top of page
TEKA NGA - SEN. ROBIN, NAUNTOG NA PARA LANG SA MALAKAS ANG LOOB ANG PULITIKA SA ‘PINAS-FB
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 13, 2026



BIDA - XIAN, GAME MAKASAMA ULI SI KIM, TINAWAG NA LAOS-IG _xianlimm & IG _chinitaprincess

Photo: IG _xianlimm & IG _chinitaprincess



Grabe ang reaksiyon ng KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa nabanggit lang naman ni Xian Lim na open siya to work with Kim again. 


Naalala namin, nabanggit na rin ng aktres na open siya to work with Xian at parang hindi naman ganu’n katindi ang reaksiyon ng mga fans. Dahil siguro that time, wala pang KimPau love team.


Ngayon, may mga comments na pinayuhan nila si Kim na huwag nang makipagtambal sa aktor. Wala raw itong maitutulong sa career niya. May mga tumawag pa kay Xian na ‘laos’ at gagamitin lang daw si Kim para muling sumigla ang career.


May mga sobrang bitter pa ang nag-comment kung bakit biglang naisip ni Xian na sabihing he’s open to work with Kim again. Dahil daw ba sa wala na siyang career? Sinabihan nila si Paulo na huwag papayagan si Kim na muling makatrabaho si Xian at baka raw masira ang love team nila.


Patunay ang mga reaksiyong ito ng mga fans na sila ang hindi pa nakapag-move on sa breakup nina Kim at Xian. Sila ang mas galit kaysa sa aktres na nagpapakapropesyonal lang naman at wala naman talagang masama kung muli silang magtambal.


In fairness kay Xian, may career pa ito at kung wala mang acting project, nagdi-direct siya. Kaya rin siguro hindi siya tumanggap ng project dahil ang dami niyang ginagawa. Nag-aral maging piloto at nitong huli, nag-graduate ng Bachelor of Arts in Music Production.


Post ni Xian, “People have often asked why they don’t see me as much anymore in films or what I’ve been busy with.


“The truth is, I’m still here. I never left. I’ve just been quietly taking it one day at a time, studying, learning. Making mistakes, growing, adapting, and doing my best with the opportunities I’ve been given.”





NASA bansa simula ngayong Lunes ang sikat na Thai socialite, digital creator, luxury entrepreneur at internet sensation na si Aon Somrutai na tila papasukin ang Philippine showbiz. Ito ay dahil sa sinabing, “She begins her Philippine entertainment journey through GLXY Talent Management and Universal Records.”


Ang dating nito sa amin, magso-showbiz at magiging recording star si Aon at matutuwa rito si Heart Evangelista. 


Nagkakilala ang dalawa sa Paris Fashion Week at pasabog ang photos at video na magkasama sila.


Magge-guest sa It’s Showtime (IS) si Aon. May photoshoot pa yata sa Mega magazine, at for sure, may iba pang guesting at events na dadaluhan. 

Kilala si Aon sa catchphrase niyang “Thank you, Kateyki” at sa kanyang online presence.


Naka-post sa Instagram (IG) ni Aon ang photo nila ni Heart sa Paris Fashion Week at hindi naiwasang pagkumparahin ang dalawa. Pareho raw silang maganda, sikat at mayaman, at parehong suportado ng kani-kanilang mga asawa ang pagiging fashionista nila.





PATULOY sa pagpapakilig sina Klea Pineda at Janella Salvador at ang latest na pampakilig ng dalawa ay ang reels na nagsilbing vocal coach ni Klea si Janella. 


Nag-vocalization si Janella na ipinagaya niya kay Klea. Pero sagot nito, sa dami ng sinabi ni Janella, wala siyang maintindihan. 


Comment ng mga netizens, paano may maiintindihan si Klea, panay ang bungisngis at laging nakatingin kay Janella.


Sabi pa ng mga fans, tila nakikipagsabayan sina Klea at Janella sa pagpapakilig at pagiging sweet kina Rabiya Mateo at Jake Cuenca. Ang dalawang couples daw ang hands-down winner kung may pa-contest ng couple na super-pakilig at sweet, at ramdam naman na hindi lang online ang kanilang pagpapakilig.


