top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 9, 2025



Edu Manzano - IG

Photo: Edu Manzano - IG


What?! Ang aktor na si Edu Manzano, ilang araw na lang ay 70 years old na? 

Hindi makapaniwala si yours truly na sa tikas at ganda ng mukha ng father dearest ni Luis Manzano ay magse-70 years old na pala, ‘noh?


Nagbahagi ang matikas na aktor ng larawan niya na may hawak na mahiwagang payong at may caption that goes: “Turning 70 in a few days pero fit, still on fire, may dumbbell, may rower, at s’yempre, savage tito n’yo… At may payong pang-cover ng corruption, este ulan.”


In fairness, Edu, hindi ka mukhang 70, mukha ka lang 37. Wa’ etch! (smiling emoji).

Anyway, happy birthday, Edu!


Pero kahit na 70 years old na ang mahusay na aktor this coming September 14 ay hindi pa rin niya nakakalimutan na magpaalala na maging mapanuri sa nangyayari sa kapaligiran, lalo na sa ating bansang sinilangan.


Sa social media post ni Edu ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin para sa mga ka-taxpayers niya.


Aniya, “Mga ka-taxpayer, tandaan n’yo ‘to, wala talagang ‘pera ng gobyerno’. Pera nating lahat ‘yan! Kaya bawat proyekto, bawat serbisyo, invested tayo d’yan. Sulitin natin, bantayan natin. Obligasyon nila, pero responsibilidad din nating magtanong at mag-demand ng tama. At oo, kahit bumili ka lang ng suka, asin, toyo, o nagbayad ng tubig, taxpayer ka na rin.


“Akala ng iba, ‘pag wala silang trabaho, wala silang ambag. Pero lahat ng namomroblema sa araw-araw, lahat ng bumibili ng makakain, kasama ka sa mga taxpayer. Hindi lang ‘to tungkol sa mayayaman o empleyado… lahat tayo ay magkakasama sa laban na ‘to.”

Very well said, Edu! Iba talaga ang talino ng father dearest ng TV host of Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano.



KUNG si Edu Manzano ay may paalala para sa mga taxpayers, si Senator Robin Padilla naman ay may kahilingan para sa mga lolo at lola.


Sa Facebook (FB) page post ng multi-awarded actor na si Sen. Robin ay nag-share siya ng video clip na makikita ang kanyang ina na si Eva Cariño habang inaalagaan ng mga anak. 


Caption nito: “Ang aking ina ay 90 taong gulang at may dementia. Kaya ramdam ko po ang bigat at hirap na pinagdadaanan ng ating mga nakatatanda at ng kanilang pamilya, kaya naman po taimtim kong hangad na mabigyan sila ng maayos na kalinga at tunay na malasakit upang masiguro na ang ating mga lolo’t lola ay mamumuhay nang may dignidad at pagmamahal hanggang sa kanilang huling mga taon.”


Harinawa, Sen. Robin ay mangyari ang kahilingan mo para malagay sa maayos na lugar at may mag-aalaga sa mga lolo at lola na hindi pinalad magkaroon ng magandang buhay tulad ng napakasuwerte mong ina na si Mommy Eva.



“LOLA era begins now!” ito naman ang sinabi ng aktres na si Maritoni Fernandez sa kanyang social media post kamakailan lang.


Nanganak na ang loving daughter ni Maritoni, ang dating Kapuso actress na si Lexi Fernandez, sa first baby nila ng non-showbiz husband na si Harry Cordingley.

Super-happy ang veteran actress dahil finally, certified lola na siya.


Samantala, sa Instagram (IG) post ng proud daddy na si Harry Cordingley ay nagbahagi siya ng larawan nila ni Lexi bilang first-time proud parents, kasama ang cute nilang baby na si Charlotte.


Present din ang first-time grandma na si Maritoni sa memorable moment ng pamilya nila.


Saad ni Harry sa post niya, “This morning at 6:48 AM, Lexi and my life became immeasurably brighter. We have the pleasure of welcoming Charlotte ‘Lottie’ Cordingley into our lives and introducing her to you all.”


Congratulations, Maritoni! Welcome to the wonderful world of grandparenthood.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 8, 2025



Annabelle Rama - IG

Photo: Annabelle Rama - IG


Nabiktima ng kawatan ang celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama.

Kamakailan lang ay nagbakasyon ang mother dearest ni Ruffa Gutierrez sa Rome, Italy kasama ang kanyang pamangkin.


