top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 26, 2025



Photo: Randy Santiago - IG


Sa Instagram (IG) post ng aktor at singer na si Randy Santiago ay nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang medical team. Makikita rin sa larawan ang aktuwal niyang operasyon sa mata.


Kuwento ng magaling na singer, ipinatanggal niya ang cataract niya. Sa tulong ng Panginoong Hesus at ng mga doktor ay napagtagumpayan niya ang kanyang eye surgery.


Sabi ni Randy sa post niya, “One sign of aging is clouding of the eyes or cataract which may happen in your 50s or senior years.


“In my case, it was time to have this procedure. Grateful and thankful to Dr. Rollo Milante and his USTH Eye Center Team for the very smooth, fast, painless and state-of-the-art cataract surgery.


“I am just so amazed with the result. Kudos to my Silverde brother, Dr. Elvis Llarena for the referral and personalized support.


“Truly seamless assistance from the USTH staff as well. Maraming Salamat po. Hanggang sa susunod na mata.”


Dagdag pa ni Randy, “Performed at the USTH Eye Center. Dr. Rollo Milante's other eye centers: Legazpi Eye Center, Legazpi City, Bicol, Legazpi Eye Center, Naga City.”


Naalala ni yours truly na every time na magkikita kami ni Randy sa preskon ay sinasabi niya na ako raw ang nanay niya kasi pareho kaming naka-sunglasses, na kahit na sa madilim ay naka-shades pa rin kami. 


Palabiro, malambing, at walang kayabang-yabang sa katawan si Randy Santiago kahit na naging sikat na OPM icon pa siya. Kaya naman sure si yours truly na gagaling agad si

Randy dahil nothing is impossible with God. 


Get well soon, my son, Randy (smiling emoji).


Kanta na nga lang tayo ng: “I wear my sunglasses at night, so I can, so I can watch you weave then breathe your story lines…


“And I wear my sunglasses at night, so I can, so I can keep track of the visions in my eyes…” 

Pak ganern!



SA social media post ng aktres na si Ria Atayde ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang mister na si Zanjoe Marudo, at nagpahayag ng pagbati sa kaarawan nito. 

Aniya, “Happy birthday, bestie. What a year last year was for you and I can’t wait to see the beauty and adventures this next one brings.


“Grateful for your heart, your strength, your hustle, and the life we’re building together one day and one laugh at a time. Yudabez (you’re the best), bes (bestie).”


Maraming netizens ang pinusuan ang birthday greetings ni Ria sa kanyang loving husband na si Zanjoe. 


Nagpahayag din ng pagbati ang aktres na sina Coney Reyes at Anne Curtis para kay Zanjoe.


Samantala, nalalapit na ang showing ng How To Get Away From My Toxic Family (HTGAFMTF) on July 30, showing exclusively in SM Cinemas nationwide.


Pinagbibidahan ito ng magaling na aktor na si Zanjoe Marudo kasama sina Susan Africa, Richard Quan, Sherry Lara, Lesley Lina, Keena Pineda, Juharra Asayo, and Kim Rodriguez, with the special participation of Nonie Buencamino. 


OgieD Productions and KreativDen Entertainment proudly present a film directed by Lawrence Fajardo.


Marami ang makaka-relate sa movie na HTGAFMTF. At sure rin si yours truly na mag-e-enjoy ka sa ganda ng movie na ito at may matututunan din sa nasabing pelikula.


‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 25, 2025



Photo: Klea Pineda - IG


Halata sa mukha at sa pananalita ang lungkot ng Kapuso actress at model na si Klea Pineda nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) dahil naghiwalay na sila ni Katrice Kierulf.


Sa question and answer portion ng Fast Talk ay kinumusta ni Kuya Boy si Klea.

Sagot nito, “Okey naman, sobrang happy, ang daming changes, ang daming adjustment after ko nag-out, happy naman ako.”


Dagdag pa ni Kuya Boy sa tanong niya, “Two years ago when you decided to come out, gaano ka katakot?”


