top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 20, 2022


Special Education (SPED) sa ating bansa, mas pinalakas pa.


Ito ay sa pamamagitan ng Republic Act number 11650, o ang “Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act”.


Nilagdaan ang batas na ito kamakailan ng Pangulo, at isa ang inyong lingkod sa may-akda nito.


☻☻☻


Ayon sa pagtataya, nasa mahigit limang milyong batang Filipino ang may kapansanan, ngunit maaaring mas mataas pa ang numero dahil sa kakulangan ng eksaktong datos.

Noong 2019 naman, ayon sa DSWD, nasa 60 percent ng children with disabilities ang wala sa mga paaralan.


☻☻☻


Kasama sa polisiya ng bansa ang protektahan at isulong ang karapatan ng lahat ng mamamayan para sa de-kalidad na edukasyon sa lahat ng antas ng pag-aaral.

Kailangan ding maging accessible ito sa lahat, nasa pampubliko o pribadong paaralan man.


Kinikilala, pinoprotektahan, at isinusulong ng batas na ito ang karapatan sa edukasyon ng lahat ng learners with disabilities, sa pamamagitan ng pantay na oportunidad at nagtitiyak na hindi ito ipagkakait sa kanila.


Upang magawa ito, layon ng batas na magtatag at magpanatili ng Inclusive Learning Resource Centers of Learners with Disabilities (ILRC) sa lahat ng lokal na pamahalaan sa ating bansa.


Ilan sa mga tungkulin ng ILRC:


• Hanapin at i-evaluate ang lahat ng learners with disabilities na hindi nakakatanggap ng early at basic education services, at maisama sila sa general education system

• Gamitin ang expertise ng isang multidisciplinary team upang gumawa ng educational assessment at diagnoses ng learners with disabilities

• Magbigay ng akmang suporta at serbisyo sa mga learner with disabilities, kasama na ang school-based trainings

• Gumawa at panatilihin ang pagkakaroon ng akmang teaching at instructional materials

• Mag-monitor at panatilihin na ang learners with disabilities ay nakakatanggap ng mga kinakailangang serbisyo


☻☻☻


Nais ng batas na ito na mabigyan pa ng mas maraming oportunidad ang ating mga kabataang may kapansanan na lumaking mga produktibong miyembro ng ating bansa.

Hinihimok natin ngayon ang mga ahensiya ng pamahalaan na balangkasin agad ang implementing rules and regulations upang agarang maipatupad ang batas na ito.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 17, 2022


Pang-11 linggo na ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng langis.


Pumalo sa double-digits ang oil price hike ngayong linggo.


Itinaas ng Caltex, Cleanfuel, Petron, Total, at Unioil nang P13.15 per liter ang presyo ng diesel, samantalang umabot naman sa P7.10/liter ang gasoline. Itinaas naman ng Caltex at Petron ang presyo ng kerosene nang P10.50/liter.


☻☻☻


Sa harap ng patuloy na pagtaas na ito, na tiyak pang lalala dahil sa digmaan sa Ukraine, kailangang konsiderahin ng pamahalaan ang pagpapalaganap ng mga alternative transport system.


Ayon sa Department of Science and Technology, may mga readily-available technologies na na-develop na ng ahensiya na makatutulong na maibsan ang epekto ng fuel crisis sa ating mga kababayan.


May mga electric vehicles (e-trike, e-scooter, e-jeepney) nang nagawa at ginagawa sa bansa.


Nariyan rin umano ang Hybrid Electric Train at Hybrid Electric Road Train na DOST-developed din.


Plano rin na ilunsad ng ahensiya sa June ang Hybrid Trimaran. Ito ang unang ocean-wave powered boat sa buong mundo.


Kayang bumuhat ng trimaran ng 100 pasahero, apat na van, at hanggang 15 motorsiklo.

☻☻☻


Mainam na short-term at long-term solution ang mga alternative transport system.

Nananawagan tayo sa pamahalaan na gamitin ang mga available na teknolohiya na ito para sa kapakanan ng riding public.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 13, 2022


Alternatibong pagkukunan ng kuryente sa ating bansa, dapat pa nating paramihin.

Ito ay upang maprotektahan ang mga consumer sa mga biglaang pagtaas ng presyo ng kuryente dulot ng mga hindi inaasahang sitwasyon tulad ng kaguluhan at gera.


Isa sa mga inaasahang epekto ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine ay ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa mga susunod na araw.


Dahil dito ay nabawasan ang supply at sumipa ang presyo sa pandaigdigang merkado ng ilan sa mga ginagamit na panggatong ng ating mga power plants tulad ng coal, bunker fuel, at liquified natural gas (LNG).


☻☻☻


Ayon sa 2020 Philippines Power Statistics ng Department of Energy (DOE), umabot sa 26,250 megawatts (MW) ang installed power capacity ng bansa sa taong iyon.


Sa pigurang ito, 71 percent ang mula sa non-renewable energy sources tulad ng coal, oil-based, at LNG. Halos lahat ito ay ini-import ng ating bansa.


Ang installed capacity naman mula sa renewable sources ay nasa 29 percent.


☻☻☻


Dahil halos lahat ng non-renewable energy sources natin ay ini-import ng bansa, apektado ang lahat ng Pilipino pagdating sa supply at demand ng mga ito.


Kung kaya’t hinihimok natin ang pamahalaan na mang-engganyo ng mas marami pang mamumuhunan at magtayo ng marami pang alternatibong pagkukunan ng enerhiya at fuel.


Pasiglahin pa natin ang exploration activities upang makatuklas ng deposito ng oil at gas sa ating onshore o nasa lupang bahagi ng ating bansa.


Palakasin din natin ang pagtatayo ng power plants na umaandar sa renewable energy sources tulad ng solar at wind energy.


Dapat tayong mag-develop ng indigenous o sarili nating pagkukunan ng enerhiya at fuel upang mabawasan ang ating pagdepende sa imported na langis at iba pa.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page