Sa panayam ng aming kaibigan na si Jun Lalin kay Annabelle, napag-usapan nila ang isa sa mga hindi makakalimutang karanasan ng masaya sanang bakasyon sa Italy.

Kuwento ni Annabelle, bigla na lang daw nawala ang kanyang bag.


Aniya, “Nagbe-breakfast kasi kami, tapos biglang nag-announce na in 10 minutes, aalis na. So, ako naman, nag-CR. Sabi ko sa niece ko, bantayan n’ya ang bag ko.”


Pagbalik daw niya mula sa CR ay nagmamadali na ang lahat na sumakay ng bus papuntang Milan. 


Kinabahan na siya nang hanapin ang bag at na-realize niyang wala na ito.

Sey pa ni Annabelle, “Sabi ko, ‘Hala, ang bag ko! Nasaan ang bag ko?’ Naiwan doon sa breakfast, pero nang balikan namin, wala na. Sabi ko, ‘Patay, wala na akong pang-shopping.’”


Agaran silang nagdesisyon na ipa-check ang CCTV ng lugar ngunit sinabihan sila na kailangan ng police report para makita ang footage. 

Dahil sa pagmamadali ay hindi na nila ito naasikaso.


Sey pa ni Annabelle, “Ipinarerebyu nga namin ‘yung CCTV para makita namin kung sino ang kumuha, pero kailangan pa raw ng police report. Eh, nagmamadali na kami kaya hindi na kami nakapag-report sa police.”


Dagdag pa niya, “Buti na lang ‘yung bag na gamit ko, mumurahin lang. So ‘yung mga Euro ko lang ang nawala.”


Dahil sa hindi magandang karanasan ay pinapaalalahanan na niya ang kanyang pamilya at mga kaibigan na maging alerto at bantayan ang mga gamit habang nagta-travel.

Nakaka-sad naman ang nangyari kay Annabelle Rama. Sayang at walang nakapagpaalala sa kanya na ingatan ang kanyang bag.



KAYA talagang ipagsigawan sa madlang pipol ng singer na si Chito Miranda ang wagas niyang pagmamahal sa kanyang asawa na si Neri Naig.


Kahapon, September 7, ay nagdiwang ng kaarawan ang loving wife ni Chito.


Sa social media post ng band singer ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang asawa na may caption na: “Happy Birthday sa isa sa mga pinakamalakas at pinakamatapang na nilalang na kilala ko.


“Strong, not because ‘di s’ya nahihirapan at tinatablan. Brave, not because ‘di s’ya natatakot... but because she gets up and continues on when struck down, and faces everyday with hope and kindness, kahit minsan unfair ang mundo.


“Sweet, caring, forgiving and generous... even at times when she needs love most.

“Happy Birthday, Ms. Neri (heart emoji). I’m so proud and honored na ako ang pinili ni Lord para mahalin at alagaan ka... at gagampanan ko ‘yun hanggang sa pagtanda.

“Love you, asawa ko! Happy Birthday!!!”


Napaka-sweet naman ng lead vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito. 

Happy Birthday, Neri! Enjoy your special day!


Bigla tuloy naalala ni yours truly ang kantang pinasikat ni Chito na “Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami namang nag-aalay sa ‘yo. Uupo na lang at aawit, maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sa ‘yo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito, sabay ang tugtog ng gitara… Idadaan na lang sa gitara…”

Pak, tumpak!



MATAPOS ang makulay na journey niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, nagbabalik-recording ang Soul Diva at itinuturing ngayon bilang “Nation’s Mom” na si Klarisse de Guzman sa awiting Dito Ka Lang, ‘Wag Kang Lalayo.


Tungkol ang power ballad sa pagkakaroon ng taong nagsisilbing tahanan sa oras ng hirap at ginhawa. Nagsisilbi itong unang patikim ni Klarisse sa upcoming album na ilalabas niya sa ilalim ng StarPop.


Mula ang single sa komposisyon at produksiyon ni ABS-CBN Music Creatives, Content, and Operations Head Jonathan Manalo.


Sinusundan nito ang extended play (EP) na FEELS na inilabas ni Klarisse noong nakaraang taon na naglalaman ng mga awiting Dito, Minamahal Pa Rin Kita, at Bibitawan Ka.


Naghahanda na rin ang Kapamilya singer para sa The Big Night concert na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Setyembre 16 (Biyernes). 

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | September 7, 2025



Esnyr - FB

Photo: Esnyr - FB


Nakakaaliw naman ang ibinahagi sa social media ng content creator at Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition 3rd Big Placer na si Esnyr Ranollo.

