top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 29, 2025



Photo: DJ Chacha - IG



Sa social media post ng radio host na si DJ Chacha kamakailan lang ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa pagkakaiba ng kalagayan ng ordinaryong Pilipino at ng mga pinalad na pulitiko.


Aniya, "BATO-BATO SA LANGIT, TAMAAN MATAKAW


"Minsan, iniisip ko, sana itong matatakaw na pulitiko... maranasan rin ‘yung nararanasan ng mga ordinaryong Pilipino.


"Pasukin din sana ng baha ang mga bahay nila. Imposibleng mangyari dahil sa mga mamahaling subdivision nakatira. 


"Ma-stuck din sana ng anim na oras sa gitna ng traffic habang nagugutom. 

"Imposibleng mangyari dahil puwede silang hindi pumasok sa trabaho dahil hindi sila tulad ng karamihan sa atin na ‘no work, no pay.’


"‘Yung hindi ka makatulog nang maayos dahil kabado ka kung aabutin ng baha ang bahay mo o puno na ‘yung timba na sumasalo sa tulo sa bubong. 

"Imposibleng mangyari dahil magagara ang tahanan nila, de-aircon ang mga malalaking kwarto kaya siguradong sleep well sa malambot nilang kama. 


"Magsundo sa anak sa eskuwela sa gitna ng class suspension tapos mahirapang makauwi dahil walang masakyan. Imposibleng mangyari dahil may sariling driver ang mga anak na naka-enroll sa mamahaling eskuwelahan.


"Lahat ito random thoughts lang. Lahat imposibleng mangyari. Pero du’n pa rin ako sa kahit gaano kahirap ‘yung buhay, may Diyos naman na hindi natutulog. 


"Mas masarap pa rin na ‘yung pinapakain mo sa pamilya mo at mahal mo sa buhay, pinaghirapan... hindi ninakaw sa pera ng bayan. 


"Patuloy pa ring lalaban nang patas. Mangangarap na sana isang araw, ipanalo naman ni Lord ‘yung mga totoong mabubuti. ‘Yung mga taong araw-araw lumalaban nang patas sa buhay.”


Maraming netizens ang napahanga ni DJ Chacha sa kanyang random thoughts.

Nagpapasalamat pa rin si yours truly dahil may mga pulitiko na hindi matakaw at hindi pansarili lang ang gusto tulad na lang ng mga sumugod sa matinding bagyo na sina Sen. Bong Revilla, Sen. Robin Padilla, Sen. Jinggoy Estrada, Congressman Arjo Atayde, Congresswoman Lani Mercado, Congressman Jolo Revilla, Mayor Vico Sotto, at Governor Vilma Santos.


Kaya raw todo-payo sa anak… DINGDONG, AYAW MATULAD SI JAYDA SA KANILA NI JESSA


Nagpakatotoo si Dingdong Avanzado tungkol sa insecurities niya bilang ama at mga pangamba niya sa pagpasok ng anak na si Jayda sa showbiz sa latest episode ng Jeepney TV hostless talk show na Stars on Stars.


Sa nakakaantig na episode, inamin ni Dingdong na minsan ay naiisip niya kung pinahahalagahan ba ni Jayda ang mga sakripisyo na ginawa niya para sa anak.


Nabanggit niya rin na kahit kritikal pakinggan ang mga payo niya para kay Jayda ay nanggagaling ito sa lugar na puno ng pagmamahal.


“Minsan, hindi ko alam kung na-appreciate mo what I do for you… I don’t say those things to put you down—I say them because I want you to be better,” emosyonal na pahayag ni Dingdong.


Ibinahagi rin niya ang pagnanais nila ng asawang si Jessa Zaragoza na protektahan si Jayda mula sa magulong mundo ng showbiz.


“Ang industriyang ito ay industriya ng walang katapusang pagpapatunay ng sarili mo. You always have to outdo your last performance. We wanted to spare you from that,” saad niya.


Subalit tinanggap din nila ang kagustuhan ng anak na ipamalas ang talento sa musika at pag-arte. Sabi ni Dingdong, “‘Yan ang ibinigay sa ‘yo ng Panginoon. And who are we to stop you from using your gifts?”


Naging emosyonal din si Jayda sa usapan nila at sinabing isinasapuso at isip niya ang bawat payo ng kanyang mga magulang.


