top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 24, 2025



Photo: Lara Quigaman Alcaraz - IG



Hindi lang ganda ang meron si Miss International 2005 Lara Quigaman, dahil siya ang example ng beauty and brains.


Kamakailan lang ay nagtapos si Lara ng Early Childhood Education with distinction sa Vancouver, British Columbia, Canada.


Sa Instagram (IG) post ay ibinahagi ni Lara ang larawan ng kanyang pamilya kasama ang asawa niyang si Marco Alcaraz at ang kanilang 3 anak na sina Noah, Tobias at Moses. 

Emosyonal na ibinahagi ni Lara ang kanilang mahirap ngunit makabuluhang journey sa paglipat sa Canada.


Ito ang kuwento ni Lara sa kanyang IG post:


“Our family has always prayed that God would lead us to a place where we could be closer to one another and to Him—wherever that may be, no matter how difficult the path. Today, as I attended my convocation ceremony, we also celebrate His goodness and faithfulness. I’m teary-eyed typing this, because today is the beautiful result of every sacrifice and challenge we’ve faced and overcome by His grace.


“Leaving behind our careers and the life we knew in the Philippines was not easy, but we chose to follow a dream that had been in our hearts long before our boys were born. God has not only answered that prayer. He has done far more than we could have imagined, and He continues to work in us and through us.


“We’re so thankful to God for carrying us through every step. All this is because of Him. To Him alone belongs all glory, honor, and praise. Thank You, Jesus!”


Samantala, binati naman ni Lara sa kanyang post ang bunso niyang anak na si Moses na nagtapos din ng kinder, na halos nagkasabay pa sila ng graduation.


Ito ang mensahe ni Lara kay Moses, “Congratulations, my bunso @mosesalcaraz (white emoji) off to Kindergarten in September.”

Congratulations, Lara and Moses.

SA social media post ni Donya Lolit Solis ay nagbahagi s’ya ng paghanga sa aktor at senador na si Bong Revilla, Jr. at may caption na: “Alam ko na sad si Bong Revilla sa naging resulta ng eleksyon. Pero dahil focus pa rin s’ya sa mga ginagawa n’yang mga projects na makakatulong sa lahat na puwedeng tulungan kaya alam n’ya na mahal pa rin s’ya ng tao.

“Hindi kailanman nagbago ang ugali ni Bong. Kung ano s’ya noon, s’ya pa rin ang tao na tutulong sa ‘yo ngayon.

“Isang araw lang ang eleksyon. Kung anuman ang resulta nito, hindi kahulugan na ito na ang desisyon ng lahat.

“Makikita nila kung anuman ang naging pagkakamali habang dumaraan ang araw at ginagawa na ang mga dapat gawin. Doon na nila makikita kung nagkamali o tama ang pinili nila.

“You can never put a good man down. Tiyak na in the end, makikita nila kung alin ang tama o mali. Tuloy-tuloy lang ang buhay kaya sana, talagang magawa ng mga elected officials ang mga dapat gawin. 

“Ipagpatuloy ang pag-unlad ng ating bansa, palakasin pa lalo ang security, at laging handa ang gobyerno sa pagtulong sa tao. 

“We love the Philippines, at proud Filipino kami. Kaya kahit ano pa mangyari, sa Pilipinas pa rin kami.”

Bongga!

Korek ka d’yan, Donya Lolit Solis, mahal pa rin ng mga tao si Sen. Bong Revilla.


BONGGANG-BONGGA ang 1st birthday party ng anak ni Maja Salvador na si Maria.

Nagbahagi si Maja sa kanyang Facebook (FB) page ng larawan ng 1st birthday celebration ng kanyang anak. Hands-on talaga siya sa pag-aasikaso mula sa pagpili ng pagkain at mga giveaways, at sinigurado rin ni Maja na hindi lang si Maria ang mag-e-enjoy sa birthday party niya, kundi lahat ng kids at mga adults.

