top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 24, 2025



Photo: Ashley Ortega - IG


Ma,ungkot at napaiyak si Ashley Ortega nang aminin sa interview sa 24 Oras na hindi pa sila nagkakaayos ng kanyang mom. 


Na-interview ang girlfriend ni Mavy Legaspi para pag-usapan ang pagkaka-evict niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition.


Natanong siya ni Aubrey Carampel kung kumusta sila ng mom niya dahil na-open niya noong nasa Bahay ni Kuya pa siya na 3 years na silang hindi nagkikita at walang komunikasyon ng mom niya. Ibig sabihin, hindi sila okey na mag-ina.


“Honestly, we’re still working on it. Sobrang tagal din kasi ng 3 years na hindi pag-uusap and malalim din ‘yung sugat na naibigay namin sa isa’t isa. But I’m always reaching out. Pero baka need time pa,” sagot ni Ashley.


Nabanggit ni Ashley na hindi rin nagri-reach out sa kanya ang mom niya mula nang ma-evict siya sa Bahay ni Kuya. Matatandaang ang sister lang niya ang sumalubong sa kanya paglabas niya.


“I tried po talaga, kalalabas ko lang kasi nakatanggap rin naman po ako ng letter sa kanya. Also on Mother’s Day, I tried. I messaged her,” dagdag ni Ashley.


Sa interview kay Ashley sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), nabanggit nito na 2 days after the eviction night, pumunta siya sa bahay nila. 


“Wala kasi si mommy doon. But I left flowers and I texted her also. She hasn’t responded,” wika ni Ashley.


Sa kuwento ni Ashley, nagsimula ang conflict nilang mag-ina nang maging strict ang mom niya habang nagkakaedad siya.


“I wanted to grow, I wanted to learn and make decisions on my own. Doon nanggaling ‘yun, eh. I wanted to have the freedom to decide for myself. Doon nagsimula ‘yun,” sabi pa ni Ashley Ortega.


Bukas ang BULGAR sa pahayag ng ina ng aktres.


Postponed!

CONCERT NINA COCO AT JULIA SA KENYA, APEKTADO NG GIYERA 


Naghanda at nag-recording na sina Coco Martin at Julia Montes para sa live event nila sa Kenya, kaya lang, postponed ang paglipad ng dalawa dahil sa giyera ng Iran at Israel. 

Sa June 28 ang schedule ng event sa Nairobi, Kenya at ibig sabihin, this week na sana ang lipad nila.


Naglabas ng statement ang Kapamilya Live na sabi, “We know our Kenyan fans have been looking forward to our KAPAMILYA LIVE IN KENYA to see Coco Martin and Julia Montes, who are excited to meet and perform for them.


“Unfortunately, due to the ongoing conflict in the Middle East affecting airspace safety and flight cancellations, we regret to inform you that Kapamilya Live in Kenya is postponed until further notice.


“We are committed to bring Coco and Julia to Kenya and we will announce the new dates soon. Asanteni sana for the love, understanding, and support.”


Nagbiro si Coco Martin na excited na sila ni Julia Montes sa gagawin nilang concert, kaya nga pinaghandaan. 


Kaya lang, nagkagiyera at mabuti na hindi pa nakakaalis ang dalawa bago magbombahan ang Israel at Iran at bago sumali sa bombahan ang USA.


NAG-RESHARE ng post si Carla Abellana tungkol sa pagiging masaya para sa ibang tao. Galing kay Nicole Behnam ang original post na ipinost din ng Kapuso actress sa kanyang Instagram (IG) Stories.


Sey niya, “They don’t teach you this in school, and sometimes not even at home. But you gotta practice being happy for other people. Like literally, feel joy for them as good things happen in their lives and let them know.


“Being happy for other people is free dopamine. Why would you turn down the opportunity? When we celebrate others’ successes and joys, our brains naturally release feel-good chemicals that boost our own mood and wellbeing.


“This form of ‘vicarious joy’ requires no material investment, yet pays significant emotional dividends.”


Dagdag pang positive na dala ng pagiging happy sa happiness ng ibang tao ay nagpapalakas ito ng social bonds, reduces competitive stress, and actually increases our own capacity for happiness.


Siguro, pina-practice ito ni Carla Abellana kaya may peace sa puso niya at kita sa mukha na masaya siya.


Wish ng mga fans ng aktres, makahanap o may dumating na sa buhay niya na magmamahal at magpapasaya sa kanya.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 21, 2025



Photo: Kylie Padilla - IG


Nalungkot ang mga fans ng Encantadia nang mapanood ang interview kay Kylie Padilla sa 24 Oras kung saan, inamin nito ang panghihinayang na limitado ang mga eksena niya sa Sang’gre. Dahil ito sa namatay ang karakter niyang si Amihan sa 2016 version ng Encantadia dahil nagbuntis siya.