“I do appreciate it—lalo na ‘yung wisdom ninyo. I know it comes from a deep place, from the struggles you and mom went through. Ayaw n’yong maulit ko ‘yung mga pagkakamali n’yo,” sagot niya.


Tinanong din ni Jayda si Dingdong kung paano ito nagko-cope kapag nakikita niyang heartbroken siya. 


Sabi ng singer-actress, “Was there ever a point during my heartbreak where your heart broke too?”


“Every time your heart breaks, my heart breaks,” sagot ni Dingdong. “Hindi mo man sinasabi lahat, pero alam ko—because I know how you love.”


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 28, 2025



Photo: Herlene Budol - IG


Humagulgol ang aktres na si Herlene Budol dahil namayapa ang kanyang pinakamamahal na alagang aso na si Toti. Mapapanood ito sa Instagram (IG) post niya.


Ang simpleng caption ni Herlene sa post niya ay “Toti,” kalakip ang paws emoji.

Kuwento ni Herlene, “Si Toti ‘yung unang aso ko sa buong buhay ko na naituring kong akin, kase dati nakiki-aso lang ako. 

“Si Toti, hinulugan ko pa para mabayaran ko, college ako nu’n, wala pa ‘ko sa TV.


Naabutan n’ya rin ‘yung lola ko. Ngayon, sana magkasama na sila. Sobrang sakit pala mawalan ng unang aso, unang best friend, una kong naging fans.  

“Paalam, Toti. Mahal kita at mahal ka ng sampung mga kapatid mo.”


Dagdag pa niya, “Mahal na mahal kita, Toti. Hindi ko alam kung paano ang araw ko nang wala ka. Salamat sa saya at pagmamahal na ibinigay mo sa akin. Run free, my baby.” 


Maraming netizens ang nakiramay sa pagdadalamhati ni Herlene. Nakiramay din si Wilbert Tolentino, dating manager niya.


Saad ni Wilbert, “Rest in peace, Toti. Thank you for being a best friend to Herlene & bringing her and the rest of us happiness, loyalty, companionship & unconditional love for 5 or 6 years even if you have a health condition. 


“It was heartbreaking to say farewell knowing that you are no longer in pain & suffering. Run free, Toti (paw prints, dog, pleading face, praying hands emoji).”


Hindi rin nakalimot makiramay ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

Saad ni Jak, “My condolences, Herlene. Run free, Toti.”


The most difficult thing about having a dog is goodbye. God bless you, Toti, run free.



Napaka-sweet and loving daughter ng singer at composer na si Marion Aunor.

Kamakailan lang ay nagbahagi si Marion ng larawan ng kanyang mother dearest na si Maribel Aunor na nagdiwang ng kaarawan noong July 25, 2025. 


Aniya, “Happy birthday, Momo! (cake, party face, hugging face & balloon emojis).

“Incredibly proud and grateful to have you as our mom (white heart emoji). Thank you for your guidance, support, and love (smiling face with hearts emoji).


“Praying that you get everything your heart desires on your special day and this year to come. More blessings and adventures ahead (raising hands emoji).

“We’ll always just be here for you (smiling face with hearts emoji). Love you, Momo! — Marion Aunor.”


Napakasuwerte ni Maribel Aunor at nabiyayaan siya ng mga anak tulad nina Marion at Ashley na nagmamahal sa kanya. 

Happy birthday, Maribel!



WALA talagang makakapigil sa mag-inang multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez at sa number one congressman ng District One ng Quezon City na si Cong. Arjo Atayde sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo kamakailan lang.


Sumugod sa malakas na ulan at baha ang mag-ina para mamahagi ng biglaang pangangailangan ng mga tao.


Sa pamumuno ni Cong. Arjo, kasama ang kanyang ina na si Sylvia, naisakatuparan ang relief operation para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha dulot ng habagat sa Brgy. Paraiso.


Naghatid si Cong. Arjo ng gamit sa pagtulog gaya ng unan, kumot, at banig, kasabay ng mainit na lugaw, sopas, tinapay, at biskuwit, mga simpleng bagay na nagsilbing kaagapay sa ginaw at gutom ng mga nasalanta.


Ang pagtugon sa pangangailangan ng distrito ay hindi natatapos sa isang operasyon lamang. Patuloy ang malasakit at serbisyo ni Cong. Arjo para sa bawat ka-distrito.

Totoo talaga ang ‘Aksyon agad, serbisyong may puso — District One Cares’ ni Congressman Arjo Atayde.


