top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 3, 2025



Photo: Vincent Co at Bea - IG Circulated


Nakakatuwa ang mga netizens dahil nasa likuran sina Bea Alonzo at Vincent Co sa lumabas na photo, mukha lang ng dalawa ang kanilang nakita, pero sila na ang nag-interpret sa puwesto ng love birds.


Dahil nakita ang kamay ni Vincent sa balikat ni Bea, tiyak daw na nakaakbay ito sa aktres. Sure raw na naka-hug si Vincent kay Bea at marami ang kinilig sa ini-imagine nilang back hug ni Vincent.


Pinuri rin ng mga netizens na may effort si Vincent to meet Bea’s friends dahil birthday pala ‘yun ng road manager ng aktres. Hindi raw nagpupunta sa public spaces si Vincent, hindi mahilig sa party, pero dahil kay Bea, nagpapaka-public na siya nang slight.


Pinansin din ang kakaibang kislap ng mga mata ni Bea at magandang ngiti, patunay daw na masaya ito sa estado ng love life niya ngayon. Masaya ang mga fans, hindi na raw single, kundi ‘in a relationship’ na ang status ng aktres.



ANG post ni Claudine Barretto sa Instagram (IG) patungkol sa mga gustong mag-adopt, willing siyang tumulong sa couple na gustong mag-adopt nang legal at hindi ‘yung idinadaan lang sa social media.


In bold letters ang post ni Claudine, kaya magaan at mabilis basahin. 

Sey nito, “I was browsing my FB and stumbled across I think parents who are willing to give up their children for adoption, I am not sure if it is legit. ‘Wag naman kayo magloko if hindi kayo serious kasi I’m willing to help the parents sa legal na process through DSWD. Thank you & God bless. PM (private message) me if you need help.”


Ang daming sumagot sa post na ‘yun ni Claudine, marami ang gustong mag-adopt, hindi lang nila alam ang tamang proseso. Ngayon, sa tulong ni Claudine, magiging madali na sa kanila kung paano makakapag-adopt.


Pinuri si Claudine ng mga netizens by adopting 3 beautiful children na malalaki na at single parent pa siya niyan. Given the chance, siguradong gugustuhin pa rin ni Claudine na mag-adopt at hindi siya hihindian dahil maayos ang mga bata na nasa kanyang pag-aalaga.


Samantala, nagkita na naman sina Claudine at Katrina Paula at may isine-celebrate. May binanggit na mayor si Claudine na nanalo raw at ‘yun ang selebrasyon nila.



ANG mga viewers na ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang nagsabing the best houseguest sa Bahay ni Kuya si Bianca Umali. 


Dahil dito, siya raw ang may pinakamaraming ambag habang nasa loob ng Bahay ni Kuya at may pinakamaraming natutunan sa kanya ang mga housemates at ang viewers.


Ilang linggo nang nakalabas sa PBB house si Bianca, pero hanggang ngayon, usap-

usapan pa rin siya at siya ang naging benchmark sa mga naging houseguests. Sana raw, kung may susunod pa kay Jane de Leon na magiging houseguest, kagaya ni Bianca.


Nagustuhan din ng mga viewers ang pagse-share ni Bianca ng story of her life at marami ang na-touched sa nai-share niya kung bakit kahit may mga kapatid siya, naiwan siyang mag-isa sa poder ng lola niya. Ang lola niya ang nagpalaki at nag-

alaga kay Bianca.


May mga kapatid si Bianca sa dad at sa mom niya at solong anak siya ng mga magulang. Sama-sama raw sila sa isang bahay, kaya lang, nang mamatay ang dad niya, umuwi ang mga kapatid niya sa ama sa mom nila. Nang mamatay ang mom niya, umuwi naman ang mga kapatid niya rito sa dad nila, kaya naiwan siyang mag-isa sa lola niya.


Anyway, nagpasalamat si Bianca sa positive feedback sa pagiging houseguest niya, “This is the most that I have ever felt love in my life from the outside world. All my life, from being an orphan to discovering life alone, I thought the only love I would ever have, deserved and will never lose was my Lola’s. I was content and whole. But now? Oh wow...”


May binanggit si Bianca na may mga naiyak. 

Aniya, “This is a version of the love I thought I would never have... this is the love of my Mommy and my Daddy being showered upon me through all of you and words aren’t enough to express the state I am experiencing. This is surreal. I am over the moon...


“Salamat po, for having the time to listen to my story.”

Dahil sa Bahay ni Kuya, nakilala ng Kapamilya fans si Bianca at may iba sa kanila ang nangako na susuportahan ang Sang’gre ng aktres na June 16 na ang pilot. Gusto nilang mapanood si Bianca Umali sa labas ng PBB.