Bale sa pilot episode na throwback scene ng mga Sang’gre at eksena kasama si Angel Guardian lang ang eksena ni Kylie. Kung may eksena pa ay limitado lang, bagay na ikinalungkot din nito.


“Sobrang pinaghirapan ko ang role ni Amihan para magustuhan ang pagganap ko. Unexpected na nabuntis ako at namatay si Amihan. Sobrang malaking panghihinayang. 


“Feeling ko, kailangan kong bumawi at dream ko at gusto ko na makasama uli ang mga kapatid ko sa Encantadia. Gusto ko kumpleto ang 4 na Sang’gre. It is painful to see them without me, hindi kumpleto,” sey ni Kylie.


Kung paano matutupad ang dream at gusto ni Kylie na magkasama-sama uli sila sa isang show nina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez, hayaan natin ang GMA-7 ang mag-isip. 


Kahit ibang show, hindi na Encantadia, matutuwa ang mga fans na mapanood silang magkakasama.


Napalitan ng saya ang lungkot ni Kylie na pag-usapan ang Sang’gre nang tanungin kung in a relationship siya ngayon.


“I am in a relationship. Okay, fine,” ang sagot nito na nakangiti.

Wish ng mga fans na magkaroon ng face at name reveal ng special someone ni Kylie Padilla dahil deserve raw nitong maging masaya.



Lumipad pa-Toronto sina Dingdong Dantes at Charo Santos para sa special screening ng movie nila na Only We Know (OWK) kahapon sa Cineplex Scarborough Town Center, Toronto, Canada. May kasamang meet and greet ng mga bida ng pelikula ang special screening na siguradong ikatutuwa ng mga kababayan natin.


May pabirong nag-comment na sana, new shoes ang dinala ni Dingdong sa travel niya sa ibang bansa para walang chance na masiraan siya ng sapatos habang nasa Toronto. 

Dahil ito sa nangyari sa sapatos ni Dingdong na natuklap habang nasa screening siya ng movie nila ni Charo.


Na-headline si Dingdong at ang sapatos niya na ang caption pa nga niya ay gutom na gutom ang sapatos, kaya nakanganga. 


May bashers pa nga na nag-comment na pati sapatos ay ginamit ni Dingdong sa promo ng movie, na of course, hindi nito gagawin. 


Maganda ang pelikula, kaya pinapanood at hindi na kailangang gumimik pa ang aktor.

Sa Facebook (FB) post ni Dingdong, hindi lang pala gutom ang shoes niya, napagod din ito dahil that day, ang dami niyang lakad. 


Sabi nito, “Gutom talaga! 8 block screenings in 1 day.” 


Kinorek ni Dingdong ang sinabi dahil 9 block screenings pala ang pinuntahan niya. 

Palipat-lipat siya ng cinemas at malalayo pa ang malls at may speaking engagement pa raw siya, kaya sa halip na siya ang mapagod, ang sapatos niya ang napagod.


Pagbalik nina Dingdong at Charo from Toronto, for sure, may mga pupuntahan na rin silang block screenings at special screenings. Siguradong handa na si Dingdong at ang kanyang sapatos.


Pa'no ba ‘yan, David?

BARBIE, SI SAM ANG BAGO


PINUNTIRYA ng mga bashers ni Barbie Forteza ang accent niya in delivering her Korean dialogue sa series na Beauty Empire (BE). Halata raw ang Filipino accent ng Kapuso actress na natural naman dahil Filipino siya.


Tanong ng mga fans ni Barbie sa basher ng aktres, bakit hindi niya punahin ang Korean actor na si Choi Bo Min na kung mag-deliver ng Tagalog dialogue ay may Korean accent. 


Ang sagot daw dito, dahil sa Koreano siya at pareho lang sila ng kaso ni Barbie na hindi magiging perfect para sa kanila ang delivery ng Korean at Filipino dialogue dahil si Barbie ay Filipino at Koreano si Choi Bo Min.


Sabi naman ng mga nakapanood na ng series sa Viu, Barbie did well sa delivery ng Korean dialogue at sa acting. Hindi lang daw matanggap ng mga bashers nito na mahusay na aktres si Barbie, kaya kung anu-ano na lang ang nakikita nilang mali o kakulangan nito.


Samantala, si Sam Concepcion ang love interest ni Barbie sa BE at si Kyline Alcantara naman ang partner ni Choi Bo Min. Dahil maraming eksena sina Kyline at ang Korean singer-actor, hindi nakakagulat kung ma-link ang dalawa. Siyempre, magsisimula muna sa pagsi-ship sa kanila at kasunod na ang pagli-link.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 19, 2025



Photo: Kylie Padilla - IG


Ramdam ang kilig ni Kylie Padilla nang mag-tweet ng “Hihihi! trivia - I helped choreograph my sisters’ power stances #kilig. I swear I could be a fight director lol (laugh out loud) #SANG’GRE.”