Mukha namang walang kumokontra sa relasyon nina Klea at Janella, accepted na sila, kaya swak ang caption ni Janella sa post na magkasama sila ni Klea. 

Sabi nito, “To be met with love, respect, and acceptance — never just tolerance.”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 12, 2026



BIDA - GONG YOO, DARATING SA ‘PINAS-IG _gongyoo_offcial

Photo: IG _gongyoo_offcial



Siguradong may mga nagsimula nang mag-ipon para makabili ng ticket sa fan meeting ng South Korean actor na si Gong Yoo. 


Darating sa bansa ang aktor na napanood sa mga K-drama na Coffee Prince, Goblin, Squid Game, The Trunk at sa hit movie na Train to Busan. Sikat siya rito kaya asahang maso-sold-out ang tiket sa kanyang fan meeting.


Hindi pa in-announce ang date at venue ng fan meeting ni Gong Yoo na tinawag na 2026 Asia Fan Meeting Tour: The Long Take. Mauuna yata siyang bumisita sa Jakarta, Yokohama, Bangkok at Macau, kaya may enough time pa ang mga fans na mag-ipon para makabili ng ticket at makita siya.


Tiyak na mahal ang tiket sa fan meeting ni Gong Yoo, kaya ihanda ninyo na ang mga wallet at bulsa ninyo. 


‘Yun nga lang, hindi pa rin pala inia-announce ang ticket prices sa fan meeting. Sosorpresahin yata sila.





ANGELICA, AGREE NA I-BAN ANG MGA MINOR SA PAGGAMIT NG SOCMED



Maraming mommies at kahit wala pang mga anak ang nag-agree sa desisyon ni Angelica Panganiban at ng husband niyang si Gregg Homan na hindi na ituloy ang pagba-vlog at pagpapakita sa kanilang anak na si Amila Sabine sa social media para sa privacy nito.


Sa interview kay Angelica ni Karen Davila, sinabi nito ang rason nilang mag-asawa.

“Kung nakita ng mga tao, we used to have a YouTube (YT) channel. Nu’ng buo na s’ya magsalita, tinanggal na namin,” panimula ni Angelica.


“Ayaw ko na s’yang ma-involve sa social media at ayoko na rin kasi na balikan n’ya ako at some point in her life na bakit ko ‘yun ginawa sa kanya. We agreed, parehas kami ng husband ko—na okay kami to do endorsements pero ‘di sa social media,” dagdag ni Angelica.


Nabanggit din ng aktres na payag at suportado nila ng kanyang asawa ang pagba-ban sa paggamit ng social media sa mga menor-de-edad o nasa edad na 16 and below.

Ang ganda rin ng sinabi ni Angelica na, “Gusto ko s’yang lumaki na ako ‘yung best friend n’ya, na ‘pag may problema, ako lagi ‘yung tatawagan n’ya. I want her to feel safe with me.


Of course, gusto ko s’yang magkaroon ng sobrang daming kaibigan dahil ngayon, mag-isa pa lang s’yang anak. ‘Di natin alam kung ano pa ang mangyayari in the future.


“Kung magiging only daughter ko s’ya, I want her to have all the friends in the world para ‘di n’ya maramdaman 'yung pagiging mag-isa n’ya. Pero bukod du’n, gusto ko na ako ang best friend n’ya.”


Ibinalita rin ni Angelica na sa isang co-educational school (mix gender) nila ie-enroll si Amila. Gusto nilang ma-expose ang anak sa lahat ng taong makikilala niya in the future.

Well, marami ang pumuri kay Angelica sa pananaw at paniniwala nilang mag-asawa para sa mas ikabubuti ng kanilang anak.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 10, 2026



BIDA - BIMBY, ‘DI LANG TV HOST, ENDORSER NA RIN-FB Bimby Aquino

Photo: FB Bimby Aquino



May TVC shoot si Bimby Aquino kahapon at nalaman ito sa post ng makeup artist ni Kris Aquino na si RB Chanco. Si RB din ang nag-makeup kay Bimby sa TVC shoot niya.


