagamitin sa biyahe ay dapat nasa isip lagi ang salitang "Paano kung?" isang survival attitude na unang-unang dapat piliin ay ang pinakaligtas na lugar kung saan uupong puwesto, base sa karanasan ng ilan at obserbasyon, heto ang ilang tips para matulungan ka na makapagpasya kung saan at kung paano uupo sa pampublikong sasakyan upang maiwasan na maging biktima ng anumang aksidente, ay huwag naman sana dahil nagdarasal ka naman bago bumiyahe. Kamakailan kasi sa Taiwan ay nagbanggaan ang isang tren at trak o bus yata at may 71 ang nasawi, napakalagim.


1. Sa isang tren na may tatlong magkakadugtong na carriage, ang pinakagitna umanong carriage ang maaaring pinakaligtas na puwesto dahil hindi ito direktang tatamaan ng anumang banggaan. Sa mas mahabang tren, MRT, LRT o PNR man, piliin ang pagpuwesto o pag-upo sa mas malapit sa gitna at hindi sa huling dalawang carriage. Sa isang single carriage na train, mainam din ang pag-upo malapit sa exit area, mas mauuna ka sa anumang sandali na kailangang umeskapo. Mag-ingat nga lang kapag biglang lalabas ng train at tatawid sa kabilang riles, baka bigla kang mahagip ng dumarating pang ibang tren.


2. Sa isang bus, ang pinakaligtas na lugar na makaupo ay sa gitna para mas madali kang makaeskapo at hindi ka gaanong masasaktan sa sandaling may magliparang mga basag na salamin.Kung kailangang lumabas ng bus ay iyon ang pagdaan sa bintana, maging alerto sa mga nagdaraang sasakyan at baka masagasaan ka.


3. Kung nasa jeep, sa gitna pa rin ang pinakamainam na puwesto at ligtas dito.


4. Sa eroplano, walang ebidensiya na anumang parte ng eroplano ay may ligtas na lugar sa sandaling ito ay mag-crash, bagamat ang mas malapit sa emergency exit ay malinaw na mas mainam lalo na kung kailangang mag-evacuate. Sa loob ng eroplano, ang mga upuan malapit sa pakpak ang pinakamatibay at mas matatag kaya lang ay malapit sa tangke ng gasolina. Ang upuan naman sa likuran ay mas pinakamaingay at ang eroplano ay higit na kumikilos nang mabilis. Ang mga upuan naman sa harapan ay higit na gusto ng marami, pero karaniwang unang lugar na nagiging biktima ng damage crash.


Sa paraang ito ng pagbibiyahe ay puwedeng nasa iyo pa rin ang pagpili, ika nga sa Ingles ang extreme circumstances sometimes require extreme measures, kaya dapat bukas ang isipan sa iba’t ibang gagamiting sasakyan sa pagbibiyahe na pipiliin. Maging ligtas, guys!

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 07, 2021




Panahon ng tag-init at marami ang gustung-gustong magtampisaw sa tubig. Kung malapit kayo sa mga ilog at dagat o kung may sariling swimming pool ay narito ang mga safety rules at safety measures na napakahalaga kapag ang mga bata ay nasa tubig na. Pakirebisa lamang po ang artikulo na ito at konsiderahin ang bilang ng mga bagay na maaring mangyari kapag hindi naging maingat ang lahat kapag magsu-swimming na ang buong pamilya. Tiyakin lang na mag-social distance at lumayo sa ibang tao para manatiling ligtas sa banta ng coronavirus.


1. PANSININ ANG ORAS NG BATA SA TUBIG O KUNG GAANO NA SIYA KATAGAL NAKABABAD. Please po, tiyakin lamang na ang mga bata ay uminom muna ng ilang baso ng tubig bago siya lumusong sa tubig. Iyan ay upang hindi masyadong magtagal sa paglunoy sa tubig ang mga bata. Tiyakin din kung gaano na siya katagal na nakababad sa tubig. Dapat kada kalahating oras ay may 15 minuto siyang nakaahon sa tubig at gayundin sa susunod na kalahating oras.


2. MAGING ALISTO SA KAPALIGIRAN. Kung maliligo sa dagat, napakahalaga na mabigyang babala ang mga bata hinggil sa jellyfish, delikadong makapitan nito sa katawan, kagat ng lamok o insekto at iba pang lamang-dagat para sa kanilang kaligtasan. Isa pa, kung kumikidlat, umahon na agad sa tubig at magpunta sa lugar na ligtas.


3. IWASANG MAGHARUTAN SA TUBIG. Napakagandang tingnan kapag nakikita ang mga bata na nagkakatuwaan habang nasa tubig. Gayunman, kailangan pa ring maging maingat. Kaya please lang, huwag nang payagan ang mga bata na magharutan sa tubig. Baka may masaktan sa kanila o may malunod. Please! Mag-monitor! Monitor! Monitor!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page