top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 14, 2025



File Photo: Inday Sara Duterte - FB


Dumating si Vice President Sara Duterte sa Amsterdam bago dalhin ang kanyang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa The Hague Penitentiary Institution upang harapin ang paglilitis sa International Criminal Court (ICC).


Ito ang kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na nakarating si VP Sara sa Amsterdam alas-9:27 ng gabi (Central European Standard Time) o pasado alas-2 ng madaling-araw sa Pilipinas.


Sa kanyang pagdating, sinalubong ang Bise Presidente ng tulong mula sa Dutch Foreign Ministry at Dutch Royal Military Constabulary.


Nakatakdang makipagpulong ang Bise Presidente sa mga abogado at humingi ng access sa kanyang ama, na kasalukuyang nasa kulungan ng The Hague habang naghihintay ng paglilitis ng ICC para sa kasong crimes against humanity hinggil sa war on drugs ng kanyang administrasyon.


Inaasahang magbibigay ng panayam sa media ang Pangalawang Pangulo sa The Hague araw ng Biyernes, Marso 14.


Nabigyan din ng travel clearance ang kanyang kapatid na si Davao City Representative Paolo 'Pulong' Duterte para sa personal trip nito sa Japan at Netherlands.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 14, 2025



Source: Rody Duterte - FB


Nagbigay ng mensahe para sa mga Pilipino si dating Pangulong Rodrigo Duterte bago lumapag sa Rotterdam The Hague airport sa Netherlands ang sinasakyang eroplano upang dalhin siya sa International Criminal Court (ICC) at doon idetine habang dinidinig ang paratang laban sa kanya na crimes against humanity.


Sa video message na naka-post sa Rody Duterte Facebook page, inaasahan ng dating Pangulo na mahabang legal proceeding ang kanyang kakaharapin.


"To my countrymen, just to give you the current situation, I am about to land in The Hague. Galing ako Dubai, stopover... It's a long haul, it's a long flight. Okay ako. Do not worry," wika ni Duterte. 


“I am the one who led our law enforcement and military. I said  that I will protect you, and I will be responsible for all of this.” 


“I have been telling the police, the military, that it was my job and I am responsible,” sabi pa niya. 


"This will be a long legal proceeding but I say to you I will continue to serve my country at so be it, kung ganoon ang destiny ko. Salamat," dagdag pa ni Duterte.

 
 

ni Jenny Albason @News | Mar. 14, 2025



Photo: Si Honeylet Avanceña matapos hampasin ng cellphone sa noo nang dadalhin na sa sasakyang learjet ang dating Presidente - PNP-PIO / SAF


Hindi magsasampa ng kaso ang Special Action Force (SAF) officer na umano’y tinamaan sa ulo ng cellphone ni Honeylet Avanceña, partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa PNP.


Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, personal na desisyon ng pulis na huwag magsampa ng reklamo dahil bahagi ito ng panganib sa kanyang trabaho. Idinagdag niyang nasa maayos na kondisyon ang opisyal at babalik sa serbisyo matapos gumaling.


Sinagot ng PNP ang kanyang pagpapagamot at bibigyan siya ng commendation para sa kanyang tungkulin.


Samantala, inaresto si Duterte nitong Martes, ilang linggo bago ang kanyang ika-80 kaarawan, dahil sa mga kasong may kaugnayan sa crimes against humanity kaugnay ng kanyang madugong drug war.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page