ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 4, 2024
Ayon sa report ng Star Cinema, umabot na sa P320 million ang kinita ng pelikulang Un/Happy for You (UFY) as of this writing.
Ang nasabing pelikula na nasa ikalawang linggo na ang showing ay ang balik-tambalan ng mag-ex na sina Joshua Garcia at Julia Barretto a.k.a. JoshLia.
Inaasahan namang madaragdagan pa ang kita ng nabanggit na pelikula lalo pa’t kasado na ang international release nito.
Hirit ng ilang mga netizens at Marites, kinabog na raw ng JoshLia ang KathDen (Kathryn Bernardo at Alden Richards) dahil naungusan na nito ang naitalang kita ng kani-kanyang movie ng dalawa.
Ayon pa sa aming reliable source, ito rin ang kauna-unahang pelikulang Pinoy na kumita ngayong taon, considering its nationwide release.
Matatandaang noong nakaraang taon, parehong na-reach nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang P100 M mark sa takilya. Kumita ng P100 milyon ang solo movie ni Kathryn na A Very Good Girl (AVGG), samantalang ang Five Breakups and A Romance (FBAAR) na first team-up nina Alden at Julia Montes ay umabot din sa ganoong marka.
Kaya naman, hindi kataka-taka na tanghaling box office King and Queen ang dalawa last year.
Sa naitalang record ng JoshLia, abangers ang mga netizens kung masu-surpass ito ng KimPau tandem sa first movie nilang My Love Will Make You Disappear (MLWMYD) na ang play date ay sa Oktubre na.
Marami na rin ang curious kung mahihigitan ng sequel na Hello, Love, Again (HLA) ng KathDen ang record na naitala ng kanilang phenomenal hit na Hello, Love, Goodbye (HLG) na pangalawa sa highest-grossing Pinoy film of all time, come November.
So, wait na lang po tayong lahat this coming November, okidoki?
‘Yun lang, and I thank you.
PASABOG at pinag-usapan sa socmed (social media) ang pagbabalik ng Kalokalike Face 4 (KF4) sa It’s Showtime (IS) na nanguna sa trending list kahapon matapos kagiliwan ng mga netizens ang pakulo ng kalokalikes nina Carlos Yulo, Chloe San Jose at Ruru Madrid.
Sa unang episode, itinanghal bilang winner si Andres Soriano na ka-face ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo dahil sa mahusay niyang mala-Carlos Yulo na dance moves.
Pati na ang movements sa gymnastics ni Caloy ay kuhang-kuha ni Andres kaya naiuwi niya ang premyong P10,000.
Na-impress nga niya ang hurados na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz, Bianca Umali at Rufa Mae Quinto. At mainit na tinanggap ng mga netizens ang pagbabalik ng hit segment dahil sa mga hirit ng hosts at sa pagiging kuwela ng contestants ng KF4.
Umani ng lagpas 300,000 concurrent views ang nasabing episode at nag-trend din sa socmed ang mga hosts at contestants.
Panoorin ang IS tuwing 12:00 PM sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, GMA, GTV, Kapamilya Online Live, ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) channel at Facebook (FB) page, at sa iWantTFC, TFC, at GMA Pinoy TV.
Panoorin din ang online show nila na Showtime Online U sa YT channel ng IS.