top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | January 29, 2021




Nabuko si Bea Alonzo ng kaibigang si Enchong Dee na ang nababalitang boyfriend na si Dominic Roque ang nasa kanyang "last Facetime video."


Ito ang laman ng vlog ng aktres nu'ng January 23 kung saan kasama niya sa vlog si Enchong.


Hinamon ni Bea ang kaibigan na maglaro sila ng "Show Me Your Phone" challenge. Nang tingnan ni Enchong ang phone ni Bea, napansin nito na isang Nic ang nasa last call log ng aktres.


Inusisa ng aktor si Bea na nu'ng una ay ayaw pang umamin, pero kalaunan ay sinabi rin na si Dominic nga ito.


Natatawang dinagdagan ni Bea ng Ochoa ang isinagot na Dominic para sabihing ang aktor na si Dominic Ochoa ang naka-Facetime niya.


Natawa na lang din si Bea sa nagawang pag-amin at nagbiro na ang init at bakit daw ba nila ito ginagawa ni Enchong.

Nu'ng January 27 naman ay si Dominic ang nag-post ng TikTok video nila ni Bea na kuha pa nu'ng 2019 sa Japan. Meron ding mga artsy videos sina Bea at Dominic sa isang art installation museum sa Tokyo, Japan.

Nu'ng January 19 ay nag-post naman ng larawan niya si Dominic na kuha sa BenCab Museum sa Baguio. May caption itong: "Picture ko, Caption Mo," at may isang fan na nagtanong kung nasaan si Bea, na sinagot naman ni Dominic na ito ang kumukuha sa kanya.


Kinilig ang maraming netizens sa sagot ni Dominic lalo't marami ang boto na magkaroon ng relasyon ang dalawa.


Inamin naman ni Bea sa vlog nila ng kanyang ina na dyodyowain para sa kanya ang tulad ni Dominic pero ang hinihintay pa rin ng marami ay kailan daw kaya aamin ang dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | January 24, 2021




Sa interview ni Enchong Dee kay Joshua Garcia para sa kanyang vlog, inamin ng huli na nu'ng nag-shutdown ang ABS-CBN ay naisipan niyang lumipat ng istasyon.


Dahil siya ang tumatayong breadwinner, nakaramdam ng takot at pangamba ang Kapamilya actor kung paano niya bubuhayin ang pamilya. Pero sa huli ay mas nanaig ang loyalty at utang na loob niya sa network lalo't binago ng ABS ang buhay niya.

Isa si Joshua sa mga Kapamilya na hindi nakita sa mga rallies ng mga artista at empleyado ng ABS nu'ng panahon na nakikipaglaban ang network sa pagpapasara rito.


Paliwanag ni Joshua, hindi man siya pumupunta sa mga rallies ay 100% naman ang suporta niya sa ABS at mine-message niya lagi ang mga bosses gaya ni Ms. Cory Vidanes na lagi lang siyang nasa likod ng mga ito.

Ngayong pandemya ay balik-eskuwelahan ang aktor kung saan nag-enroll siya sa Southville International School with Foreign Universities ng kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship.


Balak din ni Joshua na mag-invest kung saan magiging malaking tulong sa kanya si Enchong na kilalang mahusay din na negosyante.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | January 12, 2021




Si Jenine Desiderio na ina ni Janella Salvador ang perpektong halimbawa na walang ina ang makakatiis sa anak gaano man karaming tampuhan ang pagdaanan ng relasyon nila.


Away-bati kung ilarawan ng iba ang relasyon ng mag-ina dahil taliwas ang kanilang paniniwala sa maraming bagay. Pero sa kabila ng lahat, proud na proud na ipinost ni Jenine nu’ng January 8 ang larawan ng apong si Jude habang karga-karga ito at may caption pa na, "My new job: Yaya (heart emoji).”


Ipinost ito ng singer pagkatapos aminin nina Janella at Markus Paterson ang tungkol sa kanilang dalawang buwang gulang na anak.

Kasalukuyang nasa United Kingdom sina Janella, Markus, Jenine, at ang sampung taong gulang na kapatid ng aktres na si Russel.


Setyembre nu’ng nakaraang taon nang lumipad pa-UK sina Jenine at Russel at sumunod sa kanila sina Janella (na nababalitang buntis na noon) at Markus.


Wala mang pag-amin si Jenine tungkol sa sitwasyon ng anak ay naging matibay na ang hinala ng mga netizens sa kalagayan ni Janella.


Takot at ang kagustuhang i-enjoy ang bagong yugto ng buhay niya bilang isang ina ang ibinigay na rason ni Janella sa panayam sa kanya ng TV Patrol kung bakit nagdesisyon siya na ‘wag munang aminin ang panganganak.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page