Sabi ni Maja, “We wanted to make sure na hindi lang si Maria ang mag-enjoy sa birthday party n’ya, but lahat ng kids... and even adults.

“The hot air balloon set-up that Maria dreamed of! Happy birthday, Maria!”



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 23, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Hindi lang basta artista o senador si Sen. Robin Padilla, isa rin siyang mapagmahal na lingkod-bayan. 


Sa isa niyang recent social media post, ibinahagi niya ang kanyang saloobin tungkol sa kasalukuyang sitwasyon sa mundo at ang mungkahi niya para sa kahandaan ng Pilipinas.


Aniya, “Trabaho ko ang magbigay ng tamang impormasyon sa taong bayan dahil ako po ang Chairman ng Public Information sa Senado. Hindi ko ito pastime.


“Ang lahat ng bansa ngayon ay nakabantay at naghahanda sa magiging epekto sa ekonomiya at seguridad ng gera ng Israel at Iran.


“Pero ang Pinoy, pulitika pa rin ang almusal, tanghalian, merienda at hapunan.

“Mungkahi lang po, sa paparating na pagsubok na ating haharapin, kailangan natin ng mga bihasa sa implementasyon ng order. Mainam kumuha ng mga dating militar para sa Gabinete.”


Malaking bagay ang mensahe ni Senator Robin, lalo na sa ating mga kababayan sa ibang bansa. Tunay na mahal niya ang bayan.

We salute you, Sen. Robin Padilla!



Nagbalik-tanaw si Marian Rivera sa isang napakaespesyal na alaala 18 years ago nang siya’y mapili bilang bida sa iconic na teleseryeng Marimar


Sa kanyang social media post, nagbahagi ang Kapuso Primetime Queen ng video na nagpapakita ng aktuwal na pag-abot sa kanya ng sulat na nagpapatunay na siya ang napiling gumanap bilang Marimar.


May caption ang video na, “18 years ago, a dream came true when I was chosen to play the role of Marimar (sparkle emoji). So much has changed since then, and I have experienced countless blessings. Through every trial and experience in my journey, I’ve been strengthened by faith. I am forever grateful for everything, surrendering all to Him (praying hands emoji and sparkles).


“Psalm 32:8 (NIV): ‘I will instruct you and teach you in the way you should go; I will counsel you with my loving eye on you.’


“Maraming salamat sa inyong pagmamahal at pagdarasal para sa akin at higit sa aking pamilya. Mahal ko kayo! (red heart emoji).”


At totoo nga naman, para kay Marian talaga ang Marimar. May kasabihan tayong kung para sa ‘yo ang isang bagay (o tao), gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magtagpo kayo. At nangyari nga iyon sa kanya at kay Sergio, na ginampanan ni Dingdong Dantes, na kalaunan ay naging tunay na kapareha rin niya sa totoong buhay.


Ngayon, may dalawa na silang anak na sina Zia at Sixto, parehong napakagaganda at guwapo. O, ‘di ba? Happy family talaga! 


Kaya kanta na lang tayo ng “Siempre, siempre manda el amor. Marimar, Marimar! Cuando manda el corazón Marimar... aw! 

Pak, ganern!


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 14, 2025



Photo: Ruffa Gutierrez sa Fast Talk with Boy Abunda - YT


“I have a very, very special guest today. She’s very close to my heart. She’s one of the most beautiful people I’ve known in the world. She is lovely, she is smart, and she’s a queen,” ito ang napakagandang introduction ni Boy Abunda kay Ruffa Gutierrez sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) nu’ng Thursday, June 12, 2025.


Bago mag-umpisa ang interview ay may panawagan muna si Ruffa.


Aniya, “GMA nga pala, nananawagan po si Yilmaz Bektas and his family, ‘yung wedding CD po namin. Sinabi ko na kay Miss Annette Gozon, I need a copy please, so please give me a copy. They want to watch it. Wala silang kopya.”


At mabilis namang sinagot ni Boy, “Okay, we’ll find ways.”


