top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Benjamin Chavez @News | August 22, 2026



Estudyante nahulihan ng baril - Cebu Police Provincial Office

Photo: Cebu Police Provincial Office / Circulated



Isang 14-anyos na estudyante ang nahulihan ng baril matapos magpatupad ng surprise inspection sa Lut-Od National High School sa Pinamungajan, Cebu nitong Huwebes, Agosto 20.


Sa report ng Cebu Police Provincial Office, ang .357 Smith & Wesson ay nakita sa loob ng bag ng 14-anyos na estudyanteng lalaki.


Nabatid na kinuha ng binatilyo ang baril mula sa cabinet sa kanilang bahay kung saan nakatira ang kanyang lolo at lola.


Pero hindi tinukoy kung ang baril ay pag-aari ng kanyang lolo.


Ang estudyante ay itinurn-over sa Municipal Social Welfare and Development Office at ipinatawag na rin ang mga magulang nito.

 
 

by Benjamin Chavez @News | August 22, 2026



Bodega ng DPWH, pinasok


Huli sa akto ang isang lalaki na pumasok sa bodega ng Department of Public Works and Highway District Office sa Quezon Ave., Brgy Santo Angel Sur Santa Cruz, Laguna.


Kinilala ng mga tauhan ng Santa Cruz Municipal Police Station ang suspek sa alyas Jhun, 23, binata, welder at residente ng Brgy. Santo Angel Sur Santa Cruz.


Sa inisyal na imbestigasyon, alas 12:30 ng tanghali, isang empleyado ng nabanggit na opisina ang nakarinig ng mga kahina-hinalang ingay mula sa loob ng bodega na iniulat sa security guard.


Sa beripikasyon, nahuli ang suspek sa loob ng bodega at biglang inihagis ang hawak niyang cable wire na nagkakahalaga ng nasa P3,500. Nakapasok ang suspek sa pamamagitan ng sapilitang pagsira sa padlock at doorknob ng pasilidad.

 
 

by Mervin Reyes @News | August 22, 2026



P2.25 taas-presyo sa diesel, P1.50 gasoline


Inaasahang tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, bunsod ng patuloy na tensyon sa Middle East.


Tinatayang P1.75 hanggang P2.25 kada litro ang maaaring itaas sa presyo ng diesel, habang nasa P1 hanggang P1.50 kada litro naman ang posibleng dagdag sa gasolina.

Kung matutuloy, ito na ang magiging ikalawang sunod na linggo ng taas-presyo ng mga produktong petrolyo.


Inaasahang ilalabas ng mga kumpanya ang kanilang opisyal na price adjustments sa susunod na linggo, batay sa resulta ng monitoring ng DOE sa pandaigdigang presyo ng langis.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page