top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 13, 2020




Sa panayam ni Jessica Soho kay Vic Sotto nu'ng nakaraang Linggo para sa Kapuso Mo Jessica Soho ay kitang-kita ang pagiging proud at kakaibang saya ng sikat na komedyante kapag pinag-uusapan ang anak nila ng asawang si Pauleen Luna na si Talitha o Tali.


Ayon nga kay Vic, si Tali ang nag-iisa niyang anak na nasubaybayan niya ang paglaki mula sa unang paglalakad nito, mga kantang unang natutunan, hanggang sa pagbibilang nito sa iba't ibang lengguwahe.


Nahingan din ng reaksiyon ni Jessica si Bossing tungkol sa pamba-bash ng ilang netizens sa anak kung saan nagbanta pa nga noon si Pauleen sa netizen na nanlait kay Tali.


Kampanteng pahayag ng komedyante, ang mas mahalaga para sa kanila ay mas marami ang natutuwa at napapasaya ni Tali kaysa sa mga nagsasabi ng 'di maganda sa kanyang bunsong anak.


Dagdag pa ni Vic, may kani-kanyang opinyon ang bawat isa sa atin pero sana ay maging responsable rin ang ibang tao sa mga ikinokomento at ipino-post ng mga ito sa social media.


Sa tagal sa showbiz ay sanay na rin si Vic sa kalakaran ng industriya. Kumbaga, tanggap nito na 'pag artista ka ay pag-aari ka ng publiko na may gugusto at aayaw sa iyo.

Ngayon pa lang ay kinakitaan na ni Vic si Tali ng pagiging bibo at tsansa na pasukin din ang showbiz pagdating ng panahon. Tuwang-tuwa si Tali tuwing nakikita nito ang sarili sa telebisyon na sumasayaw kasabay ang ibang hosts ng Eat… Bulaga! na nasa studio. Isa na si Tali sa mga inaabangan sa Eat… Bulaga! kung saan marami ang natutuwa sa kabibuhan ng bata.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 4, 2020




"I don't think na kailangan niya ang advice ko o papansinin niya ang advice na ibibigay ko. 'Di 'yun magma-matter kasi 'di naman ako part ng buhay niya.

"Congratulations! Alam ko masaya siya. Sino ba naman ang 'di sasaya, it's a blessing, so congratulations," ang naging pahayag ni Angelica Panganiban sa panayam sa kanya ng Cinema News sa nakaraang presscon ng Ask Angelica nang tanungin namin kung ano kaya ang payong maibibigay niya sa ex-boyfriend na si Carlo Aquino ngayong isa na itong ganap na ama.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Angelica at Carlo kahit pa wala namang pormal na balikang naganap sa kanila, at kalaunan ay bigla na lang lumabas ang kumpirmasyon na kasintahan na nga ng aktor ang ngayon ay ina ng anak niyang si Trina Candaza.

Mukhang wala na ring naging komunikasyon sina Carlo at Angelica mula nang huling naikuwento ng aktres na pag-uusap nila ng ex-BF kung saan hindi naman daw para humingi ito ng tawad sa kanya o makipag-ayos kundi dahil gusto nitong gumawa pa sila ng isang pelikula.


Sa ngayon ay nananatili pa ring single si Angelica pero 'di naman ito nagsasara ng pinto kung saka-sakaling dumating ang tamang tao para sa kanya. Marami-rami na rin namang natutunan ang aktres pagdating sa pakikipagrelasyon at ito ay 'wag magbigay nang sobra-sobra pagdating sa pag-ibig at laging magtira para sa sarili para 'wag sobra-sobrang masaktan 'pag nauwi sa hiwalayan.

 
 

ELLEN, TINAWAG NA LAKWATSERA, NAPIKON, RUMESBAK SA NETIZEN

ni Melba R. Llanera - @Insider | September 29, 2020




Hindi pinalagpas ni Ellen Adarna ang isang basher kung saan tinawag siyang lakwatsera o "laagan" sa salitang Bisaya.


Nu'ng September 26 ay nagpunta si Ellen sa isang tagong ilog sa isang bundok kung saan siya naligo. Sa in-upload na video, nilagyan ito ng aktres ng caption na: "Me x10."


Sa comments section ay isang basher ang tumawag na "laagan" o lakwatsera kay Ellen. Nagkomento pareho sa Tagalog at Bisaya, may mensahe itong, "Dalaga ghorl? Ka laagan ba?" (Dalaga ghorl? Ang lakwatsera naman.)

Halatang napikon si Ellen sa naturang basher at sinagot ito nang dalawang beses na pareho ang mensahe. Sinabing 'di niya alam kung paano tatawagin ang basher dahil nalilito siya kung babae ba ito o lalaki. Ayon kay Ellen ay buhay niya 'yun at kahit maging dalaga man o hindi ay nangangailangan ng pahinga o break.


Sa huli ay sinabi pa ni Ellen na huwag ipakita ng basher ang pagiging ignorante nito.

Wala nga namang masama kung nag-i-enjoy man sa buhay niya ang aktres hangga't 'di naman niya napapabayaan ang responsibilidad niya bilang isang ina kay Elias Modesto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page