top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 18, 2022


Nakababahala na walang pondo para sa susunod na taon ang edukasyon ng mga batang may special needs.


Ito ang naungkat nitong nakaraang linggo sa pagdinig ng Kongreso sa proposed 2023 budget ng Department of Education (DepEd).


Ayon sa kagawaran, nag-request sila ng P560 milyon para sa Special Education Program, ngunit walang ibinigay na pondo ang Department of Budget and Management (DBM).


Ngayong taon, P560 milyon ang budget ng DepEd para sa Special Education Program.


☻☻☻


Nananawagan tayo sa mga kapwa natin mambabatas, lalo na sa Senado, na pagtulungan upang mabigyan ng pondo ang SPED program ng DepEd.


Alam nating kailangan ng mas malalim na atensyon at suporta ang mga batang may special needs kung kaya’t kailangan nating maglaan ng budget para sa kanilang mga pangangailangan.


Bago pa man magkaroon ng pandemya ay disadvantaged na sila, lalo na pagdating sa kagamitan at pasilidad ng mga paaralan.


Nitong pandemya ay nakita rin natin ang hirap na dinanas ng mga mag-aaral at lalo pa itong tumindi para sa mga batang may special needs.


Mahalaga para sa kanila ang physical interaction, na hindi naman posible dahil sa public health standards na ipinaiiral. Wala ring sapat na kakayahan ang mga magulang ng mga bata upang matutukan ang kanilang pag-aaral.


Ngayong new normal ay kailangang lalong habulin ang mga nawalang pagkakataon sa pag-aaral ng mga bata, lalo na ng mga may special needs.


☻☻☻


Bilang isa sa mga may-akda ng Republic Act number 11650 o ang “Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act”, tututukan natin na mabigyan ng pondo ang batas na ito.


Nilalayon nitong palakasin pa ang special education sa ating bansa.


Ngunit mananatiling papel lamang ito kung hindi mabibigyan ng pondo. Umaasa tayong sasamahan tayo ng mga kapwa Senador upang maisulong ang pagbabalik pondo ng SPED program.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 14, 2022


Sunud-sunod na pagkilala ang natamo ng bansa nitong nakaraang linggo na tunay nga namang nakatataba ng puso at nakaka-proud, ‘ika nga ngayon.


Nanalo ang Pilipinang si Alex Eala sa 2022 US Open Junior Girls’ Singles Tournament.


Si Alex, na 17 taong gulang pa lamang, ang kauna-unahang Pilipino na nagtamo ng Grand Slam singles title.


Pinarangalan siya ng Senado nitong Lunes dahil sa kanyang pagwawagi.


Patunay si Alex ng husay na taglay ng bawat Pilipino, at nawa’y magsilbi siyang inspirasyon sa ating mga kababayan, lalo na ang kapwa kababaihan at kabataan, na magpunyagi at huwag susuko sa pagkamit ng kanilang pangarap.

Mabuhay ka, Alex!


☻☻☻


Samantala, muli na namang kinilala ang Pilipinas bilang leading dive at beach destination sa Asia sa nakaraang 29th World Travel Awards na itinanghal sa Vietnam.


Pang-anim na beses nang iginawad sa atin ang leading beach destination in Asia award.

Apat na sunod na taon na rin tayong nagawaran ng Asia’s leading dive destination award.


Kinilala rin ang Intramuros bilang Asia’s leading tourist attraction. Nanaig ang Intramuros sa Angkor Temples ng Cambodia; Borobudur Temple Compounds ng Indonesia; Ha Long Bay ng Vietnam; Sengan-en at Shoko Shuseikan Museum sa Kagoshima, at Tokyo Imperial Palace sa Japan; Taj Mahal ng India; teamLab SuperNature ng Macau; Great Wall, Forbidden City, at Terracotta Warriors ng China; at Victoria Peak ng Hong Kong.


Umaasa tayong makakatulong ang mga pagkilalang ito sa muling pagbangon ng turismo sa bansa, na isa sa mga sektor na pinaka-naapektuhan ng pandemya.


☻☻☻


Ang mga tagumpay na ito ay patunay na napakagaling ng Pilipino at napakaganda ng Pilipinas.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 11, 2022


Magandang balita ang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba ang unemployment rate nitong nakaraang July.


Bumaba ito sa 2.6 milyong (o 5.2%) Filipino, na mas mababa sa 2.99 milyong Pinoy na naitala noong June 2022. Mas mababa rin ito sa kung ihahambing sa 3.23 milyong walang trabaho noong June 2021.


Ayon pa sa PSA, ito na ang pinakamababang unemployment rate mula noong October 2019, kung saan nakapagtala ng 4.5% na antas.


May tinataya namang 47.39 milyong Pinoy ang may trabaho noong July, na mas mataas kumpara sa 46.59 milyong na naitala noong June.


Naitala ang pagdami ng nagtatrabaho sa mga sektor ng wholesale at retail trade; agriculture at forestry; accommodation at food service activities; at iba pang service activities.


☻☻☻


Ngunit kasabay ng pagbaba ng unemployment rate ay ang pagtaas naman ng underemployment rate o 'yung mga naghahanap pa ng dagdag-trabaho upang kumita.


Noong July ay nakapagtala ng 6.54 milyong Filipinong underemployed (o 13.8%), na mas mataas kumpara sa 5.89 milyong Pinoy na kulang sa trabaho noong June. Ngunit mas mababa naman ito kung ihahambing sa 8.77 milyong underemployed noong July 2021.


Nakita ang underemployment sa mga sektor ng wholesale at retail trade; construction; at public administration at defense subsectors.


☻☻☻


Umaasa naman tayong magbubunga agad ang nakuhang $14.36 bilyong (P804.78 bilyon) investment pledges sa nagdaang biyahe ng pangulo sa Indonesia at Singapore.

Kabilang sa mga pledge ay nasa mga sektor ng renewable energy, data centers, e-commerce, broadband technology, startups, government housing at agrikultura.


Hinihimok naman natin ang mga kaukulang government agencies na madaliin ang pagsasakatuparan ng pledges na ito.


Dapat simulan na agad ang pagtatrabaho upang maging realidad ang pledges at makatulong sa muling pagpapasigla ng ating ekonomiya.


Inaasahan din nating magta-translate ang mga ito sa mas permanenteng trabaho para sa ating mga kababayan, na umaaray na sa taas ng presyo ng mga bilihin at pagbaba ng palitan ng piso laban sa dolyar.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page