 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 2, 2025



Photo: Heaven at Marco - IG


Ano ba ‘yan? Katatapos pa lang ng breakup issue nina Julia Barretto at Gerald Anderson – na hindi naman totoo – sina Heaven Peralejo at Marco Gallo naman ang nababalitang hiwalay na. 


Ang basehan sa paniniwalang ito ay dahil in-unfollow ni Heaven si Marco sa Instagram (IG).


Deleted na rin daw sa IG ni Heaven ang mga photos nila ni Marco at ang itinira lang ay ang collab at endorsement nila. 


Napa-check tuloy kami sa IG nina Heaven at Marco at may photos pa nila na naka-post.

Mas maraming photo post nila ni Heaven sa IG ni Marco, so, ano ito?


Ang sabi ng mga fans, baka may LQ o lovers’ quarrel lang ang dalawa at mas nag-react si Heaven, kaya in-unfollow ang boyfriend. 


May naniniwala namang part lang ng promo ng show nila sa Viva ang pag-a-unfollow ni Heaven kay Marco. 


Ayun, may mga nainis tuloy na netizens dahil puwede naman daw mag-promote na hindi gagamitin ang kanilang relasyon.


Huwag din daw sabihing nagsimula nang mag-promote si Heaven ng movie nila ni Alden Richards na Out of Order (OOO) dahil wala pang schedule ang streaming nito sa Netflix. Saka, mababaw na dahilan ang project nina Heaven at Alden para maging rason ng breakup nina Heaven at Marco.


Gaya nina Gerald Anderson at Julia Barretto, malalaman natin ang totoo sa status ng relationship nina Heaven at Marco kapag na-interview ang isa sa kanila. 

Mas maganda nga, sabay silang ma-interview para malaman ang totoo.



Kinumpirma, ‘di pa sila break…

GERALD, INIHATID SI JULIA PA-DUBAI


Naaalala naming naisulat sa kolum na ito na hindi totoo ang nabalitang breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson. Dahil lang sa hindi sila spotted na magkasama sa ilang pagkakataon at wala ang aktor sa birthday party ng mom ni Julia na si Marjorie Barretto sa Boracay ay hiwalay na raw ang dalawa.


May ebidensiya na nga na hindi break sina Julia at Gerald dahil nakita sila sa NAIA Terminal 1. May netizen na nakakuha ng video nang ihatid ni Gerald si Julia sa airport dahil lumipad ang aktres pa-Dubai. Last Friday lang ‘yun at Monday pa lang ngayon, kaya wala pang nabago sa story.


Sa interview ni Toni Gonzaga kay Gerald sa vlog nito, itinanggi ng aktor ang breakup nila ni Julia. 


Aniya, “We’re okay at kanina nga, inihatid ko siya sa airport.” 

Itinanggi rin nito na nag-delete sila ng pictures sa Instagram (IG).

“Inuunahan ka nila. ‘Yun ang basehan ngayon, kung naka-follow ka o naka-unfollow ka.


Nakakalungkot ‘yun na ang basehan,” wika ni Gerald.


May nag-comment naman na kaya may ingay kay Gerald dahil sa June 23 na ang premiere ng new series niya sa Kapamilya Channel na Sins of the Father (SOTF)

In fairness, kahit walang intriga sa love life ni Gerald, intriguing ang series na tungkol sa scamming na talamak ngayon.



79 na, todo-kayod pa rin… 

NOVA, UMAMING MAY ALZHEIMER’S NA


KUNG hindi sa mediacon ng Sanggang Dikit FR (SDFR), hindi pa malalaman na may Alzheimer’s disease ang veteran actress na si Nova Villa. 


Siya ang mismong nag-announce nito, pero mukhang nasa early stage pa lang, dahil kaya pa niyang magtrabaho.


“May Alzheimer na nga ako, but still going strong. I’m 79 years old na at awa ng Diyos, nandito pa rin tayo at nagtatrabaho in all channels. I’m still here. I can still memorize my script. Salamat at nandito pa rin tayo,” sabi ni Nova.


Idagdag na rin natin na magagandang projects pa rin ang dumarating kay Nova, pati mga roles na ginagampanan niya. 


Higit sa lahat, mahaba ang kanyang partisipasyon sa mga shows, gaya na lang sa

Pepito Manaloto (PM) na ilang taon na siyang mainstay.


Sa SDFR, gaganap si Nova bilang Lola Isang ng karakter ni Jennylyn Mercado. Mabait at hindi raw siya mabagsik na lola. 


“The same Nova Villa style,” ang tawag nito sa kanyang karakter.