Sey ni Klea, “Grabe takot ko noon, Tito Boy, kasi ang naalala ko bago ‘ko mag-out, bago ‘ko mag-decide mag-out, I think one year in the making ‘yun. “Pinag-iisipan ko s’ya nang mabuti and s’yempre, meetings with my management and of course, GMA Network Sparkle.”


Asked pa ni Kuya Boy, “Pero ‘yung agam-agam, ‘yung takot mo, ano’ng pinanggagalingan nu’n? Takot sa karera, takot sa personal na buhay? Saan nanggagaling two years ago?”


Sey naman ni Klea, “Two years ago. ‘Yung takot ko noon, more sa karera, career s’yempre.”

Dagdag pa ulit ni Kuya Boy, “Magkaroon pa kaya ako ng trabaho?”


Sey ni Klea, “Yes. Kasi sabi ko, two years ago after kong mag-out, hindi ko alam kung ano’ng meron nu’n sa kanilang side na ‘yun. Feeling ko, para s’yang black hole for me. Wala akong idea at all kung ano'ng mangyayari sa akin after kong sabihin sa public kung ano talaga ako. So I think doon nanggagaling ‘yung takot ko, ‘yun ‘yung reason.”


Tanong pa ni Kuya Boy, “Ano ‘yung natanggap mo na negative reactions sa iyong coming out? At ano ‘yung pinakamagandang reaction? And also, let’s talk about the not so good reactions?”


Sey ni Klea, “Mag-umpisa muna tayo sa not so good. I think doon sa mga taong nagsasabi ng, ‘Sayang ka, ang ganda mo pa naman, sayang. Walang mangyayari sa career mo kung ganyan ang ginawa mo.’ Mga ganyang reaction. Pero Tito Boy, hindi ako natatablan nu’n, parang wala na akong pakialam sa mga sasabihin ng mga tao.”


Kuwento pa ni Kuya Boy, “Kasi hindi lang ikaw, lahat tayo, natin pinagdaanan ‘yan, ‘Sayang, ang bright ng batang 'yan, naging bakla.’ ‘Ay, sayang naman, ang ganda-ganda n’ya, puwede sana s’ya’ ‘di ba?’ No, I’m talking about this because kailangan, magpatuloy ‘yung conversation na walang dapat panghinayangan. Kaya doon nanggagaling ‘yung sakit. ‘Wag po kayong manghinayang sa akin.”


Sey naman ni Klea, “Ako nga ito, tinanggap ko ‘yung sarili ko, tapos kayo, sasabihin n’yo, sayang ako? Parang ganu’n ‘yung feelings ko.”


Dagdag pa ni Kuya Boy sa tanong ay “‘Yun ang worst. Ano naman ang maganda?”

Sey naman ni Klea, “May mga taong nag-message sila sa akin, mga bata, Tito Boy, siguro mga teen-ager or early 20s na sinasabi nila na after nilang mapanood ang interview ko, nagkaroon sila ng parang kakampi, nagkaroon sila ng parang ma-look up to. Dahil ang tagal na nilang itinatago sa sarili nila or nagkaroon sila ng lakas ng loob na umamin sa parents nila, nagkaroon sila ng pagtanggap sa sarili nila na, ‘Ay, hindi lang pala ako ang nag-iisa.’ 


“So, nag-thank you sa akin ‘yung mga tao after ilabas ko ‘yun sa public. And sobrang na-touch ako na ang dami kong nahawakan na ganu’n na tao. Na-touch ko ‘yung mga heart nila and na-appreciate nila ‘yung ginawa ko na ganu’n pala ang dating sa mga tao. Hindi lang s’ya for me, for queer women, queer people na grabe ‘yung naramdaman nila after nilang mapanood ang interview ko.”


Naitanong din ng magaling na host ang tungkol sa relasyon nila ni Katrice. Sabi pa ni Kuya Boy ay “Diretsahang tanong. Naghiwalay na ba kayo ni Katrice?”

Sey ni Klea, “Yes po.”


Tanong ni Kuya Boy, “Ano ang nangyari?”


Kuwento ni Klea, “May kani-kanya kaming priorities. Mutual decision ‘yung nangyari, mutual ‘yung breakup namin. And umabot na kami sa point na gusto n’yang unahin ‘yung sarili n’ya. Gusto ko rin namang unahin ‘yung sarili ko this time, piliin ‘yung sarili ko this time.

