ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 25, 2025

Photo: Kris Aquino - IG
Nagpahayag ng pasasalamat ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang official fan page kamakailan.
Saad ni Kris, “I have a new hashtag to remind myself how much I owe all of you who continue praying for me. Thank you for your patience, support and much appreciated LOVE.”
Marami ang nagbigay ng panalangin para sa mother dearest nina Joshua at Bimby. Hindi lang mga tagahanga o followers ni Kris ang nagbigay ng panalangin sa kanya, kundi pati mga kasamahan niya sa showbiz industry tulad nina Angeline Quinto, Angeli Valenciano, Carmina Villarroel, Pokwang, Aga Muhlach, Vina Morales at ang singer icon na si Gary Valenciano.
Sure si yours truly na kahit hindi lahat nababasa ni Kris, ramdam niya ang napakaraming mensahe at panalangin para sa kanyang mabilis na paggaling sa lahat ng kanyang karamdaman.
Sabi pa nga ni Carmina Villarroel, “Laban lang Ninang @krisaquino. We love you, praying for you always.”
Sama-sama tayong manalangin para sa mahal nating kaibigan na si Kris Aquino.
KUNTENTO at masaya ang buhay-may-asawa ng magandang aktres na si Nadine Samonte.
Nagpakasal si Nadine kay Richard Chua, nag-iisang anak ng veteran actress na si Isabel Rivas noong October 30, 2013.
Sa 12 taon ng pagsasama nila bilang mag-asawa ay biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Heather Sloane, Austin Titus at Harmony Saige.
Sa social media post ni Nadine, nagbahagi siya ng larawan na nagpapakita ng kanyang magandang mukha at katawan na tipong dalaga pa rin.
Saad ni Nadine, “Renewal of Vows first meeting and I’m so excited (in love emoji). Grabe, I can’t hide this feeling (shy emoji). Why How Great Is Our God ang kanta and si Don Moen ang singer sa audio ng post ko?
“Back story, nag-concert s’ya rito sa Philippines. We really wanted to meet him backstage for picture at pagpunta namin backstage ni hubby, hindi lang picture ang nakuha namin. He even told us that he wants to pray for me and my husband.
“Tinanong n’ya kung ano ang gusto namin na prayer and we told him na gusto namin magkaanak ulit kasi nga with my condition, super-hirap magka-baby. Then he prayed for us. After few months I got pregnant again (laughing with tears emoji). God moves in mysterious ways. With my condition he really gave us hope at biglaan talaga ‘yun (praying emoji). I will never forget that (crying emoji).
“Thank You, Lord for all the blessings and for my family (heart emoji). Can’t wait to share and show you next year (crying emoji).
“Thank you to my husband for being the best (heart emoji). Love you so much @rboy_chua.”
Now I know kung bakit mahal ng aking BFF na si Isabel si Nadine bilang kanyang daughter-in-law. Kasi naman, pareho silang maka-Diyos at super-loving.
Kapag magkasama kami ni Isabel, kahit nasa restaurant pa kami, nagdarasal siya nang alas-tres ng hapon at ala-sais ng gabi. Parehong mabuting tao ang ina at asawa ni Richard.
God bless you, BFF kong mahal na si Isabel.
INILUNSAD na ng BGYO ang bago nitong dance-pop single na Headlines at mapapanood ang unang live performance nito sa Summer Sonic Bangkok 2025 sa Linggo (Agosto 23).
May taglay na Y2K R&B influence ang bagong music offering nina Gelo, Akira, JL, Mikki at Nate na tungkol sa pagmamahal na ibibida at ipagsisigawan.
Produkto ang kanta ng 2nd ABS-CBN Music Camp na ginanap noong nakaraang taon mula sa mga songwriters na sina Lindgren, Melanie Joy Fontana, Marqueze Parker, Courtlin Jabrae Edwards, Nhiko Sabiniano, at BGYO members na sina Mikki at Nate.
Sina Lindgren at Melanie ay kilalang songwriters na nakatrabaho ang BTS at iba pang global artists. Sumulat din sila ng mga kanta para sa pelikulang K-Pop Demon Hunters (KDH). Nakapagsulat na si Courtlin ng awitin para kina Ciara at GloRilla habang si Marqueze ay nakapagsulat naman para kay Ariana Grande.
Nakatakdang ilabas ang Headlines performance video sa BGYO Official YouTube (YT) channel sa Biyernes (August 28) alas-9 ng gabi.
Sinundan ng kanta ang recent hit ng grupo na All These Ladies at self-titled EP nito tampok ang mga kantang Andito Lang, Divine, Trash, atbp.
Pagkatapos ng kanilang sunud-sunod na hits, naghahanda na sila para sa BGYO: The First Solo Concert na gaganapin sa Oktubre 4 (Sabado) sa New Frontier Theater sa Quezon City.
‘Yun lang and I thank you.






