top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | August 30, 2022



ree

Muling nagwagi ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena, sa pagkakataong ito sa True Athletes Classic na ginanap sa Manforter Stadio sa Leverkusen, Germany.


Nagawang matalon ni Obiena ang baras na may taas na 5.81 meters noong Linggo ng gabi sa kanyang ikalawang attempt para makamit ang gold.

Ang panalo ang ikatlong sunod na podium finish ni Obiena kasunod ng kanyang pagwawagi sa 26th Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany noong nakaraang linggo at third place finish sa Athletissima Lausanne Diamond League noong Biyernes.

Tumapos na pangalawa at pangatlo sa kanya sina Rutgar Koppelaar ng Netherlands at Kurtis Marschall ng Australia na kapwa rin naka-clear ng 5.81 meters ngunit tinalo ni Obiena sa count back.

Ang iba pang tinalo ni Obiena ay sina hometown bet Bo Kanda Lita Baehre (5.73m), Sondre Guttormsen ng Norway (countback)., Norweigian pole vaulter Simen Guttormsen at German pole vaulter Oleg Zernikel na nabigong makausad mula sa starting height na 5.43 meter.


Samantala, bagong King of the Hardcourt si Neil Tolentino ng Arellano sa Hanes 1-on-1.


Dinaig ng masipag na Chiefs forward si University of the Philippines' Mark Gil Belmonte, 6-3, sa finale at angkinin ang trono noong Sabado sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.


"Thankful ako kay God kasi pangarap ko makabalik sa college at nabigyan ako ulit ng chance mara makaakyat sa pro," saad ng transferee mula sa University of the East na nakapag-uwi ng P20,000 cash prize.

Agad na lumamang ang 24-anyos na si Tolentino sa 6-2 lead sa nalalabing 1:28 minuto sa oras at samantalahin ang mga errors ni Belmonte na umiskor ng freebies sa final minute pero sumablay sa desperadong tres sa buzzer. Magandang panimula ito para sipagin pa ang Kapampangan banger sa paglalaro niya sa first season sa Arellano.

 
 

ni MC - @Sports | August 28, 2022


ree

Nagdagdag ng panibagong koleksiyon ng world title si dating UFC flyweight world champion Demetrious Johnson nang impresibo nitong mapabagsak si Adriano Moraes at angkinin ang ONE flyweight world title sa kanilang pinakaaabangang rematch kahapon sa Singapore Indoor Stadium.


Naunang masipag sa atake si Johnson sa kaagahan ng round sa bisa ng malalakas na sipa at halos gutayin na si Moraes. Nakasilip ng pagkakataon ang Brazilian na makasipa at mai-takedown nang magpatama si Johnson ng siko sa kilay ni Moraes.


Nagpatama pa si Moraes ng head kick na nagpasuray kay Johnson sa round two.


Sinundan ng Brazilian ng panunuhod sa ulo habang nasa canvas pero nakapiglas si Johnson nang tangkain siya sa choke ni Moraes.


Nagpatuloy ang ex-UFC fighter sa malinis na pagpapadapo ng strikes sa opening minute ng round three. Nagpadapo si Moraes ng mga jabs para kontrolin ang kasagupa pero higit na nagmalupit ang mga suntok at sipa ni Johnson sa kabuuan ng round.


Samantala, muling nabawi ni Mixed martial arts sensation Christian Lee ang ONE featherweight world title kasunod ng second-round technical knockout kontra Ok Rae Yoon sa pinakahihintay din na rematch sa main event ng ONE 160 Biyernes ng gabi Singapore Indoor Stadium.


Mabilis agad ang pagsugod ng 24-anyos na si Lee sa opening round. Sa round 2, nagpakawala si Lee muli ng malupit na right hand para pahinain ang tuhod ng kasagupa. Nasukol na at napako sa gilid ng cage, sinundan agad ni Lee ng malalakas na panunuhod para mapilitan ang referee na itigil na ang bakbakan sa 1 minuto ng round 2.


Habang sa co-main event, si Tang Kai ang naging unang Chinese male ONE Championship world champion nang talunin si Thanh Le sa bisa ng unanimous decision at kunin ang ONE featherweight world title.

 
 

Fni MC - @Sports | August 26, 2022


ree

Kasado na sa Disyembre ang undisputed bantamweight showdown sa pagitan ng The RING, WBC, WBA, at IBF world champion na is Naoya Inoue at WBO world champion, Paul Butler.


Ayon sa ulat, sisiklab ang bakbakan ng dalawa sa Disyembre 13 sa Japan. Si Inoue, na nagtataglay ng perpektong rekord na 23-0 na may 20 knockouts, ay nagmula sa isang makabagbag-damdaming second-round technical knockout na tagumpay laban kay Nonito Donaire Jr. noong Hunyo sa Super Arena sa Saitama, Japan.


Si Butler (34-2, 15KOs) naman ay nanalo ng malinaw na unanimous decision kontra kay Jonas Sultan upang angkinin ang WBO interim bantamweight title noong Abril.


Itinaas siya na ganap na kampeon ng sanctioning body nang tanggalan si John Riel Casimero ng kanyang WBO world bantamweight title matapos niyang labagin ang panuntunan ng British Boxing Board of Control na nagbabawal sa mga boksingero na gumamit ng sauna para magbawas ng timbang bago ang laban.


Si Inoue, na tinaguriang no.1 pound-for-pound fighter sa mundo ngayon ng The RING, ang magiging unang hindi mapag-aalinlanganang kampeon ng Japan sakaling malampasan niya si Butler.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page