ni Nitz Miralles @Bida | September 1, 2023
Naloka siguro si Marc Leviste dahil mas nagselos pa ang mga fans ni Kris Aquino kesa kay Kris nang makitang may kasama siyang babae sa paglalaro ng golf.
Comment ng isang fan, dapat maging sensitive siya dahil bukod sa babaeng kalaro niya ng golf, twice na rin daw siyang nakitang may kaakbay na babae. Ang mga fans ang mas nasasaktan para kay Kris.
Ang daming nag-comment at ang sagot ni Marc, “Mas malupit pa po kayo sa kapeng barakong mainit” at “Iisa lang naman ang pinupusuan ko.”
Napansin din ng mga fans na hindi suot ni Marc ang ring na bigay ni Kris sa kanya at ang sagot dito ni Marc ay dahil naglalaro siya ng golf.
May binanggit na pangalan ang isang netizen na babae yata, pero hindi makita ang Instagram account nito.
Bibilib ka naman sa mga fans, ang daming alam at ang daming nakikita at pati kulay ng damit ng babae ay alam. Pinayuhan din si Marc na magdahan-dahan sa pagpo-post na may kasama siyang babae.