top of page
Search

biyayang natatanggap.


ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 12, 2021



Kahit pandemic ngayon at nahaharap sa krisis, marami pa rin tayong dapat na ipagpasalamat lalo na kung sa iyong mga dasalin ay nakatatanggap ka ng mga biyaya at pagpapalang malusog na pangangatawan. Kung noon maraming tao ang biniyayaan na’t lahat, pero hayun nagagawa pang magreklamo sa buhay, parang walang kakuntentuhan. Heto ang tips para sa ganyang uri ng attitude kung nais mong baguhin.


1.PASALAMATAN ANG SARILI. Isipin ang lahat ng bagay na iyong nagawa, tulad ng pagbibigay ayuda sa kapwa o iba pang mahal sa buhay. Isipin at damhin na dapat kang magpasalamat, pero bakit hindi mo yata nagagawa. Tapos ay isulat ang mga ito. Pasalamatan ang sarili dahil nakagawa ka nang mabuti at ito ang unang nasa isip mo ngayong panahon ng krisis. Tapos ay basahin ang listahan muli at maging mapagpasalamat na nagawa mo na pala. Tapos ay isipin at damhin ang bawat isa.


2.Gumawa ng petsa sa pagsasabi ng pasasalamat. Pumili ng araw at markahan ito sa iyong kalendaryo. Ito ang araw na maaari mong sabihin ang salitang Salamat kahit kanino na may mabuting nagawa sa iyo. Oo, kahit na sa isang agwador. Kahit na sa isang delivery rider na naghatid sa iyo ng pagkain ay magpasalamat ka. At kapag nagsasabi ka ng “Salamat ng marami,” damhin ng totoo ang kahulugan. Tapos sa susunod na araw ay sabihin na, “I appreciate it,” sa halip na salamat na. Damhin ang ibig sabihin nito, sa bawat oras na sinasabi mo ito.


3.Pag-aralan ang lahat ng mga kaibigan at ang kanilang buhay. Tapos ay isipin, kung ano ang iyong dapat na i-appreciate sa kanila. I-appreciate sila, anumang tagumpay o mga bagay na mayroon sila. Kung nakabili siya ng bagong sasakyan, o lote, may mabait at mapagsuporta kasi siyang asawa, ipagpasalamat mo iyon. I-appreciate mo na naging kapitbahay mo sila at nakikita mo silang mag-asawa na sweet na sweet.


4.Tanggapin ang anumang bagay na mayroon ka. Isulat ang magagandang bagay na nangyayari sa iyo, positibong pakiramdam at matalinong pag-iisip na mayroon ka. Pagmuni-munihin ito at tanggapin ang kahulugan nito sa iyo. Tanggapin ang sinumang tao na hihingi ng tulong sa iyo lalo na sa kagipitan. Ngayong pandemic, ikaw na pinakamasuwerte, maraming pera, malusog at ligtas sa COVID-19 ay dapat maging bahagi ng iyong araw-araw na gawain sa buhay ay ang tumulong.


5.Kapag nasa isang sitwasyon ka o harap ng mga tao na walang iniintindi, tingnan kung saang bagay o bahagi ka dapat magpasalamat.


6.Kung magagawa mong makakausap ang mga taong hindi mo dati iniintindi sa paggawa ng mga hakbangin na nabanggit,palawakin mo pang mabuti ang mga dahilan kung bakit kailangan kang magpasalamat, at i-appreciate sila.

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 11, 2021




Kapag sobra ka nang materyoso at marami ka na halos binibili nang kung anu-anong bagay dahil lamang sa iyong luho, higit na mag-aalala ka dahil ang dami mong mga kagamitan o bagay na pag-aari na dapat alagaan. Alalahaning mas mahalaga ang sariling kalusugan at buhay dahil hindi mo madadala lahat sa kabilang-buhay ang mga iyan. Mas dapat ituon ang buhay sa mas mahalaga at gastusin ang pera sa kung ano ang kailangang-kailangan. Mas masarap sa pakiramdam na sa panahon na ito ng pandemya ay maipamahagi mo ang iyong pera pantulong sa kapwa kaysa gastusin sa mga walang kuwentang mga bagay.

  1. Maigsi lang ang buhay, kaya dapat maging maingat sa paggastos. Tandaan mong anumang luho ang iyong idaragdag sa iyong bahay, darating ang mga taon na hindi ka na interesado rito.

  2. Sa tuwing iikot ka o maglilinis ng iyong bahay, minsan napapaisip mo nang itapon ang ibang mga bagay o ipamigay na lang. Isulat mo muna ang presyo ng mga alam mong kalat na lang sa buhay, magugulat ka sa laki pala ng perang naaksaya. Ngayon pa lang, imotiba na ang sarili na huwag nang maging maluho sa kung anu-anong mamahaling mga bagay sa buhay.

  3. Kung may balak kang dalhin sa bahay, pinakamainam na ipagpalit mo ito sa iba mong gamit. Para mabawasan ang mga kalat.

  4. Ang tunay na kaligayahan ay natatagpuan sa ibang tao, mga hayop, kalikasan at karanasan. Kung minsan ang pagiging materialistic o maluho ay hindi na magandang larawan para sa ibang taon. Nakikita nila ang tunay mong pagkatao kung pawang mga material things lang ang nagpapasaya sa'yo.

5. Tandaan na kung higit mong nailalaan ang lakas at buhay sa mga bagay na may buhay, higit na aanihin mo ang saya at blessings na darating sa iyo kaysa ang ma-stress ka sa mga mamahaling alahas, appliances, gadgets o sasakyan na pagdating sa huli ay mga masisira lamang o kukupas.


