ni Angela Fernando @News | Dec. 1, 2024
View: Successfully facilitated deportation / Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) - File photo
Sinusuportahan ng gobyerno ng 'Pinas sa kasalukuyan ang nasa 15 bata matapos ma-deport ang kanilang mga banyagang ama na dating manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) nitong Linggo.
Ayon kay PAOCC executive director Gilbert Cruz, ang mga bata, na ang mga ina ay mga Pinay, ay may edad mula sanggol hanggang tatlong taong gulang.
Sinisikap ng ahensya na matugunan ang kanilang pangangailangan habang inaayos ang kanilang sitwasyon.
Pagbibigay-diin ni Cruz, hindi maaaring tanggihang tulungan ang mga ito dahil nagsilbi silang collateral damage na naging bunga ng ilegal na operasyon ng POGO sa bansa.
Tiniyak din ni Cruz na hindi nila pinapanatili ang mga bata sa loob ng detention center ngunit nagbibigay sila ng kinakailangang suporta tulad ng pagkain at pansamantalang tirahan.
Sinabi rin niya na kasalukuyan silang nakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang masiguro ang maayos na pag-aalaga sa mga bata.