Natanong din ni Boy kung may isang tao na aasahan mong dumating sa isang pagtitipon na merong 80 people na guy, potential boyfriend, sino ‘yun at bakit?

Ito ang sagot ni Ruffa, “Gusto ko si Yilmaz kasi ang tagal na naming hindi nagkita. On the phone, naging magkaibigan na kami, nagtetelebabad na kami.


“And I think, kapag in person, aabot kami ng 8 hours siguro kapag nagkuwento kami. Kasi 1 hour pa lang, nag-uusap kami how we met and we’re already playfully arguing about how we met na, ‘Uy, ikaw ang naghabol sa ‘kin!’ Sabi niya, ‘No, ikaw ang naghabol sa ‘kin!’”


At sinundan ulit ng tanong ni Kuya Boy na kung sino ba talaga ang naghabol?


Sey niya, “S’ya ang naghabol sa ‘kin, natural!”

Naitanong din ni Kuya Boy kung ano ang estado nila ni Herbert Bautista, kung nag-live-in ba sila?


Sagot niya, “Nooo, I’ve never lived with a person! Hindi ako naniniwala sa live-in, kaya ‘yung mga relasyon ko, nagtatagal kasi may space, excited kayo to see each other.


“Kung every day, gumigising ka s’ya ang katabi mo, parang, ‘Oh, my gosh!’ I don’t know, ha? Sorry, my longest relationship kasi was 7 years. Hindi pa ako lumalampas ng 7 years.


“But with Herbert, we’re going through a bump right now and we’re not speaking.

“So let’s see if that bump will last or we’ll speak again... I don’t know.”

Bukas ang BULGAR sa pahayag ng aktor-politician na si Herbert Bautista.



SA social media post ni Toni Gonzaga ay nagbahagi siya ng larawan nila ng kanyang asawang si Direk Paul Soriano at may caption na: “First time maging principal sponsor sa wedding. What an honor maging ninang and ninong sa wedding ni Zeinab and Ray.


“Her story is a testament na kahit gaano ka ka-broken, God can heal you, restore you, and give you the best you truly deserve! Congratulations to the newlyweds!” 

At hindi naman nalimutang magpasalamat kina Ninang Toni at Ninong Paul ni Zeinab Harake.


Mensahe niya, “Super blessed namin to have you guys. Thank you so much Ninang Toni and Ninong Paul, forever namin kayo ilu-look up.”


Samantala, nagdiwang ng 10th year wedding anniversary sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano nu’ng June 12.


Sa social media post ni Alex Gonzaga ay binati niya sina Ate Toni at Kuya Paul niya ng “HAPPY 10th anniversary Ate and Kuya Paul!!! Marriage is really choosing each other everyday.


“We love you both! Praise God for your love and the family you built. Putukan na ulit d’yan, Sis (crying emoji).”


Cheers and happy anniversary, Toni and Direk Paul!



NAG-POST sa social media si Senator Bong Revilla ng kanyang pasasalamat sa lahat ng Pilipino.

“Ang huling araw ng sesyon ng Senado at pagtatapos ng ika-19 na Kongreso ay hindi wakas, kung hindi panibagong yugto, na saanman dalhin ng agos ng buhay, may posisyon man o wala, lagi tayong titindig para sa taumbayan at sa ating bansa.


“Ang puso ni Bong Revilla ay mananatiling laging para sa sambayanang Pilipino. Utang ko ang lahat ng narating at nakamit sa inyo. Kayo ang kaluluwa ng bawat titik at letra ng mga batas na iniukit sa kasaysayan sa ngalan ng inyong kapakanan.


“Sa inyo pong lahat, maraming-maraming salamat!


“At lagi po ninyong tatandaan, nandito lang si Bong Revilla—hindi magbabago, hindi kayo iiwan, at patuloy na magmamahal sa ating bayan,” pagtatapos ni Sen. Bong.

We love you, Sen. Bong Revilla.





 
 
RECOMMENDED
bottom of page