top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 29, 2025



Photo: Bianca Umali - IG


Kabilang pala si Bianca Umali sa mga judges sa closed-door interviews ng Miss Universe-Philippines (MUPH) 2025. Bagay na bagay daw sa aktres ang description sa kanya ng organizer ng MUPH na, “She exudes beauty, confidence, and grace.”


Ang iba, nag-wish na dahil na-experience ni Bianca ang maging judge sa MUPH, sana raw ay subukan niyang sumali sa beauty pageant. 


Kaya lang, parang wala itong plano na maging beauty queen at masaya na siyang nasa showbiz siya and getting good projects.


Samantala, marami ang masaya para kay Bianca sa sinabing kinalalagyan niyang era o estado ngayon.


Sey niya, “In my era of letting go, accepting what I can’t change, refusing to settle, creating new, aligned relationships, speaking my authentic truth, remaining centered no matter what unfolds around me, regulating my nervous system, choosing to view challenges as catalysts for growth, responding to life, not reacting, taking accountability for my actions, asking for what I want and need, showing up for myself, believing in myself and my dreams, practicing non-attachment, loving myself exactly as I am. 


“Going through life with intention, with love, and with light. 

“Endlessly blessed, forever grateful. Napakasarap mabuhay... maraming salamat po, Ama.”


Kapag rumesbak pa raw ang ex-GF ni Kobe…

JACKIE, NAGBANTANG MAY MGA PASABOG PA LABAN KAY KYLINE



Isa sa mga nabanggit ni Jackie Forster sa kanyang statement sa breakup ng anak na si Kobe Paras at ni Kyline Alcantara ay ang pangalang “Hanna.” Si Hanna raw ang nag-post ng kaganapan sa launching ng Bando Bar na co-owned ni Kobe at may flirting daw na naganap with Kobe and some female guests. After this, kumalat na ang tsika na break na sina Kyline at Kobe.


May bagong post si Hanna patungkol kay Kyline at sabi agad ng mga netizens, natural na ipagtanggol nito ang aktres dahil best friend niya. Sabi nito, 12 years na niyang kilala si Kyline at very close sila. Ang mga sinasabi raw laban sa aktres ay hindi nagma-match sa pagkakakilala niya kay Kyline.


Pahayag niya, “Those of us who know Kai know she’s a good person. She handles tough situations with care and owns up when she needs to. That should count for more than whatever people are assuming online. Just wanted to say that there’s more to the story—and more to her.”


Isa pang nabanggit ni Jackie ay ang pagtira ni Kobe sa bahay nina Kyline. Ibig daw bang sabihin ni Jackie, nag-live-in ang dalawa? 


Ayon naman sa fans, hindi masasabing live-in ‘yun dahil kasama nila ang parents ni Kyline at ang siblings nito. Unless, nag-rent sila ng condo, pero sabi ni Jackie, kaya nakitira kina Kyline si Kobe dahil hinihintay ang condo unit na bibilhin nito.


Ang alam ng mga fans, sa isang townhouse sa may Quezon City nakatira sina Kyline. Malaki ang place nito, kaya kasya pa si Kobe. Ang gustong malaman ng mga fans, ilang weeks nakitira si Kobe kina Kyline?


Anyway, as of yesterday, wala pang reaksiyon si Kyline at ang parents nito sa statement ni Jackie. May mga nagpayo kay Kyline na ‘wag na niyang sagutin ang statement ni Jackie at kung sasagot man siya, tiyakin na handa siya, lalo na’t sinabi ni Jackie na may ilalabas pa siyang resibo kapag nagsalita si Kyline.


May nagpayo pa kay Kyline na sa susunod na magbo-boyfriend siya, siguraduhin niyang walang nanay ang magiging jowa niya. Sa mga nanay daw ng ex siya nagkaka-issue kapag nag-break na sila ng nagiging boyfriend niya.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 28, 2025



Photo: Daniel Padilla - FB


Short lang ang birthday greetings ni Karla Estrada kay Daniel Padilla na, “My first Born. Daniel John Ford Padilla. Happy Birthday anak,” pero ang nagdala ay ang ginamit na photo ni Daniel noong baby pa ito. Ang cute ni Daniel, napa-comment tuloy si Ruffa ng “Happy Birthday, Deej!”


Thirty years old na si Daniel sa birthday niya noong April 26. Kung tutuusin, puwede na itong mag-asawa, kaya lang, parang walang GF ang aktor mula nang mag-break sila ni Kathryn Bernardo. 


Hindi naman yata ito nagmamadaling maghanap at parang walang nali-link.