Kuwento pa ng kaibigan ni yours truly, na kahit daw binaha sila ay napapangiti pa rin sila dahil nakita nila ang idol nilang si Sylvia Sanchez. 


Dagdag pa sa kuwento na masarap daw ang lugaw, sopas at tinapay na ibinahagi ng mag-ina. Ramdam daw nila ang malasakit ni Cong. Arjo Atayde at ng mother dearest nito. At nagpahatid din sila ng pasasalamat sa ginawa ng mag-ina.

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 27, 2025



Photo: Robin Padilla - FB


Sa Facebook (FB) page post ng senador at aktor na si Robin Padilla ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa krisis ng pagbabago ng klima.


Saad ni Sen. Robin, “National and local elected leaders must convene as soon as possible to address the climate change crisis that the country is and will be confronting over the next 100 years.


“Urban and rural planning must be revisited and enacted, regardless of whatever, wherever, or whoever will be affected, directly or indirectly.


“The ultimate sacrifice of land, property, wealth, and comfort is now on the table.”

Salamat sa malasakit, Sen. Robin. 


Well, sana nga ay magtulung-tulong ang mga nahalal na pinuno ng bansa at hindi pansariling interes lang ang unahin.


Pak, ganern!


‘Yun lang and I thank you.



Hindi man nanalo ang aktor at TV host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano bilang Batangas vice-governor ay nagpatuloy pa rin ito sa pagmamalasakit sa mga Batangueño lalo na noong panahon ng bagyo.


Sabi nga ni Luis, “Patuloy ang ating pagbisita sa ating mga kababayang Batangueño na kasalukuyang namamalagi sa mga evacuation centers sa bayan ng Talisay at lungsod ng Santo Tomas.


“Nakakataba ng puso na sa kabila ng unos ay sinalubong n’yo pa rin kami ng ngiti at pagmamahal (smiling hearts emojis).


“Dasal namin ang inyong kaligtasan at pagbuti ng panahon sa mga susunod na araw. We love you and God bless po sa inyo (praying hands & red heart emoji).”


Marami ang napasaya at nagpasalamat kay Luis sa pagbibigay niya ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo.


Sey ng mga netizens, “Wow, Idol Luis! Hometown ko, Poblacion San Luis, Batangas. Thank you sa pagbisita at pagtulong mo sa mga kababayan ko sa San Luis. I’m now living in Rome. Thank you for the love, Luis Manzano and Gov. Vilma Santos.”


“Salamat sa mga panahong kailangan na kailangan ng tulong ninyo, hindi po kayo nagsasawang tumulong, umulan man o umaraw.”


“Sir Luis, maraming salamat po sa pagbisita sa mga naapektuhan ng bagyo. Ingat po kayo.”

Bongga ka d’yan, Luis! Kahit hindi ka nanalo bilang vice-governor ay patuloy pa rin ang paggawa mo ng kabutihan sa mga Batangueño.

Good job, Lucky! Boom na boom ka d’yan!



SA Instagram (IG) post ng aktres at singer na si Zsa Zsa Padilla ay nagbahagi siya ng larawan ng puntod ni Comedy King Dolphy (RIP) na nagdiwang ng kanyang ika-97 kaarawan sa Kingdom of Heaven noong July 25, 2025.


Mensahe ni Zsa Zsa, “Happy birthday in paradise, Lovey! We miss your laughter, your kindness, and the joy you brought into our lives.


“Your legacy lives on forever in our hearts #Dolphy, #97.”


Nakakatuwang isipin na kahit 13 taon nang namayapa si Mang Dolphy ay hindi pa rin nakakalimutang batiin at dalhan ng bulaklak ni Zsa Zsa ang dati niyang karelasyon.


Maraming netizens ang pinusuan ang post ni Zsa Zsa at may mga nagkomento pa, isa na rito ang anak ni Mang Dolphy na si Eric Quizon.


Saad ni Eric sa comment section, “As usual! Rain or shine, you are there with the flowers and the cleaning! We love you, Zsa! Thank you!”


Samantala, sa social media post din ni Eric Quizon ay nagbigay siya ng birthday tribute para sa kanyang ama. 


Aniya, “Happy Birthday, Dad! (Dolphy) Thank you for being my dad. Cheers in heaven! My Dad. Love you always.”


Rest in peace, Mang Dolphy, and happy birthday in heaven.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page