ni Nitz Miralles @Bida | July 31, 2026

Photo: Jericho at Janine - IG
Tanong ng mga nakabasa sa caption ng ABS-CBN sa photo nina Jericho Rosales at Janine Gutierrez, tama ba o totoo ang kanilang nabasa?
Hindi raw ba nagkamali lang sa caption ang sinumang nagsulat ng post?
Ang nakasulat kasi sa caption ay: “Janine Gutierrez ‘sent postcards’ from Surrey, United Kingdom with husband Jericho Rosales.”
Ikinagulat ng mga nakabasa ang caption dahil kung totoo, ibig sabihin daw, kasal na at mag-asawa na sina Janine at Jericho. Kaya lang, agad ding binura ng ABS-CBN News ang post, kaya iilan lang ang nakapag-comment.
Ang ilan sa mga comments ay, “WTH (what the heck)! Is this true? Kasal na sina Janine at Jericho?” “Deleted agad s’ya. Magko-comment sana ako,” at “OMG! Kasal na sila!”
May nagtanong naman kung annulled na si Jericho at kung paanong nangyari na kasal na sila ni Janine.
May nag-comment naman na baka promo nila sa bago nilang serye ang post na husband ni Janine si Jericho dahil husband daw ni Janine ang role ni Jericho sa series nilang The Loyalty Game (TLG).
Nabasa nga namin na mag-asawa ang kanilang role sa series at baka nga teaser ang nasabing caption.
Anyway, ang makakapaglinaw sa naging kontrobersiyal na caption ay sina Janine at Jericho mismo. Pero, kung totoo ang balita, matutuwa ang kanilang mga fans na inaabangan kung kailan magpapakasal ang couple.
PINAG-ISIP nina Jairus Aquino at Nicole Omillo ang present sa mediacon ng Viva One Original na Our Yesterday’s Escape (OYE) kung magdyowa ba sila. Mula kasi nang lumabas sa stage hanggang matapos ang mediacon, magkadikit na ang dalawa.
Comment ng isang press, hindi lang pang-magka-love team ang dalawa, dikit na pangdyowa raw ang kanyang nakita. Kasi naman ang aktor, magkatabi na nga sila ni Nicole sa upuan, nakapatong pa ang kanang kamay nito sa hita ng ka-love team.
Kung aalisin man niya ang kamay sa hita, nakahawak naman siya sa braso ng aktres.
Tanong ng katabi namin sa mediacon na ginanap sa Quantum Skyview, Gateway 2 Mall, clingy lang ba si Jairus o gustong ipaalam na Nicole is his girl?
Pero, ang gesture na ‘yun ay labis na nagustuhan ng kanilang mga fans at karamihan ay kinilig, lalo na kapag sumasagot sila sa tanong at magtitinginan muna.
Ang OYE ay ang 6th and final installment ni Gwy Saludes ng University Series sa Wattpad. Ginagampanan nina Jairus at Nicole ang mga karakter nina Shan at Kierra, respectively.
Masayang-masaya sina Jairucs at Nicole sa pagbibida nila sa installment ng University Series. Emotional ang aktor dahil 3 years daw niyang hinintay ang magka-lead project at nangyari na nga.
Pinasalamatan din niya ang mga co-stars nila ni Nicole na kinabibilangan nina Angelu de Leon, Yayo Aguila, Anjo Yllana, Bernadette Allyson, Cris Villanueva, Jan Marini at Michael Flores.
MAY dagdag na hashtag kay Jillian Ward kapag siya ay ini-introduce dahil hindi na lang siya actress/singer/dancer, composer na rin ang Kapuso actress dahil siya ang sumulat ng bago niyang awiting Lowkey.
Proud nitong ipinost ang reel video ng song at may caption na, “Wrote a song.”
Maganda ito, swak ang beat at magugustuhan ng makakarinig. May music video na rin ito kung saan may kasama siyang guy na hindi ipinakita ang mukha.
Naghulaan ang mga fans kung ang may crush ba sa kanya na si Raheel Bhyria ang nasa music video o si Kobie Brown. Sa launch ng song ni Jillian makikilala at malalaman kung sino siya.
Nakatulong ang pagka-postpone ng concert ni Jillian dahil kapag natuloy sa December 8, 2026 ang kanyang concert, madaragdagan ang kanyang repertoire. Makakasama sa kanyang kakantahin ang own composition niyang Lowkey.
And speaking of Jillian, sunod siyang mapapanood sa series ni Marian Rivera at excited na ang mga fans sa pagsasama ng dalawa. Maraming fans kasi ang naniniwala na sa mga Kapuso actress, kung ire-remake man ang Marimar, kay Jillian babagay ang role. Kahit daw si Marian ay papayag kapag si Jillian ang napiling gumanap sa role.



