top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 24, 2023


Ngayong araw ay siguradong busy na ang lahat sa paghahanda para sa kanilang Noche Buena habang naghihintay ng Pasko.Ang Pasko ang isa sa pinakamasaya at pinaka-exciting na holiday para sa ating mga Pilipino.Hindi nga ba at pagtungtong pa lang ng “ber” months ay sinisimulan na natin ang mga pagdiriwang.Ang maganda pa rito, gaano man kasimple ang selebrasyon, lagi tayong nakakahanap ng dahilan para ngumiti at tumawa sa piling ng ating mga mahal sa buhay.


☻☻☻


Dalangin ko na sa gitna ng ating mga salo-salo, hindi natin makalimutan na ang Kapaskuhan ang sumisimbolo sa dakilang araw ng kapanganakan ni Hesu-Kristo.Patuloy sana tayong bigyan ng Maykapal ng pusong puno ng pagpapasalamat.


At nawa’y maging inspirasyon tayo sa ating kapwa upang panatilihing buhay ang diwa ng pagmamahalan at pagbibigayan.


☻☻☻


Let’s make happy memories this Christmas, and let’s fill our homes with love, life and laughter.Maghari sana ang pagmamahalan ngayong Kapaskuhan at mabiyayaan sana tayo ng mabuting kalusugan at kaligayahan.Merry Christmas po sa lahat!


☻☻☻


Patuloy pa rin tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 22, 2023


Lumagpas na sa 5 milyong turista ang dumalaw sa bansa.

Ayon sa Department of Tourism, umabot na sa 5.070 million ang international tourist arrivals sa bansa, lagpas sa 4.8 million na target ng ahensya. Katumbas ito ng P439.5 billion na receipts.


Mula sa bilang na ito, nasa 4,658,123 o 91.88 percent ang foreign tourists, habang ang natitirang 411,629 o 8.12 percent ay overseas Filipinos. 


                                                              ☻☻☻


South Korea ang top source market ng bansa na may 1,341,029 arrivals. Sumunod naman ang United States of America (USA) na may 836,694, next ang Japan, 285,655, saka ang China,  252,171 at Australia, 238,487.


Dagdag din ng DOT, noong 2022 ay 5.35 milyong trabaho ang nalikha mula lamang sa 2.6 milyon na visitor arrivals.


Para sa taong 2024, layunin ng DOT na umabot sa 7.7 milyon turista ang darating sa bansa.

                                                             ☻☻☻


Nagagalak tayo na muli nang umuusad ang turismo ng ating bansa.


Mahalagang haligi ng ekonomiya ang turismo dahil direkta itong lumilikha ng trabaho sa mga komunidad.


Umaasa ako na sa patuloy nating pagtutulungan ay magtatagumpay tayo sa pagposisyon sa Pilipinas bilang top tourist destination sa Asya, kung hindi sa buong mundo.

                                                              ☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! 

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | December 17, 2023


Kahapon, ika-16 ng Disyembre ang simula ng Simbang Gabi nating mga Pilipino. 


Ang Simbang Gabi, na tinatawag ding Misa de Gallo, ay isa sa mga hudyat nating mga Pilipino na malapit na ang Pasko. 

 

Bago magsimula, maririnig ang malakas na repeke o kalembang ng mga kampana sa simbahan at mga kapilya sa buong bansa. 

 

Ito ay ginagawa nang siyam na madaling-araw, bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Pasko pagsapit ng ika-25 ng Disyembre. 

 

☻☻☻

 

Para sa ating mga Katoliko, malaking bahagi ng ating pananampalataya ang Simbang Gabi. 


Para sa ilan, ang pagdalo sa Misa de Gallo ay may hatid na magaan o maginhawang pakiramdam sa kaluluwa, puso, damdamin at kalooban. 

 

Sa iba naman, ang kanilang paniwala ay ang pagdalo ng Simbang Gabi ay isang gawain ng pagpapakasakit o sakripisyo, ng pag-ibig at debosyon. 

 

Marami sa atin ang naniniwala na kapag nakumpleto ang Simbang Gabi ay nagkakatotoo ang hiling natin sa Diyos. 

 

Ang iba naman ay bumabangon sa madaling-araw para makasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay, o ‘di kaya para matikman ang puto bumbong, bibingka, salabat o tsokolate na inilalako sa tabi ng simbahan. 

 

No matter the reason ng pagbangon, sana, sa pagtapos ng bawat misa, manatili pa rin ang mensahe ng Simbang Gabi -- ang paghahanda sa pagsilang ni Hesukristo na ating tagapagligtas. 

 

Nawa’y maging safe and meaningful ang Simbang Gabi para sa lahat ng dadalo. 

 

☻☻☻

 

Patuloy pa rin po tayong mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask pag kinakailangan, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

 
 
RECOMMENDED
bottom of page