top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Mervin Reyes @News | August 22, 2026



Babaeng motorcycle rider binangga ng jeep - San Mateo MPS - Circulated

Photo: San Mateo MPS - Circulated



Patay ang isang 43-anyos na babaeng loan collector matapos salpukin ng kasalubong na pampasaherong jeep sa General Luna Ave., Brgy. Guitnang Bayan 1, San Mateo, Rizal, Huwebes ng gabi, Agosto 20.


Sa kuha ng CCTV, pasado alas-6 ng gabi, makikitang napunta sa kabilang lane ang jeep at sinalpok ang biktima na pauwi mula sa trabaho sakay ng motorsiklo.


Bumangga rin ang jeep sa bakod ng isang sementeryo at nawasak ang harapang bahagi nito. 


Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay makalipas ang ilang oras. 


Agad namang inaresto ang 20-anyos na jeepney driver.

 
 

by Benjamin Chavez @News | August 22, 2026



Direktor child abuse - Circulated

Photo: Circulated



Inaresto ang isang film director ng mga operatiba ng Laguna Provincial Special Operations Unit, Laguna Provincial Intelligence Unit, at Sta. Rosa Component City Police Station, alas-8:55 ng umaga, sa Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna dahil sa child abuse.


Kinilala ang suspek na si alyas Direk Erol, may asawa at residente ng Quezon City, na nasakote sa isang mall.


Nag-ugat ang pag-aresto sa warrant of arrest na inisyu noong Hulyo 8, 2025 ng Regional Trial Court Branch 58 sa Quezon City kaugnay ng dalawang bilang ng umano’y paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

May inirekomendang piyansang tig-P180,000 para sa bawat kaso.

 
 

by Benjamin Chavez @News | August 22, 2026



Estudyante nahulihan ng baril - Cebu Police Provincial Office

Photo: Cebu Police Provincial Office / Circulated



Isang 14-anyos na estudyante ang nahulihan ng baril matapos magpatupad ng surprise inspection sa Lut-Od National High School sa Pinamungajan, Cebu nitong Huwebes, Agosto 20.


Sa report ng Cebu Police Provincial Office, ang .357 Smith & Wesson ay nakita sa loob ng bag ng 14-anyos na estudyanteng lalaki.


Nabatid na kinuha ng binatilyo ang baril mula sa cabinet sa kanilang bahay kung saan nakatira ang kanyang lolo at lola.


Pero hindi tinukoy kung ang baril ay pag-aari ng kanyang lolo.


Ang estudyante ay itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office at ipinatawag na rin ang mga magulang nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page