top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 5, 2025



Photo: Kyline Alcantara - IG


May pakiusap si Rikki Mae Davao, isa sa mga anak nina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao, sa mga nakadalaw sa kanyang ama noong nasa ospital ito. Parang reminder na rin sa mga kaibigan ng actor-director — na tinawag ni Rikki Mae na mga “trusted” — ang kanyang pakiusap.


“For those that were trusted to visit my dad in the hospital, please do not post photos of him during this time out of respect for his privacy. Thank you.”


So far, wala pa naman kaming nakikitang hospital photos ni Ricky at ang nakita lang namin, kamay nito na may hawak na cellphone. Ito ‘yung time na pinapanood niya ang trailer ng Sinagtala: The Movie (STM) na kundi kami nagkakamali ay last movie niya. Inirespeto ng mga kaibigan ni Ricky ang privacy nito bago pa makiusap si Rikki Mae sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Kaugnay nito, nag-post si Rikki Mae ng photo nila ng ama noong maliit pa siya at larawan nila na malaki na siya. May kasamang short message ang kanyang post at sabi, “I love you so much, Papa.”


Anak, nakiusap sa mga dumalaw…

PIKTYUR NI RICKY SA OSPITAL, BAWAL ILABAS


INALALA rin ni Rita Avila si Ricky Davao sa kanyang Instagram (IG) at sinamahan nito ang kanyang kuwento by posting photos nila ng aktor at ang last photo niya with Ricky kasama ang ilang kaibigan.


“My leading men in my first movie from Seiko Films The Sisters were Jestoni Alarcon and Ricky Davao.


“Ricky’s first directorial job was for MMK (ata) where I jumped into the Taal Lake from a banca. That was with Jay Manalo and if I remember it right, also with Vivian Foz and the late Ronaldo Valdez.


“The last time I saw him was at Jennifer Sevilla’s b-day party. Wala nang mahilig kumanta, magkuwento at magpatawa. Waaaaah!

“Rest in peace, Ricky, Condolences to the family.”


Karamihan sa mga posts at kuwento kay Ricky ay ang hilig nitong kumanta. Ang biruan nga, sa mga party, ‘wag ibibigay sa kanya ang microphone dahil kapag nagsimula na siyang kumanta, tuluy-tuloy na.



NASA El Nido, Palawan si Kyline Alcantara para magbakasyon at sa ipinost na photos, nasa small boat siya at nag-e-enjoy sa bakasyon with her friends. 

Sa isang photo, nag-ihaw ng pusit sina Kyline at tiyak, a lot of swimming.


Nanguna sa nag-comment sa post ni Kyline si Marian Rivera. Wala itong sinabi, emoji lang ng red heart ang isa sa mga ipinost. 


Pinasalamatan si Marian ng mga fans ni Kyline sa suporta and for loving her.

Tuloy ang pagpapahayag ng suporta ng kanyang mga fans kay Kyline at kapag may naligaw na basher, ang mga fans na ng Kapuso actress ang sumasalag. 


Sabi ng mga fans, Kyline is healing quietly at ipinapakita nitong unbothered siya sa mga isyu na inilatag ni Jackie Forster.


‘Kaaliw lang at inakalang bina-bash ni Wendell Ramos si Kyline sa comment nitong “Arti, Arti, Huh!” kaya inaway ang aktor. 


Ipinaalala sa umaway sa aktor na magkaibigan sina Wendell at Kyline at binibiro lang nito ang aktres.


Ang daming nag-like na celebrities sa post na ito ni Kyline, hindi pa yata nakikita ng mga bashers ni Kyline, kaya hindi pa sila inaaway at sinasabihang sawsawera. Kabilang sa nag-like si Pokwang at gusto naming marinig ang sagot niya kapag may umaway sa kanya dahil lang sa pagla-like ng post ni Kyline.



PUMASOK na si David Licauco sa Bahay ni Kuya bilang house guest, kapalit ni Donny Pangilinan. Siyempre, natuwa ang mga fans ni David dahil mapapanood nila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ang Kapuso actor.


Kilalang honest sa pagsagot si David, wish ng mga fans, maging honest siya kapag natanong ng housemates sa kanyang love life. 


Kung wala raw makukuhang sagot kay David, yayain na lang niyang lumabas sa Bahay ni Kuya si Dustin Yu na best friend niya at may viewers ang PBB na ayaw sa kanya.


May nag-comment naman na kaya lang papasok sa Bahay ni Kuya si David, para mag-promote ng movie niyang Samahan ng mga Makasalanan (SNMM). Ginawa na ito ni Sanya Lopez nang maging house guest at gagawin din ni David dahil magkasama sila sa nasabing pelikula.


