top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | November 6, 2020




Hindi napigilang sagutin ni Angelica Panganiban ang isang basher na tinawag siyang "maldita daughter" o "malditang anak."


Nu'ng Oktubre 29 ay nag-post ang actress ng mga larawan nila ng inang si Mrs. Annabelle Panganiban sa Instagram kung saan ngiting-ngiti na nakahilig si Angelica sa ina-inahan habang matipid naman ang ngiti nito. Tanging caption niya: "Mamalab," kasama ang tatlong heart emojis.

Positibo naman ang naging reaksiyon dito ng mga netizens, pero tanging isang basher ang nagkomento nang negatibo sa ipinost ng aktres, kung saan pinuna nito ang matipid na ngiti ng ina ni Angelica.


Sabi ng netizen, malungkot daw si Mommy Annabelle dahil nagpalaki ito ng isang malditang anak.


Buwelta agad ni Angelica, mas gugustuhin na niya na ang ina-inahan ang nagpalaki sa kanya kesa ang naturang basher ang maging kapamilya niya.

Sunud-sunod naman ang komento ng mga netizens na nagtanggol sa aktres. Tinawag nila ang basher na mapanghusga, na punumpuno ng galit sa aktres, na hindi nito personal na kilala si Angelica para sabihing maldita at ito nga ang maldita dahil sa panghuhusga sa aktres.


Matapang naman na sinagot ng naturang basher ang mga komento sa kanya ng mga nagtanggol sa Walang Hanggang Paalam lead star.


Ayon sa basher, ang komento niya ay 'di dahil sa galit o hate, hindi siya maldita at tulad niya ay 'di rin diumano mabait si Angelica.


Dagdag pa nito, hindi lahat ay nakikita sa kamera at nagsasabi lang siya nang totoo.


Ang ending, hindi na sinagot ni Angelica ang basher at pinili na lang na 'wag nang patulan.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 20, 2020




Agad ipinagtanggol ni Rambo Nuñez ang kasintahang si Maja Salvador mula sa mga pamba-bash ng ilang netizens.


Walang utang na loob ang paratang na ibinato kay Maja dahil sa ngayon ay host na ito ng Sunday Noontime Live (SNL) at wala na sa ASAP Natin 'To na naging pamilya ng aktres sa loob nang matagal na panahon.


Sa Instagram post ni Maja nu'ng nakaraang October 7 ay inaanyayahan nito ang mga tagahanga na panoorin ang bagong show niya sa TV5, kasama ang ilan ding dating kasama sa Kapamilya Network. May mga netizens na hindi maganda ang naging komento kay Maja at ilan nga sa mga ito ay tinawag na "walang utang na loob" ang aktres.


Agad namang nag-post ng encouraging message si Rambo para sa girlfriend kung saan ipinagmalaki nito si Maja. Ayon din kay Rambo, hindi alam ng mga tao ang pinagdaanan ni Maja bago napunta sa sitwasyon nito ngayon, pero ipinagmamalaki niya na may mabuting puso ang kasintahan.


Siniguro rin ni Rambo na lagi lang silang nasa likod ni Maja para suportahan ito.


Nu'ng Linggo nga ay ini-launch na ang SNL kasabay ng time slot ng ASAP Natin 'To at All-Out Sunday ng Kapuso Network. Tulad ng lagi naming sinasabi, sa ganitong kompestiyon, ang laging makikinabang ay ang mga manonood dahil nandu'n ang hamon para sa tatlong istasyon na magbigay ng de-kalidad at entertaining na mga shows.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | October 16, 2020




'Di namin alam kung may halong katotohanan ang mga parinig ng dating mayor ng Quezon City kay Ruffa Gutierrez sa nakaraang virtual presscon ng The House Arrest of Us. Gumaganap bilang mga magulang ni Kathryn sa istorya, mukhang tinototoo ni Mayor Herbert ang role nila ni Ruffa bilang mag-asawa sa digital movie series. Ilang beses na nagbiro si Mayor Bistek na matagal na siyang may crush sa aktres, kasabay nito ang mga panunukso sa kanila ng mga kasamahan. Mukhang ayaw namang sakyan ni Ruffa ang mga biro ni Mayor Bistek at 'di sineseryoso ang mga pahaging sa kanya ng komedyante.

Sa tingin namin ay mukhang ingat na ingat na ngayon ang dating beauty queen sa pakikipagrelasyon lalo't balita na nauwi na rin sa breakup ang ilan taon din nilang relasyon ng foreigner boyfriend. Bukas din si Ruffa sa pagsasabing hindi na rin niya prayoridad ang buhay-pag-ibig ngayon at mas prayoridad niya muna ang mga anak na sina Venice at Lorin at ang kanyang trabaho.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page