top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | July 19, 2025



File Photo: Sen. Imee Marcos / Comelec


Nanawagan si Senadora Imee Marcos sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na lagdaan na bilang batas ang panukala na nagtatakda ng apat na taong termino para sa mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.


Ang parehong panukalang batas ay nagtatakda rin para iurong ang BSK Election sa unang Lunes ng Nobyembre 2026. “Ayan na! Na-transmit na sa wakas kay PBBM! Ang tagal bago makarating, parang tumambay pa kung saan. Kaya, beke nemen, pirmahan na ‘yan!” wika ni Marcos sa isang pahayag. 


Matagal na aniyang inaprubahan ng Senado at Kamara ang naturang panukalang, pero nitong Hulyo 10 lang naipadala mula sa House of Representatives patungong Senado, at noong Martes, Hulyo 15, lamang ito inihain sa Palasyo. 


“Sa pagkakaalala ko, hindi karaniwan ang ganitong katagal. Wala ring sapat na paliwanag kung bakit natagalan nang husto. Sa totoo lang, matagal nang tapos ang trabaho sa Senado,” ayon kay Marcos. 


Batay sa Saligang Batas, may 30 araw ang Pangulo mula sa araw ng pagtanggap para pumirma o mag-veto. 


Kapag hindi ito pinirmahan o vineto sa loob ng panahong iyon, awtomatiko itong magiging batas. 


“Anim na buwan na silang nakaabang. Karapatan nilang malaman kung hanggang kailan sila sa pwesto. Ang tagal-tagal na, oras na para tuparin ang batas,” punto pa ni Marcos. 

“Pumirma man o hindi, basta’t maging batas na. Let’s get it done, para klaro na ang lahat,” dagdag ng Presidential sister.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 7, 2025



File Photo: FB / Senate of the Philippines / Former Associate Justice Antonio Carpio



Sinopla ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio si Senate President at Impeachment court presiding officer Francis 'Chiz' Escudero sa pagbibigay nito ng komento ukol sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. 


Tinukoy ni Carpio na hindi siya nagbigay ng anumang komento noon kaugnay sa pag-dismiss ng Senado sa impeachment case ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez dahil miyembro at bahagi siya ng Korte Suprema. 


“I was in the Supreme Court since 2001, and as a member of the Supreme Court, I cannot be complaining because that case could reach us,” paglilinaw ni Carpio. 


Ang pahayag ni Carpio ay may kaugnay sa paghawak ng Senado sa impeachment case bilang impeachment court. “[T]here is a provision in the Senate rules on impeachment. It says, the presiding officer and the senator-judges shall refrain from commenting on the merits of the impeachment case. So, dapat sila huwag mag-comment,” ani Carpio sa isang panayam. 


Binigyang-linaw ni Carpio na maaari na siyang magbigay ng komento sa kasalukuyan dahil nasa pribado na siyang buhay bilang mamamayan ng bansa. 


“[T]he gag rule is there in the Senate rules. The Senate — the presiding officer, and the senator-judges — shall refrain from commenting publicly on the merits of the impeachment case,” giit ni Carpio. 


Kaugnay nito, suportado naman ni constitutional law professor and lawyer Howard Calleja ang bagong pahayag ni Carpio. Ayon kay Calleja, marapat lamang na manahimik ang senators/judges bilang bahagi ng kanilang judicial ethics

 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 4, 2025



File Photo: Atong Ang - Senate PH


Sinampahan na ng reklamo ng negosyanteng si Charlie 'Atong' Ang ang dati niyang tauhan na si Julie 'Dondon' Patidongan, alyas Totoy, nang tinangka umano siyang kikilan ng P300 milyon kapalit ng pananahimik sa kaso ng nawawalang mga sabungero.


Sinamahan si Ang ng kanyang abogado na si Atty. Lorna Patajo-Kapunan, sa paghahain ng reklamo sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office, laban kay Patidongan, na isa sa mga akusado sa kaso ng nawawalang mga sabungero na nais nang maging testigo.


Kasabay nito, nagbigay din ng mensahe si Atong para kay Patidongan. “Ang masasabi ko lang, mag-isip ka Don. Kung anuman ang mga... huwag ka nang magsinungaling nang magsinungaling. Itinuring kitang parang anak ko, e. Kung alam ko lang na ganyan ka kasama… pati ako papatayin mo pa, kikidnapin mo pa ako.”


Una rito, ibinunyag ni Patidongan na nagtago noon sa alyas Totoy, na si Ang at

dalawang iba pa ang utak umano sa pagpatay sa nasa 100 nawawalang mga sabungero

mula pa noong 2021.


Idinawit din niya sa alegasyon ang aktres na si Gretchen Barretto, na may nalalaman din umano sa krimen.


Inireklamo ni Ang si Patidongan ng conspiracy to commit attempted robbery with violence against or intimidation of persons, grave threats, grave coercion, slander, at incriminating against innocent persons.


Bukod kay Patidongan, kasama rin sa reklamo ang isang alyas Brown, na dati rin umanong empleyado ni Ang.


Muli namang itinanggi ni Kapunan ang mga alegasyon laban sa kliyente niyang si Ang.


“The reason na nandito kami and the reason why we filed the case is because, number one, for the truth to come out. Number two, to affirm that Atong Ang and the members of the… group are willing to cooperate with the government,” sabi ni Kapunan sa press briefing.


“That includes the President, that includes the Supreme Court, and that includes the Secretary of Justice and all the personnel,” wika niya.


Sinabi pa ni Kapunan na nasa panig sila ng hustisya at ng mga pamilya ng nawawalang mga sabungero.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page