Well, sey ng mga fans nito, hayaan munang mag-focus si Daniel sa kanyang career at pagkatapos ng Incognito, pelikula yata ang gagawin ng aktor kasama ang mga Kapamilya stars.


Naka-focus din si Daniel sa mga business niya with his friends kabilang ang bagong bukas na Vineyard Golf Club. At least, hindi na siya dadayo sa ibang golf club kung gustong mag-golf dahil may sarili na siya.


Samantala, pinansin ng mga fans ang magandang relasyon ni Daniel sa ama niyang si Rommel Padilla. Kasama ang mom niyang si Karla, tumulong sila sa kampanya ni Rommel na tumatakbong mayor sa Cuyapo, Nueva Ecija. 


Dumating sina Karla at Daniel sa isang pa-meeting ni Rommel at nag-perform pa. Kapag nanalo si Rommel, may tatay nang mayor si Daniel.



Si Alden Richards nga ang host ng newest dance competition sa GMA-7 na Stars on the Floor (SOTF). Kasunod nito, ini-reveal din na sina Marian Rivera, Pokwang at choreographer ng SB19 na si Jay Joseph Roncesvalles ang mga judges.


Celebrities ang maglalaban-laban at magpapasiklaban sa husay sa pagsayaw gaya nina Glaiza de Castro, Faith da Silva, Zeus Collins, Dasuri Choi, Patrick Rocamora of VXON, Kakai Almeda, JM Yrreverre, Thea Astley, Joshua Decene, at Rodjun Cruz.


Hindi pa nga nagsisimula ang show, may mga bashers na at iniisyu nila kung bakit si Alden ang host? Pati kung bakit sina Marian at Pokwang ay kabilang sa mga judges at pati ang 10 celebrities contestants, may hanash sila.


Hindi raw kasi dancer si Alden, dapat sa legit dancer ibinigay ang pagho-host. Hindi rin daw dancer si Pokwang at dapat si Rochelle Pangilinan ang kinuhang judge na makakasama ni Marian. 


Pati nga si Marian, hindi pinaligtas, hindi rin daw siya dancer, mahusay lang sumayaw.

Siguradong may rason ang GMA kung bakit sila ang mga kinuhang hosts at judges at hindi basta na lang isinama. 


Pati mga contestants, kinuwestiyon din, bakit daw nakasama si Faith na hindi rin dancer? Si Thea naman, mas kilalang singer at si Glaiza ay mas kilalang aktres.

Anyway, payo ng isang fan sa mga netizens na marami ang reklamo, huwag na lang manood para hindi siya ma-highblood at mainis. 


Madir ng cager, todo-patol sa netizens…

JACKIE, BINA-BASH DAHIL SA HIWALAYAN NINA KOBE AT KYLINE


MAGSU-SHOOT pala sa South Korea (SK) ang Beauty Empire (BE) na tampok sina Barbie Forteza at Kyline Alcantara. Next month daw ang lipad ng dalawang Kapuso actresses at iba pang cast na kasama sa taping sa South Korea. 


Siguro naman, kasama rin sa shoot sa SK ang Korean aktor na si Choi Bo-min na kabilang sa cast.


Habang nasa South Korea, makakapag-bonding sina Barbie at Kyline na parehong break na sa kani-kanyang boyfriend. 


Sey ng mga fans, puwedeng itanong ni Kyline kay Barbie kung paano mabilis natigil ang pa-messy na sanang breakup nila ni Jak Roberto. Magsisimula na sanang magulo ang paghihiwalay ng JakBie, bigla na lang natigil.


Ang breakup kasi nina Kyline at Kobe Paras, nasa kainitan pa lang ang pagiging messy

at pati kani-kanyang pamilya, nadadamay at pati ang mom ni Kobe na si Jackie Forster, naba-bash na.


Pero, tama ang mga netizens na para hindi lumaki ang isyu, tigilan ng kampo nina Kyline at Kobe ang pagpo-post ng cryptic messages na binibigyan ng meaning ng mga nakakabasa. 


Wish din ng mga fans, hindi na sumagot si Jackie sa mga comments ng mga fans dahil hindi siya titigilan ng mga ito.


Sina Kyline at Kobe lang daw ang nagkaroon ng relasyon, sila lang ang may isyu, sila lang ang nag-away, sana raw hindi na makialam ang kani-kanyang pamilya, para tahimik na. Para rin daw mabilis makapag-move on ang mag-ex.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | Apr. 27, 2025



Photo: Chloe San Jose at Kyline Alcantara - IG


Tinawag na nakisawsaw si Chloe San Jose sa isyu ni Kyline Alcantara dahil lang nag-react at nai-share ng girlfriend ni Carlos Yulo ang quote ni Kyline sa April issue ng Cosmopolitan Philippines.