Ang tinukoy ni Kylie ay ang eksena nila nina Sanya Lopez, Gabbi Garcia at Glaiza de Castro sa pilot episode ng Sang’gre kung saan nakipaglaban sila sa isang higante. 

Pinuri ng mga viewers ang eksenang ‘yun na katulong pala si Kylie sa execution.


Ikinatuwa ng mga fans ng aktres ang tweet nito and at the same time, nalungkot sila dahil limited ang mga eksena ni Kylie sa fantaserye. Namatay kasi ang karakter niyang si Amihan na isinisisi kay Aljur Abrenica.


Natuwa na rin ang mga fans na kasama si Kylie sa pilot episode at pinakaaabangan nito ang eksena nila ni Angel Guardian dahil maganda. 


Saka, mapapanood pa rin ng kanyang mga fans ang aktres dahil airing na sa June 23 ang My Father’s Wife (MFW). Hindi nga lang Sang’gre ang role niya, kundi totoong tao.



Naka-post na sa Instagram (IG) nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang script ng bago nilang TV project mula sa ABS-CBN Studios at Dreamscape Entertainment na The Alibi (TA)

Mystery-suspense-romance drama ang concept ng series to be directed by FM Reyes and Jojo Saguin.


Kasama ring ipinost ng dalawa ang IDs ng gagampanan nilang karakter. Parehong may press ID ang kanilang mga karakter at tama ba kami na news reporter pareho ang role nina Paulo at Kim?


May kaba factor ang tagline na, “Every detail counts. May hindi sila sinasabi... and we’re about to find out.”


Excited at tuwang-tuwa ang KimPau fans dahil natupad ang wish nilang magkaroon ng bagong TV series ang favorite love team nila at gusto nila, hindi adaptation. 


Ito na ‘yun, kaya naman naghahanda na ang mga fans at sana raw, malapit na ang ‘soon’ na sinabi dahil miss na nilang mapanood ang dalawa.


May mga nagko-congratulate na sa KimPau hindi pa man airing ang TA dahil sigurado silang maghi-hit ito sa dami ng kanilang supporters. 


Inaabangan din ng mga fans ang mga ayuda (nakakakilig na photos at updates) na manggagaling sa dalawa kapag nagsimula na ang taping.



Sina Piolo Pascual, Cedrick Juan at Paulo Avelino ang mga binanggit ng director na si Ben Yalung na kino-consider niya na gumanap sa role at karakter sa biopic ni Archbishop Teofilo Camomot. 


Ang nasabing pelikula ang magsisilbing comeback movie ng nagbabalik na Cine Suerte owned by Direk Ben.


Nag-agree ang writer ng film project na si Celso de Guzman na bagay nga sa tatlo ang gumanap na ‘Archbishop Camomot’, ang pari na nanggaling sa Carcar, Cebu City at sinasabing “he could be the next Filipino saint.”


Kapag si Piolo ang napili sa movie na may working title na Camomot, 2nd priest role na niya ito dahil pari rin ang role niya sa Mallari. Second priest role rin ito ni Cedrick dahil pari rin ang role niya sa Gomburza. Si Paulo naman ay gumanap na heneral sa Goyo.


Sey ni Direk Ben, makikipag-usap sila sa 3 aktor para i-offer ang project and hopefully, maging maayos ang negosasyon. 


Sisimulan agad ang shooting kapag may napili na at tatapusin ang pelikula in 3 months. 


Tinatayang aabot sa P10 million ang production cost at baka madagdagan pa.

Ire-release ang Camomot in cinemas nationwide at sa ibang bansa na marami ang Katolikong Pilipino. 


Nabanggit din ni Direk Ben na padadalhan niya ng copy ng movie si Pope Leo para mapanood nito.


Si Direk Ben din ang producer ng Camomot at may naka-line-up na siyang susunod na film project. 


“All religious films ang gagawin ng Cine Suerte. After ng conversion ko into devout Catholic, iniwan ko na ang paggawa ng action and sexy films,” sabi nito.


Naka-line-up gawin ng Cine Suerte ang part 2 ng Kristo at ang life story ni Sister Teresita “Teresing” Castillo na witness sa Lipa Apparitions. Si Julia Montes naman ang napipisil ni Direk Ben na gumanap bilang ang novice na si Teresing.


Ang maganda sa Cine Suerte, kumita man o hindi ang pelikula nila, tuloy pa rin ang kanilang pagpoprodyus. 


“We make movies for evangelization, not for money. Gusto naming ilapit ang mga tao sa Diyos,” sabi ni Direk Ben.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page