“And na-realize namin na hindi na kami nakakatulong sa isa’t isa. Parang pinu-pull down na lang namin ‘yung isa’t isa. Parang umabot kami sa ganu’ng point.”


Tanong pa ni Kuya Boy, “Inilaban ninyo ba ‘to?”


Sagot ni Klea, “Tito Boy, sa buong 3 years namin, wala akong regrets at all sa relationship namin ni Kat. Ang dami n’yang naitulong sa akin, ang dami kong natutunan sa kanya about love, about life and I’m sure, ganu’n din naman ‘yung nagawa ko for her. 


“Ang sakit lang kasi okey kami, okey ‘yung dynamics namin, kabisado ko s’ya, kabisado n’ya ako, sobrang ganda ng relationship namin ni Kat. Pero may mga aspect lang talaga sa buhay namin na kailangan naming piliin ‘yung sarili namin, unahin ‘yung sarili namin.”

Tanong pa ulit ni Kuya Boy, “Nag-uusap kayo?”


Sey ni Klea, “Trying. Trying na idistansiya ‘yung sarili ko sa kanya kasi ibinibigay ko rin sa kanya ‘yung respect na ‘yung healing process n’ya, at may healing process din ako.”

Dagdag na tanong ni Kuya Boy, “How long ago was this?”

Sey ni Klea, “One month ago… super fresh.”


Maraming netizens ang nagbahagi ng kanilang saloobin sa hiwalayan nina Klea at Katrice.


Sey ng mga netizens… “May chance na si Michelle Dee kay Klea Pineda, bagay kayo.”

“Kahit hindi n’ya sabihin pero parang halata sa mga sinasabi na gusto lang n’ya maging masaya. Ex n’ya, parang may cheating talaga.”


“Dapat ganyan, kahit maghiwalay, hindi sinisiraan ‘yung partner n’ya noon. S’yempre, kahit papaano, may pinagsamahan pa rin sila kaya respect na lang talaga. Good mindset talaga,

Ate Klea.”


Si yours truly, ito lang ang masasabi “Do not waste your time to fix a relationship that was never meant to be yours. Instead of that, move on, restart your life and explore finding the real meaning of your life.”

Pak ganern!



PAGKALIPAS ng mahigit dalawang dekada sa industriya ng musika, tuluyan nang pinasok ng OPM hitmaker na si Ice Seguerra ang kanyang songwriter era sa bagong labas na single pack na naglalaman ng dalawang sariling komposisyon na parehong malapit sa puso niya.


“I’ve spent most of my career giving life to other people’s words. This time, I get to give life to mine,” saad ni Ice, na nagpasikat ng mga kantang Pagdating ng Panahon, Para Lang Sa ‘Yo at nagsilbing interpreter ng 2013 Himig Handog Best Song na Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa.


Alay ni Ice sa kanyang namayapang ama na si Daddy Dick ang bagong awiting Nandiyan Ka na naglalarawan ng pagmamahal na hindi napansin hanggang huli na ang lahat.


“It’s about someone who loved you consistently, but you didn’t see it,” sabi ni Ice, na isinulat ang kanta kasama naman si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo.


Samantala, tungkol naman ang ‘Wag Na Lang Pala sa pag-ibig na hindi nakahanap

ng tamang tiyempo. 


Katulong ni Ice sa pagsulat ng kanta ang kanyang asawa na si Liza Diño-Seguerra.

Magiging bahagi ang mga bagong kanta ng Being Ice, ang unang solo album ng singer-songwriter pagkatapos ng 10 taon na nagtataglay ng mga kanta na siya mismo ang sumulat.


Nakatakdang ilunsad ang Being Ice sa ilalim ng Fire and Ice Music katulong ang Star Music sa distribution sa Agosto 8.


Napapakinggan na ang ‘Wag Na Lang Pala at Nandiyan Ka sa iba’t ibang music streaming platforms.