Sa reels video, ipinakita ni RB ang mga kasama niya at tinawag na ‘Team Bimb’, at may overlay text na, “The first of many. Congrats on your first solo endorsement shoot, Bimb!”


Hindi pa binanggit kung anong product ang ie-endorse ni Bimby na sabi ni RB ay isa lang sa maraming magiging endorsements nito. Mukhang susunod si Bimby sa mom niyang si Kris Aquino na noong active pa sa showbiz ay napakaraming product endorsements.





Na-bash ng netizens…

ATASHA, ‘DI RAW NAG-AUDITION, NAKUHA LANG NA BIDA DAHIL ANAK NI AGA



INIISYUHAN si Atasha Muhlach na hindi raw nag-audition sa role ni Annie Batungbakal sa Bongga Ka ‘Day!: The Annie Batungbakal Musical


Sabi ng isang auditionee, hindi niya nakita si Atasha sa ginanap na dalawang araw na audition.


Dahil may mga naniwala, na-bash si Atasha na kaya lang nakuha ang role ni Annie B. ay dahil nepo baby siya, may favoritism ang Viva Entertainment at isa raw sa mga producers ng musical ang pamilya nila. 


Kaya naman, nagsalita ang director ng musical na si Chris Millado sa Facebook (FB).

Sabi ni Direk Chris, “She walked in like nobody. Gym pants. Plain tee. Bare face. Ponytail. No entourage. No arte. Then the music hit. She caught the choreography on the first eight-count and slid into the song’s high notes like they were made for her. She matched the leading boys’ swoony charm and swagger.


“First impressions? Sometimes they bring their own invisible spotlight with them.”

Nagsalita rin si Melvin Lee, president ng Philippine Educational Theater Association (PETA).


Pahayag niya, “Atasha delivered a strong audition, showcasing solid singing, dancing and stage presence. She displayed natural chemistry with the male actors and blended seamlessly with the ensemble of triple-threat theater performers.


“More importantly, she brought the charisma, warmth, and panache needed for Annie Batungbakal, with the charm and look to convincingly lead the production. Overall, she proved to be a strong choice for the role.”


Kaya paanong nasabi na hindi nag-audition si Atasha kung ang director at president ng PETA na ang nagsalita at nagpatunay na nag-audition siya? 


Sa interview kay Atasha, ikinuwento nito ang paghahanda niya sa audition. Matindi ang dance rehearsal, voice lessons, at acting workshop niya.


Anyway, sa September to October ang run ng musical sa Newport Performing Arts Theater. 





Sorry na lang sa fans nila ni Bianca…  

WILL AT MIKA, ‘DI MAPIGILAN SA PAGMAMAHALAN



NAGPAKILIG na naman sina Will Ashley at Mika Salamanca sa reels video kung saan kinanta nila nang duet ang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Ramdam ang love sa pagitan ng dalawa sa tinginan at mga ngiti pa lang. Hindi maikakailang nagmamahalan ang dalawa.


Controversial lagi kapag nakikitang magkasama sina Will at Mika na para bang bawal silang magmahalan. 


Nang makita sila sa Hong Kong, naging malaking isyu ‘yun lalo na sa mga kilos at sinasabi nila on cam.


May mga earlier sightings pa ang dalawa na pinalagan ng mga fans, lalo na ng fans nina Will at Bianca de Vera (WillCa love team). 


Kaya lang, hindi napigilan ng mga nagreklamong fans sina Will at Mika at lagi pa rin silang magkasama.


Na-appreciate ng aktor ang suporta ni Mika sa kanyang career. Naiintindihan daw siya nito and they are happy being together.


Pareho silang busy sa kani-kanilang career. Si Mika, kasama sa Regal movie na Saving Cherry (SC), at si Will naman, kasama sa cast ng 2026 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Amir with Glaiza de Castro, Argus Aspiras at Dennis Trillo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page