top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 31, 2022


Ngayong linggo ay ipinagdiriwang natin ang “Protection and Gender-Fair Treatment of the Girl Child Week”.


Sa bisa ng Proclamation number 759 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V. Ramos noong March 1996, nais nitong mabigyan ang mga batang babae ng pantay na oportunidad at sapat na proteksyon.


Ito ay bilang paghahanda sa mga kababaihan para sa tungkulin na gagampanan nila para sa pagpapaunlad ng komunidad.


☻☻☻


Isa sa mga mandato ng proklamasyon ay ang pagwawasto ng mga batas na nagdi-discriminate sa mga batang babae at paggawa ng mga gender-fair na mga batas.

Marami po tayong isinulong na mga panukala sa ating termino sa Senado na naglalayong maproteksyunan ang mga kababaihan.


Natutuwa po tayo sa pagsuporta ng ating mga kasamahan sa Mataas na Kapulungan upang maisabatas ang ilan sa ating mga panukala.


Isa na rito ay ang Senate Bill number 762 na itinaas sa edad 16 ang minimum age para ma-determine ang statutory rape, na nasa edad 12 lamang sa ilalim ng Revised Penal Code.


Sa pakikipagtulungan natin sa ating mga kasamahan sa Kongreso ay naipasa at nilagdaan ang batas na ito kamakailan ng Pangulo bilang Republic Act number 11648.


☻☻☻


Isa pa sa itinutulak nating panukala ay ang pag-amyenda sa Violence against Women and their Children Act upang maisama ang electronic violence.


Ito ay ang paggamit ng information and communications technology (ICT) upang makapagdulot ng mental, emotional o psychological distress o suffering sa biktima.


Kasama rito ang hindi awtorisadong pag-record o pag-upload o pag-share ng picture or video ng maseselang parte ng biktima, o ang pangha-harass o pagbabanta gamit ang text messaging.


Simula pa lamang ng unang termino natin noong 16th Congress ay ipinanukala na natin ito, ngunit nananatiling nakabinbin hanggang ngayon.


Hindi po tayo nawawalan ng pag-asa na maipapasa ito at patuloy po nating itutulak ito para sa kapakanan ng kababaihan, bata man o matanda.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 27, 2022


Kamakailan lamang ay inanunsiyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang paghina ng amihan o northeast monsoon.


Ang amihan ang nagdala sa atin ng malamig na hangin mula sa Siberia at karatig lugar na nagbunga ng malalamig na araw nitong mga nagdaang buwan, lalo na noong Disyembre.


Sa paghina ng amihan ay nangangahulugang nariyan na ang tuyo't mainit na panahon o hot and dry season na mas akmang tawag imbes sa nakagawiang “summer” dahil hindi naman umiiral sa bansa ang apat na seasons kumpara sa temperate climate, halimbawa, ng Amerika.


Nanawagan naman ang PAGASA na maging masinop sa paggamit ng tubig, lalo ngayong pinangangambahang magkakaroon ng limitadong supply nito sa Kamaynilaan at mga karatig lugar.


Manatili po tayong hydrated o laging uminom ng tubig, magsuot ng magagaang na damit, at kung maaari, umiwas sa matinding sikat ng araw mula tanghali hanggang early afternoon upang makaiwas sa heat stress o heat stroke.


☻☻☻


Sa gitna ng init ng panahon ay ilang kababayan natin ang nagtiis at pumila sa DFA upang makakuha ng passport at iba pang dokumento nitong nakaraang linggo.


Bago pa man maghatinggabi noong Miyerkules ay mahaba na ang pila sa opisina ng DFA sa Aseana, Parañaque City ngunit mayroong limit ang maaaring makapasok.

Inatasan naman ni DFA Secretary Teddy Locsin ang mga kawani ng ahensiya na asikasuhin ang mga aplikante.


Nawa’y dagdagan pa ng ahensiya ang mga tanggapan nito, lalo na sa mga probinsiya, na maaaring puntahan ng ating mga kababayan para makakuha ng kanilang mga kinakailangang dokumento.


Ito ay upang hindi na gumastos nang malaki para sa pamasahe at iba pa ang ating mga kababayan, at hindi makipagsiksikan at mag-unahan ngayong panahon ng pandemya.

Maaari ring habaan ang oras na puwedeng mag-apply ng passport at iba pang dokumento para mabawasan ang backlog.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | March 24, 2022


Tuwing March 24, ginugunita ang World Tuberculosis Day.


Hindi masyadong napagtutuunan ng pansin dahil sa kasalukuyang pandemya, ngunit patuloy pa rin ang banta ng TB sa bansa.


Ayon kay Dr. Camilo Roa ng Philippine Tuberculosis Society, Inc., nasa 27,000 katao ang namamatay kada taon dahil sa TB. Pang-12 ang TB sa mga nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino noong 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority.


Sinabi naman ng World Health Organization na noong 2020, 1.5 milyon ang namatay dahil sa TB sa buong mundo.


☻☻☻


Masaklap ang mga datos na ito sapagkat ang TB ay isang sakit na kayang gamutin kung maagap ang pagtugon dito.


Hinihimok natin ang pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang sakit na ito.


Kailangang mapataas ulit natin ang case detection sa bansa, lalo pa’t noong 2020 ay bumaba ng 59 percent ang bilang ng mga pasyenteng nagpapa-test para sa TB dahil sa pandemya.


Kailangan ding lalo pang mapadali ang access lalo ng mga mahihirap sa treatment upang ma-engganyo silang magpagamot.


☻☻☻


May commitment ang Pilipinas noong 2018 sa United Nations High Level Meeting on TB na hanapin at gamutin ang 2.5 milyong TB patients pagdating ng 2022.


Interesado tayong malaman kung umuusad ba tayo sa planong ito, at kung ano ba ang mga dapat gawin at idagdag upang magampanan ang pangakong ito.


Magtulungan nawa ang lahat upang masugpo ang banta ng tuberculosis sa bansa.


☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻


Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page