top of page
Search

ni Mylene Alfonso | May 31, 2023



ree

Nagbitiw si Senador Robinhood "Robin" C. Padilla sa kanyang puwesto bilang executive vice president ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) upang tiyaking mas epektibo niyang magaganap ang kanyang tungkulin bilang halal na mambabatas.


Ayon kay Padilla, inihain niya ang hindi na mababawing pagbibitiw o irrevocable resignation kahapon bagama't mananatili siyang aktibong miyembro ng partido.


Mulat umano siya na mabigat ang mandato niya bilang senador at mas nararapat na maging EVP ng partido ang makapaglalaan ng buong oras para sa responsibilidad nito.


 
 

ni Mylene Alfonso | May 31, 2023



ree

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2212 o ang panukala na magtatatag ng regional specialty centers sa bansa.


Ang panukalang Regional Specialty Centers Act ay isa sa mga prayoridad ng Common Legislative Agenda of the Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).


“This bill is a shot in the arm of our public health system. To borrow a medical term, it is a major transfusion of resources to government hospitals in the regions, nearer to the sick who need affordable care,” wika ni Senate President Juan Miguel Zubiri, principal author at co-sponsor ng panukala.


Sa ilalim ng panukala, itatayo ang mga specialty centers sa ilalim ng Department of Health (DOH)-run hospitals sa ibang lugar sa bansa kabilang dito ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC), Philippine Heart Center, Lung Center of the Philippines, at ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI).


Dahil dito, hindi na kailangang lumuwas pa sa Maynila ang mga pasyente mula sa mga probinsya para magpagamot ang mga may sakit sa baga, bato, puso, kanser at iba pa.


Samantala, lusot na rin sa ikatlo at huling pagbasa ang Trabaho para sa Bayan Bill at ang Estate Tax Amnesty.



 
 

ni Mylene Alfonso | May 30, 2023



ree

Nagbabala si Senadora Imee Macos laban sa agarang pagpasa ng Maharlika Investment Fund (MIF) kung saan sinasabing malabo pa rin ang layunin at pagkukuhanan ng pondo para sa nasabing sovereign fund.


Sa isang panayam, sinabi ni Marcos na "ideal" ang pag-apruba sa panukalang batas bago ang sine die adjournment sa Hunyo 2, ngunit ang problema ay ang mismong bersyon ng Senado dahil wala pa rin aniyang "final language" at ang pinapasok na mga pag-amiyenda mula sa Department of Finance.


"Ako, kung saka-sakaling minamadali, hindi ako papayag kasi malaking pera ‘yan.


Mababaon ang ating mga anak. At hindi dapat minamadali 'yung ganyan," diin ni Imee.


Muling iginiit ni Imee na dapat malinaw ang pagmumulan ng pondo para sa MIF kasabay ng pagdiin na ang pagtatag ng sovereign fund ay dahil sa sobrang kita ng gobyerno, na aniya ay wala sa Pilipinas sa kasalukuyan.


"When you get a windfall, that is usually the beginning of a sovereign fund. I don't feel any windfall. Right now, I feel utang," hirit pa ng kapatid ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., kung saan maging ang foreign sovereign funds na nagsisilbing modelo ng MIF ay kasalukuyang nasa panganib


 
 
RECOMMENDED
bottom of page