‘Yun lang and I thank you…

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 24, 2025



Photo: Bianca Umali at Ruru - IG


Masyadong ginalingan ng aktres na si Bianca Umali ang kanyang Instagram (IG) post na ibinahagi niya kamakailan lang. Makikita sa larawan ang bonggang-bonggang paghahalikan nila ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid na may caption na: “Pitong taon na... pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag kung paano mo nagawang baguhin ang mundo ko ng ganito.


“Sa bawat umaga, ikaw ang aking liwanag. Sa bawat gabi, ikaw ang panalangin sa aking puso.


“Hindi ko alam kung anong hiwaga ang meron ka, pero sa ‘yo ko natagpuan ang kapayapaan sa gitna ng gulo, at ang saya sa gitna ng lungkot.


“Ang dami na nating pinagdaanan—mga gabing puro iyak, mga araw na puro tawa, at lahat ng kuwento sa pagitan… Pitong taon ng paghawak sa isa’t isa, ng pagtawid sa unos at pagdiriwang sa ginhawa.


“Ngayon, bukas, at sa lahat ng panahon. Kahit ilang taon pa... ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Mahal, salamat sa pitong taong puno ng pag-ibig na higit pa sa kayang isalaysay ng kahit anong tula.


“Pitong taon pa lang ‘to, pero parang habambuhay na kitang mahal.


“Sa ‘yo lang ang tingin, Jose Ezekiel (tunay na pangalan ni Ruru).”


Grabe, kilig much ang mga netizens. Meron din namang mga nainggit sa post niya, lalo na nang mag-comment si Ruru sa post ni Bianca.


Sey ni Ruru, “Mahal na mahal kita... Simula noon hanggang sa susunod na walang hanggan.”


Happy 7th anniversary, Bianca Umali and Ruru Madrid!



SA social media post ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga ay nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang lolo at tiyahin niya na nagdiwang ng kaarawan.


Saad nga ni Alex sa post niya ay “WALA KAYO SA LOLO KO! Mahaba buhay ng mga Cruz na taga-Bautista Street sa Taytay! Happy 95th birthday Tatay and 100th birthday, Tiya Enchang! Totoo pala na mahaba tenga, mahaba buhay (clapping hands emoji).”

Pak na pak ang edad ng lolo't tiyahin niya, ha?


Ayon sa batas ng Republika Blg. 11982, may mga benepisyong ibibigay sa mga Filipino Octogenarian at Nonagenarians, amending for this purpose Republic Act No. 10868, na kilala bilang ‘CENTENARIANS ACT OF 2016’ Seksyon 1: Mga Regalo sa Pera at Liham ng Pagdiriwang. Ang mga Pilipino, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay tatanggap ng P100,000 at isang liham ng pagbati mula sa Pangulo sa pagtungtong ng 100 taong gulang.


Kaya naman ang Tiya Enchang ni Alex ay makakatanggap ng tumataginting na P100,000 at isang liham ng pagbati mula sa Pangulo, dahil narating na niya ang edad na 100.


Samantala, ang lolo naman niya na nagdiwang ng ika-95th birthday ay tatanggap ng P10,000.


Paalala lang po, mga mahal na lola at lolo, ayon sa batas, dapat kunin ng mga tatanggap ang cash na regalo sa loob ng isang taon pagkatapos maabot ang mga edad na 80, 85, 90, 95, at 100.



LIMANG ABS-CBN stars ang tumanggap ng parangal sa ginanap na 8th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).


Itinanghal na Box Office Heroes sina Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa Hello, Love, Again (HLA), ang highest-grossing Filipino film of all time.


Tinanggap din ng nag-iisang Unkabogable Superstar Vice Ganda ang parehong parangal para sa And The Breadwinner Is… (ATBI).


Wagi rin ng Box Office Hero na parangal sina Joshua Garcia at Julia Barretto para sa comeback movie ng JoshLia na Un/Happy for You (UFY).


Mapapanood ang 8th EDDYS sa iWant, Kapamilya Channel, at Jeepney TV simula Hulyo 27, Linggo.


Ang The EDDYS ng SPEED ay kumikilala sa mga huwaran sa industriya ng pelikulang Pilipino.


‘Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page