Nag-post si Esnyr ng larawan na nagpapakita ng cake para sa advanced birthday celebration ng co-housemate na si Klarisse De Guzman.


Noong Setyembre 6 ay nagdiwang ng ika-34 na kaarawan si Klarisse. Nagkaroon ng group chat kasama si Esnyr para pagplanuhan ang surprise party para kay Klarisse at naging successful naman ito.


‘Yun nga lang, pagdating sa cake ay mali ang spelling ng pangalan ni Esnyr. Kaya naman, ang naging caption sa post niya: “Sino si Ecnyr?!”


Comment ng isang netizen, “‘Yung ikaw na nga nag-ambag sa cake pero mali spelling.”

Dagdag na biro pa ni Esnyr sa post niya, “HBD (happy birthday), MOWM! Pa-refund na lang din ng surprise namin, add ka namin sa GC para sa breakdown ng gastos (party face emoji).”

Sey naman ng isang netizen sa comment section, “Surprise pero ikaw na may birthday din ang magbabayad later.”


Bongga ang tawa ng mga netizens sa post ni Esnyr.

Happy birthday, Klarisse de Guzman!



“OUR greatest love and biggest heartbreak,” ito ang naging pahayag ng aktres na si Kim Domingo nang pumanaw ang kanyang alagang aso na si Koleen.


Hindi maitago ni Kim ang matinding kalungkutan matapos pumanaw ang sampung taong gulang na pinakamamahal niyang aso na itinuring na niyang anak.


Nagbahagi si Kim sa kanyang Facebook (FB) page ng larawan ng kanyang fur baby habang tinititigan ito, kalakip ang emosyonal na mensahe.

Aniya, “Anak, salamat sa isang dekada. Kung puwede lang maulit, balik ka na lang sa three-month-old. Kulang ang sampung taon pero alam ko lahat ay darating d’yan.”

Ayon kay Kim, naramdaman na niya na tila nagpapaalam na si Koleen bago pa ito pumanaw.


Aniya, “‘Yung mga mata mo, tila ba nagsasabi sa ‘kin na, ‘Mommy, gusto ko na magpahinga. Sorry, hindi na ako makatayo, ni hindi ko na mawagwag buntot ko kahit excited akong makita ka.’”

Alam ni Kim na wala na rin siyang magagawa kaya tinanggap na lang niya ang nangyari sa pinakamamahal niyang alagang aso.


Aniya, “No more pain na, anak. Takbo ka d’yan, ha, at kain ka ng maraming tissue. Sobrang sakit anak pero ito ang realidad. Till we meet again. Run free. Mahal na mahal kita, Koleen (red heart emojis).”


Nakikiramay kami sa ‘yo, Kim, sa pagpanaw ng iyong fur baby na si Koleen. Minsan isang panahon, naranasan din ni yours truly ang mawalan ng alagang aso na itinuring ko na ring kapamilya. Ang pangalan ng aso namin ay si Tweetams.

Nakakalungkot naman. Kantahin na nga lang natin ang kanta ni Barbra Streisand na With One More Look at You.

Run free, Koleen! 

‘Yun lang, and I thank you.



IBA’T IBANG yugto ng pag-ibig ang ibinahagi ng nagbabalik na singer na si Kanishia Santos sa kanyang unang full-length album na IKYK.

“It talks about the ups, down, and the new chapter of being in love,” saad ng StarPop artist sa isang livestream.


Base sa katagang “If you know, you know” ang titulo ng album, at naglalaman ang bagong handog ni Kanishia ng walong awitin na Paraiso, IKYK, Aaminin Ko Na, Halata, Pilit, Like I Do, Daybreak, at Sige Lang.


Isinulat ito nina Trisha Denise, Dennis Campañer, Angelica Tagadtad, at Hazel Faith D. Santos habang nagsilbing composer at executive producer ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.


Ang Paraiso, Halata, at Sige Lang ang nagsisilbing key tracks ng album. Tungkol ang Paraiso sa pag-ibig na mala-paraiso ang dalang saya habang namumuong pagtingin naman ang kuwentong hatid ng Halata. 


Samantala, paniniwala sa bagong simula ang mensaheng nakapaloob sa Sige Lang.

Si Kanishia ay kapatid ng Sins of the Father (SOTF) star na si L.A. Santos. Pinasok niya ang music scene nang ilunsad niya ang debut single na A Little Taste of Danger noong 2020. 


Kasunod nito, inilabas niya ang first extended play (EP) na Born to Cry at ipinerform ito sa 2022 Awit Awards.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page