Mas makikilala pa ng mga viewers si Lola Isang kapag pinanood ang action-comedy series na mula sa direction nina L.A. Madridejos at Kevin de Vela.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 31, 2025



Photo: Donny Pangilinan - IG


Hindi naman siguro magtatampo ang DonBelle fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano kung hindi sila ang magkasama sa upcoming movie ng Star Cinema.


Sina Joshua Garcia at Piolo Pascual ang nabanggit na kabilang sa cast ng sinasabing bigating family drama.


Positive ang nababasa naming comments, excited ang mga fans sa first time na pagsasama-sama ng tatlo sa movie na hindi pa ina-announce ang title. 


May mga nagtanong lang kung bakit wala sa cast si Donny at sigurado namang may paliwanag dito ang Star Cinema.


May nagtanong din kung bakit wala sa cast si John Lloyd Cruz at si Daniel Padilla na unang nabalitang kasama sa cast. Kaya lang, balita pa lang ang sa dalawang aktor, ito na ang totoo.


May nagtanong nga kay Piolo kung totoong magkaka-movie silang tatlo? 

“Yes,” ang sagot nito at ini-like pa ang post ng nagtanong. Ibig sabihin, kumpirmado na ito.


Sa sagot na ito ni Piolo, mas marami ang excited at gusto nga ng mga fans, simulan na ang shooting para matapos agad ang pelikula at mapanood na nila. May mga nag-suggest naman na sana pang-2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) para mas masaya.


Magkasama na sa ibang bansa…

SIKAT NA AKTRES, NAPIPILITAN LANG DAW SA BF NA RICH BUSINESSMAN


BLIND ITEM: 

BAGO pa lang ang relasyon ng sikat at magaling na aktres sa isang non-showbiz guy from a rich family, iniintriga na agad. Ang sabi, hindi raw talaga feel ng aktres ang guy at parang pinalalabas na napipilitan lang siyang pakisamahan ito.


Depensa ng mga kaibigan ng aktres, kahit kailan, hindi ito naging fake pagdating sa kanyang pakikipagrelasyon. Para saan daw ang pakikipagplastikan nito sa nali-link sa kanyang rich businessman ngayon dahil kung pera lang ang pag-uusapan, hindi man kasingyaman ng guy, mapera rin ang aktres at masasabing kabilang siya sa mga milyonarya sa showbiz ngayon.


Saka, paano masasabing napipilitan lang ang aktres na maging nice sa guy kung pumapayag siyang samahan siya sa mga lakad niya sa ibang bansa? 


Hindi na rin itinatago ng aktres kung anuman ang relasyon nila ng rich businessman dahil sa isang business event ng pamilya ng guy, present ang aktres hindi lang bilang guest. Kasama na rin siguro roon ang suporta sa boyfriend at sa pamilya nito.


Tama ang mga kaibigan ng aktres at ng BF nito, bakit hindi sila hayaang maging masaya sa nagsisimula pa lang nilang relasyon? Baka ang businessman na ang right guy for the actress at ang aktres naman ang tamang babae para sa businessman.



NAKAKATUWA ang mga BarDa fans nina Barbie Forteza at David Licauco dahil nag-tweet lang si Barbie ng “Huy! Nasaan may mochi cheesecake?” agad siyang itinuro sa kanyang ka-love team.


May mga comments na, “Tanong mo kay David,” na sinundan ng “Hello, Barbs! Na kay David.” 


May comment pa na “Sa Rockwell, Barbie,” kung saan nakatira si David. 


May humirit pa ng “@davidlicauco cravings ni baby mo, bigay mo na.” 

May nagtanong naman kay David kung may mochi cheesecake sa Sóbra Cafe niya.


In fairness, may mga matino namang sumagot sa tanong ni Barbie at itinuro siya sa mga restaurants na meron ng kanyang hinahanap. Hopefully, by now, nakahanap na si Barbie ng mochi cheesecake at hindi na-hopia ang cravings niya.


Speaking of Barbie, may mga nagre-react sa teaser ng Beauty Empire (BE) sa eksena nila ni Kyline Alcantara dahil hindi raw pang-drama ang eksena at tila may halong comedy. Kasi naman, may pagka-campy ang treatment sa teaser at pati na siguro sa series. Mas maganda kung panonoorin muna bago mang-bash.


May mga nagtatanong pa kung ang karakter ba nina Barbie at Kyline ay peg sina Rosmar Tan at Glenda dela Cruz na parehong owner ng kani-kanyang skincare products?


Si Rosmar ang CEO ng Rosmar International at si Glenda naman sa Brilliant Group of Companies.


Kung tama ang hinala ng mga netizens, sina Barbie at Kyline sina Rosmar at Glenda. Na-curious tuloy kaming malaman kung friends ba sina Glenda at Rosmar in real life?





 
 
RECOMMENDED
bottom of page