PARA MAS MAGING SIMPLE LANG

  1. Ilista ang mga importanteng bagay na hindi ka mabubuhay kung wala ito. Huwag nang idagdag ang cable TV sa listahan. Ilista lang ang bayad sa renta, kuryente, pagkain. Huwag na munang isipin ang bagong damit na isusuot.

  2. Ano ba ang mga babawasang gastusin mula sa luho. Halimbawa, kung hindi mo naman kailangan ng bagong cellphone, wag na bumili, pero kung kailangan ay segunda mano na lang.

  3. Kung nangangati sa luho, sikaping unang isipin ang mga babayarang utang. Makikita mong mas makakatipid ka.

  4. Sikaping humanap ng mga natural na alternatibo sa mga bagay na magastos. Kung may ibig kang orderin online na pizza, gawa ka na lang sa bahay. Kung may expensive na registration online ng mga event exercises, maglakad-lakad sa bakuran, mag-jogging sa barangay o ipatong sa tripod ang bisikleta at saka ka pumedal at mag-yoga, maglatag ng mat sa sala.

5. Kung plantita ka, i-recycle ang mga plastic bottles o iba pang mga lalagyan na hindi na ginagamit sa loob ng bahay, matutong mag-recycle. Simulan na rin ang urban gardening at magbinhi ng mga petsay, mustasa, sili, talong, okra, mga ilang buwan lang makakaani ka na mula sa pagtatanim sa lumang mga lata, recycled bottled water, mga timba at plangganang butas para hindi ka na bibili.


 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | April 10, 2021




Sandamakmak ang reklamo ng taumbayan sa pamimigay ng ayudang pinansiyal para sa mga naapektuhan ng enhanced community quarantine sa NCR, Cavite, Bulacan, Rizal at Laguna. Ang mga netizens, nag-post ng mga hindi tamang halaga na natanggap sa bawat household. May munisipalidad na sakto, walang reklamo ang mga tao nila roon na nagbigay ng sapat na ayuda ang kanilang gobyerno. So, alam na this! Kung sino ang mga karapat-dapat na namang ihalal sa susunod na eleksiyon, hindi na mahirap gawin 'yan. Kalimutan na ang partisan dahil may kanya-kanya tayong natitipuhan na kandidato at base ito sa indibidwal na kapasidad at kakayahang mamuno, magmalasakit sa taumbayan lalo na ngayong pandemya at hindi dahil malaks lang ang anumang partido. Ang mahalaga ay makapili ka ng kandidato na naghahayag ng pinakamainam na ideya at alituntunin na siyang napakahalaga para sa iyo lalo na ang pagmamalasakit sa kalagayan at kalusugan ng tao. Ang paghalal ay ang napakahalagang desisyon, isang desisyon na ayon sa layunin at kinabukasang mga plano.


1. Maglista ka na ng mga isyung negatibo at sa kabila ay mga positibo na may halaga para sa iyo. Ang mga isyu na ito ay puwedeng kahit ano na magagamit mo para makatulong sa iyo na makapagpasya kung sinong kandidato ang isusulat sa balota.


2. Tipunin ang mga listahan kung ang mga iyan ba ay mangyayari o hindi magaganap sa susunod na 3 hanggang 7 taon. Iyan ang gawin mong batayan, dapat matupad ang mga 'yan. Tiyakin na mailista ang lahat ng bagay gaya ng mga inaasahan na parang plano lang na ginagawa mo matapos makatanggap ng suweldo kung patuloy ka pa bang mangungupahan o magkaroon ng sariling bahay.


3. Gumawa ng listahan ng mga isyu o mga eskandalong nangyari sa pulitiko na iyon, tulad ng korupsiyon, pangungupit sa pera ng mga ayuda tulad ngayong pandemya, mga bagay na hindi mo na masikmurang suportahan pa. Pero kung may positibong ginagawa tulad ng pagpupursige na mabakunahan nang ligtas laban sa COVID-19 ang kanyang mga nasasakupan, at determinadong bigyan ng sapat na ayuda bilang pangunahing kailangan ngayong panahon na ito ng krisis, pagbibigay ng trabaho sa mga nawalan ng hanapbuhay, pagbibigay proteksiyon sa mga kababaihang inaapi ng kani-kanilang mister habang nasa lockdown, isama na iyan sa iyong approval.


4. Isaliksik ang voting history ng bawat kandidato. Ang kasaysayan ng mga boto niya noon ang magbibigay sa’yo ng clue sa aktuwal na pananaw ng pulitiko sa isang estratehiya ng kanyang ginagawa. Humanap ng iba pang impormasyon hinggil sa kandidato gaya ng social organizations, political organization at kung anong mga committee ang kanyang pinamunuan o higit na nakatulong talaga sa nakararami.


5. Panoorin o dumalo ng mga debateng pulitika. Ang mga forums kung saan ang mga kandidato ay sumasagot sa mga katanungan ang magbibigay sa’yo ng ganap na ideya sa bawat alituntunin ng kandidato. Maraming forums ang pinapayagan ang audience na magtanong kahit anong paksa na mahalaga para sa kanila. Sa mga sandaling ito, makikita mo kung paano namamantina ng bawat kandidato ang kanyang posisyon at paninindigan.


6. Piliin ang kandidato kung tutugon sa mga isyu at layunin. Kung may higit ka pa sa isang kandidato, limiing mabuti kung nasasagot pa ang ibang isyu hanggang makapili ka na ng perpektong kandidato.


7. Panoorin ang kandidato hanggang sa araw ng halalan. Maaari pa kasing magbago ang iyong isipan hanggang hindi mo nasisimulan ang pagbilog ng itim na marka sa balota. Kaya palagiang abangan, panoorin at pakinggan ang mga kandidato sa kanilang mga sasabihin para matiyak na hindi nabago ang kanilang posisyon at ‘di umurong sa laban.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page