Sa nagtanong kung ano’ng gagawin ni David sa Bahay ni Kuya, sagot ng mga fans, tuturuang mag-basketball ang hindi marunong nito dahil magaling na player ang aktor. 


Puwede rin daw mag-share ng kaalaman sa negosyo si David dahil mahusay siyang businessman. Hintayin na lang ang mga gagawin niya sa loob.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 4, 2025



Photo: Ice Seguerra - IG


Kaya pala wala sa wake ni Pilita Corrales at sa wake ni Nora Aunor si Ricky Davao ay dahil nasa ospital siya that time. Hinanap kasi siya dahil hindi nga nakita, ‘yun pala nasa ospital ang aktor. 


Isa si Ice Seguerra sa mga nakabisita pa sa kanya habang nasa ospital at may magandang kuwento ito.


“You’ve always been there for me and Liza. Sa kahit anong event, performance—never ka nawala. Siguro kung meron akong katapat sa pagiging excited kumanta tuwing nakakakita ng mic, ikaw ‘yun. Napakasarap mong kakuwentuhan, ka-jamming, at kaibigan.


“Masaya ako na nadalaw pa kita sa hospital. Kahit hindi ka na noon makasalita, madaldal ka pa rin. Hindi ko malilimutan ‘yung saya mo noon nu’ng sinabi nu’ng doctor mo na puwede ka na kumain ng chocolate. At ‘yung ngiti mo nu’ng sinabi ko sa iyo na buti nag-shave ka na ng buhok dahil mas pogi ka at mukha kang mas bata.


“I really thought you were going to get better. Na magkakaroon ulit ng time na makaka-hang out ka ulit namin or makikita kong nanonood ka ng concert ko. Someday, magdu-duet tayo ulit.


I will miss you, Tito Ricky. You’re finally home.”


Kabilang din si Rose Conde, supervising producer ng Sinagtala: The Movie (STM) na nakabisita kay Ricky sa hospital. Ang nasabing pelikula ang last movie ni Ricky, gumanap siyang biological dad ni Rhian Ramos sa movie.


Part ng post ni Rose, “Lastly, I would’ve regret if I didn’t visit you at the hospital, thank you for wanting to see me at maipakita sa ‘yo ang trailer ng movie natin. Maraming salamat, Direk Ricky Davao! Your work and character will never be forgotten. You will be missed!”


May ipinost si Rose na photos ni Ricky na nakipag-jamming sa cast ng Sinagtala at game na game sa pagkanta ng Crazy Little Thing Called Love. Sa last shooting day yata ‘yun ng movie. 


Ang isa pang photo, pinanonood nito ang trailer ng Sinagtala sa phone ni Rose habang nakaupo sa kanyang hospital bed.



BAGO pa ang kick-off today, Sunday, ng Okada Manila Motorsport Carnivale 2025, inilabas na ni Jomari Yllana ang kanyang racing cars at ipinost sa Instagram. 


Sa mediacon, sabi nito, he has six racing cars at ang apat ay everyday car. Tatlo sa racing cars niya ang ipinost ni Jom at may caption na: “Wake up old friend.”


Ang isa pa nitong post, may caption na: “Let’s fire you up old friend,” at “Dirt or Tarmac.” 


Isa siguro sa mga racing cars ni Jomari ang gagamitin niya sa racing this Sunday na sila ng friend niyang si Rikki Dy-Liacco ang nag-organize in partnership with Okada Manila.


Sa race this Sunday sasali ang wife ni Jomari na si Abby Viduya and hopefully, makasali ang anak niyang si Andre Yllana.


Tatapusin lang ni Jomari ang term niya bilang konsehal sa Parañaque City at magpo-focus na sa darating pang motorsport event. Year-long event ito at ang susunod ay ang Jom’s Cup sa May 31.


Anyway, ibinalita ni Jomari na nag-guest siya sa HBO series na Call My Manager (CMM) na tampok si Judy Ann Santos. 


“Four episodes lang ako, nag-enjoy ako. My role is demonyitong politician,” ayon kay Jomari.


