top of page
Search

ni MC - @Sports | September 1, 2022


ree

Tiniyak ni Alyssa Valdez sa kanyang volleyball fans na nakakarekober na siya ngayon matapos ang pakikipaglaban sa sakit na dengue kung kaya hindi siya nakalaro sa nakaraang 2022 AVC Cup for Women.


Nakahanda na sana si Valdez para lumaro kasama ang Creamline Cool Smashers sa torneo na host ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa PhilSports Arena sa nakaraang dalawang linggo. Pero biglang na-diagnosed ang veteran spiker ng dengue fever bago ang torneo kaya umatras ito sa kompetisyon.


Nagtapos sa 6th place ang Pilipinas sa AVC Cup, nahigitan na ang 9th place finish ng bansa noong 2018. Nabanggit pa ni Valdez sa kanyang Instagram kahapon ng umaga na magtutungo sana siya sa Germany para sa isang corporate event bago maglaro sa AVC.


"Unfortunately, I tested positive for dengue," ani Valdez. "The first few days were so bad -- had a high fever, body pain, and headache. I wasn't able to eat and drink anything. After six days, thankfully my fever went down, but my platelet count continued to drop dangerously. I then experienced some complications like bleeding and a swollen liver," dagdag ng atleta kaya nagpasya ang kanyang mga doktor na i-admit na siya sa ospital.


Samantala, makaraang tumakbo sa New York City Marathon ay nabawasan si Hollywood actor Ashton Kutcher ng 12 pounds bilang isa sa kanyang training dahil na rin sa dinaranas na karamdaman. “The biggest change physically has been the transfer of muscle mass from upper body to lower body. I’ve lost about 12 pounds,” aniya sa Entertainment Tonight. Sinuportahan naman si Kutcher, 44-anyos ng kanyang misis na si Mila Kunis.


 
 

ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | September 1, 2022


ree

Sa bisa ng tikas ni VNS One Alicia Griffins,nanaig sila sa Fudgee Barr-Ateneo sa first game ng 2022 Spikers' Turf Open Conference Martes ng gabi sa Paco Arena.


Ang binalasang VNS ay tumapos ng 25-21, 22-25, 25-20, 23-25, 15-9 win upang makasalo ang Cignal HD sa tuktok ng table rank sa Day 1 ng torneo.


Nabuhayan sina Ben San Andres at Mark Montemayor sa fifth set upang palakasin ang VNS, habang si veteran setter Ish Polvorosa ay nagpakitang-gilas sa bakbakan na may natipong 29 excellent sets.


Nakagawa si San Andres ng 20 points habang may idinagdag si Montemayor na 14. Ang VNS ay may 57 attack points kumpara sa 51 ng Blue Eagles.


Halos patas ang error match ng grupo, sumablay ang VNS sa 38 miscues at napabayaan ng Ateneo ang 43 free points. Pinamunuan ni Amil Pacinio Jr. ang Blue Eagles sa 20 points at si Kennedy Batas ay may 17 markers.


Samantala, makasasagupa ng Filipinas ang World Cup co-host at world No. 22 New Zealand sa isang friendly game sa Cal State Fullerton’s Titan Stadium sa Setyembre 7 (Manila time).


Ang friendly game ay itinakda, isang linggo matapos ang training camp ng reigning AFF Women’s Champions sa Irvine, California bilang preparasyon sa 2023 FIFA World Cup. “We’ve been looking forward to this camp after a memorable and unforgettable AFF campaign,” ayon kay Alen Stajcic sa statement ng PFF


Nasungkit din ng Filipinas ang bronze sa Southeast Asian Games sa Vietnam noong Mayo, bago nasungkit ang AFF Women’s Championship title sa Manila noong Hulyo.

 
 

ni MC - @Sports | August 31, 2022


ree

Nasungkit ng Japan ang kauna-unahang gold medal sa AVC Cup for Women makaraan ang 25-23, 25-21, 19-25, 25-16 na pananaig kontra China noong Lunes ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City.


Tinapos ng Japan ang pagre-reyna ng China at ipinalasap ang unang talo mula noong 2018 edition sa Nakhon Ratchasima, Thailand. "It's so great for this first win. Especially that we won all together, that was really great," ayon kay Japan setter Mika Shibata, na itinanghal na tournament Most Valuable Player.


Namuno si Mizuki Tanaka sa bisa ng 19 points habang ang substitute na si Miwako Osanai ay may 15 points.


Ang winningest squad na may 5 titulo, kung saan ang pagkatalo ay mula nang maka-3 sunod na gold medals ang China. "We have a young team. We learned a lot from this experience in this tournament. After all, we will work hard and be better next time," ayon kay Chinese coach Kuang Qi sa pamamagitan ng interpreter.


Individual winners sa AVC Cup for Women Dream Team sina Best Outside Hitters Wu Mengjie (China) at Chatchu-on Moksri (Thailand), Best Middle Blockers Hiroyo Yamanaka (Japan) at Hu Mingyuan (China), Best Opposite Spiker Zhou Yetong (China), Best Setter Pornpun Guedpard (Thailand) at Best Libero Rena Mizusngi (Japan).


Nakuha ng Thailand ang bronze medal sa bisa ng 25-19, 26-24, 25-18 na panalo vs. Southeast Asian rival Vietnam, na nasa 4th.


Nalagay sa 5th ang Chinese-Taipei nang magwagi sa 28-26, 25-21, 25-21 kontra Philippines, kung saan ang 6th place run ang best finish sa continental competition mula nang mag-fifth sa 3rd Asian Championship sa Fukuoka, Japan noong 1983.


Umiskor ang Iran ng 25-19, 25-18, 25-22 win kontra Australia para sa seventh spot. Nasa 8th ang Volleyroos. Pang-9 ang South Korea.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page