May sinabi si Kyline na, “I really don’t have to explain myself. I am comfortable with that. I can sleep peacefully at night with that. I can live with that.”  


Nag-comment lang naman si Chloe ng “Authentic, strong & independent gals, unite! @itskylinealcantara go babes,” may mga nag-react na.


Sinabihan si Chloe na huwag umepal, mahilig sumawsaw, pampam at nakialam sa isyu ng may isyu. 


Gusto raw ni Chloe ma-bash dahil lang sa comment na ‘yun na actually, wala namang masama. May nagsabi pang huwag patulan si Chloe dahil sisikat lang at hindi naman ito artista.


Wala kaming makitang mali sa comment ni Chloe. Tayo nga, nagko-comment sa isyu nina Kyline at Kobe. Bakit si Chloe, hindi puwede? 


Mas grabe pa nga ang comments ng mga netizens na may kumampi kay Kyline at may kumampi kay Kobe.


May nag-comment tuloy na sana, magkaroon ng chance na magkita sina Kyline at Chloe para personal na masabi ng GF ni Carlos kay Kyline na gusto niya ang pagiging independent at pagka-authentic nito.


Kaya lang, sanay nang ma-bash si Chloe, dedma tiyak ito sa mga negative reactions sa kanyang comment patungkol kay Kyline Alcantara.



“Yes po,” ang sagot ni Alden Richards sa tanong kung nag-enroll ba siya sa isang flight school. 

Ibig sabihin nito, tutuparin na ng aktor ang matagal na niyang pangarap na maging piloto at ‘yung photo niya na nasa Alpha Aviation Group siya siguro ang time na nag-enroll siya.

Ang ganda nga ng photo ni Alden, nakahawak sa logo ng flight school at may hawak na folder habang nasa training sections at ang caption ay: “Reaching new heights, one flight at a time.”

Sa kanyang Instagram (IG) Stories, nabanggit ni Alden na nakapag-land siya ng plane via flight simulator. Kasama niya nang magpalipad ng airplane ang dad niyang si Daddy Bae na ayon kay Alden, pinangarap ding maging piloto.

Nasa Clark, Pampanga lang ang pilot training school, malapit lang puntahan at hindi magiging cause ng pagkasira ng schedule ni Alden. 

Naisip nga ng mga fans ng aktor na baka ang pag-e-enroll sa flight school ang rason kung bakit hindi muna siya gagawa ng TV series ngayon at pelikula muna ang gagawin, at isang dance reality show sa GMA-7.

In fact, this Sunday na ang launching ng dance reality series hosted by Alden titled Stars On The Floor (SOTF)

Sa launching, malalaman natin kung tama ang balitang isa si Marian Rivera sa magiging judges ng SOTF.



MAY chance palang magkrus ang landas ni Kyline Alcantara at ng girl na nakunan ng photo na ka-holding hands ng ex niyang si Kobe Paras sa Bali, Indonesia. Ito ay dahil recording artist pala ang girl under O/C Records na kundi kami nagkakamali ay pagmamay-ari ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.


So, kulang pala ang nabanggit namin na influencer at TikToker lang si girl dahil recording artist din siya. Malay natin at i-launch ang single niya sa All-Out Sundays (AOS) at naroon si Kyline, magkikita talaga sila.


May bagong photo si Kobe at ang girl na nasa tabi sila ng pool, kaya lang, hindi pa rin nakita ang face nito at hita lang ang nakita. 


Sabi ng mga netizens, malapit na ang face reveal sa girl, kaya abang-abang lang tayo. Tila Rhaila Tomakin daw ang pangalan ng girl.



NAKULANGAN ang ibang nakabasa sa sagot ni Rachel Alejandro na, “Thank you for loving him,” sa post ng partner ng late dad niyang si Hajji Alejandro na si Alynna Velasquez na actually, reaction sa post ni Rachel tungkol sa kanila ng dad niya.


Nabanggit ni Alynna na mahal niya pareho sina Haji at Rachel at tinawag itong “best father and daughter team”. 


Dagdag pa ni Alynna, “I will miss you both being on the same stage singing and dancing together.”


May sinabi pa siyang “Rachel, remember that your dad’s mighty proud of you.

Always. He will always be there in your heart singing with you. Our ANGELito.”


Comment ng mga netizens, ang iksi ng sagot ni Rachel, na mabilis kinontra ng iba. Short but meaningful daw ang sagot ni Rachel kay Alynna. 


Baka gusto lang ng naiklian sa reply ni Rachel na ma-bash ito. Saka, nagluluksa pa ang pamilya ni Hajji, pabayaan muna sila at ang mas maganda nga, tigilan na ang pang-iintriga.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page