Pa-guest-guest muna siya habang magpapapayat pa bago bumalik sa showbiz, pero priority pa rin nito ang company niyang Yllana Racing at ang motorsport

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 3, 2025



Photo: Sarah Lahbati, Kyline Alcantara at Marian Rivera - IG


Pinadalhan lang ni Marian Rivera ng bouquet of flowers si Kyline Alcantara at nag-follow uli si Sarah Lahbati sa Instagram (IG) ng Kapuso actress, may mga nagalit na sa dalawa. Kunsintidor daw sina Marian at Sarah at kung anu-ano pang mga comments ng mga netizens na para bang bawal nang makisimpatya kay Kyline at inakala agad na maka-Kyline sina Sarah at Marian.


Pinadalhan kasi ni Marian ng flowers si Kyline, ipinost ng aktres sa kanyang IG Stories, pati ang kasamang card, pero ang ipinasilip lang ay ang nakasulat na: “With all my love, Ate Yan.”


Nakasulat naman bilang reaction ni Kyline sa ipinadalang flowers ni Marian ang “I feel so loved. Thank you so much, Ate @marianrivera.”


Bago pa ang controversy nina Kyline at Kobe Paras at ng mom nitong si Jackie Forster, close na sina Marian at Kyline. Madalas, inila-like ni Marian ang mga IG post ni Kyline at minsan, nagko-comment din siya.


Muli namang nag-follow si Sarah sa IG ni Kyline, dahilan para tawaging sawsawera ito. 

Tanong nga ng isang casual fan, bawal bang i-follow ni Sarah si Kyline at bawal ba silang maging friends uli?


Samantala, patuloy ang pagpapahayag ng suporta ng mga fans kay Kyline. Ituloy lang daw niya ang pananahimik at piliing hindi na sagutin ang statement ni Jackie Forster. Mas magiging mabilis daw ang kanyang healing at pagmu-move on kapag patuloy siyang mananahimik.



SA Mga Batang Riles (MBR) nga magge-guest si Jillian Ward at hindi pa sinasabi ang karakter na gagampanan niya. Pero, may mga nagsabing ang role niya sa Abot-Kamay na Pangarap (AKNP) bilang Doc Annalyn ang kanyang role. 


Hindi pa nagsisimulang mag-taping si Jillian, pero dumalaw na siya sa set para makita ang cast na kinabibilangan ni Miguel Tanfelix.


Nagpahayag ng tuwa sina Miguel, Antonio Vinzon, Raheel Bhyria at Kokoy de Santos sa pagge-guest ni Jillian. May pa-cake sila at flowers na si Raheel ang nagbigay. 


Tinukso ng mga kasama at pati na ni Jillian si Raheel dahil nag-blush nang magkatabi sila. 


Aminado si Raheel na crush niya si Jillian at nanliligaw na yata, kaya masaya ang puso nito. Ang lakas daw ng tibok ng kanyang dibdib.


“Something different,” ang sagot ni Jillian nang tanungin kung ano ang role na gagampanan niya. Natsa-challenge raw siya dahil magagaling ang mga kasama niya at ganu’n din ang nararamdaman nina Miguel, natsa-challenge, excited at natutuwa nang malamang guest nila si Jillian.



ILANG araw na lang ay mag-eeleksiyon na at nagpapasalamat si Sen. Lito Lapid at ang kampo nito sa walang sawang suporta sa senador. 


Sa Octa Research Survey, nananatili ang ranking niya sa number 5–11. Kaya lalong ginaganahan ang mga supporters ni Lito na ikampanya siya, kabilang si Coco Martin na sumama pa sa motorcade sa Quezon City. Naging mainit ang pagtanggap ng mga taga-Kyusi sa dalawa.


Samantala, sa kanyang pahayag noong Labor Day, nabanggit ni Lito ang pagsusulong niya ng mga panukalang batas para tulungan ang mga manggagawa. 



EXCITED si Claudine Barretto na gampanan ang role ni Vice-President Sara Duterte. Sabi nito kay Director Darryl Yap na siyang nag-offer sa kanya ng role, “Magpapagupit talaga ako,” at sinagot siya ng director ng “Kalma! Hahaha!”


Sa una, tinanong ni Direk Darryl si Claudine kung ready ba siyang maging si Inday Sara.

Sagot ni Claudine, “Sarah Forever,” at sinundan ng “OMG! I’m crying. Thank you, direk,” at “Can’t wait to work with you.”


Kung ang mga netizens ang tatanungin, ayaw nilang tanggapin ni Claudine ang project dahil hindi raw makakatulong sa kanya. 


May masaya naman para sa aktres, ‘wag daw siyang mag-aalala at susuportahan nila ang pelikula.


May ilan na gustong malaman ang title ng movie na ang sabi, biopic daw ni VP Sara. 

Mahusay na aktres si Claudine Barretto, kaya niyang maging si Inday Sara.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page