top of page
Search

ni MC / Anthony E. Servinio - @Sports | September 12, 2022


ree

Maghaharap sa final showdown ang University of the Philippines at San Beda University sa inaugural SMART Philippine Intercollegiate Badminton Championships matapos na walisin ang kani-kanilang grupo kahapon sa Centro Athletico Badminton Courts sa Quezon City.


Namayani ang Fighting Maroons sa all-UAAP Group A matapos ang dominanteng 5-0 sweep kontra University of Santo Tomas para sa winner-take-all tie pagdating ng hapon.


Nanaig ang lakas ni Freshman Kervin Llanes sa challenge ng Golden Shuttler na si Lennox Cuilao sa three sets, 21-14, 18-21, 21-12, sa men’s singles match upang maka-tie ang Fighting Maroons.


Pinadapa naman ng Red Shuttlers ang Polytechnic University of the Philippines, 4-1 upang makaharap ang UP sa championship tie. Itinakda nina Julie Gimena at Ianah Belen ang tie sa fourth match women’s doubles laban kina Jermae at Angel Esto, 23-21, 21-5.


Unang rumehistro ang San Beda at PUP ng parehong 2-0 records sa Group B noong Sabado ng hapon. Winalis ng San Beda at PUP ang mga katunggali sa bisa ng 5-0, at umariba sila sa group win para sa finals berth.


Dinale nina Timothy Santos at Laurence Alejo ang Rizal Technological University na sina Bryant Pili at Rowell Pereda sa men's double match, 21-15, 21-8 sa loob lang ng 20 minuto upang iselyo ang ikalawang sunod na panalo ng San Beda.


Unang nagtarak ng 2-0 sina John Niel Panganiban at Anniena Cruz nang magwagi sa men's at women's singles matches. Solid win ang inani nina Panganiban at Louise Anton De Leon sa 21-4, 21-8 win bago ginapi ni Cruz si Rafa Dacera sa first game,21-19, 21-10 win.


Imakulada pa rin ang rekord ng University of the Philippines sa 2-0 nang walisin ang Adamson University.

 
 

ni MC - @Sports | September 11, 2022


ree

Kauna-unahang Pinoy si Alexandra “Alex” Eala na umabot ng junior grand slam singles final nang pumoste ng napakahirap na panalo sa semifinal event ng US Open noong Biyernes sa New York City.


Ginapi ni No. 10 seed Eala, ang two-time junior doubles grand slam champion, si No. 9 seed Victoria Mboko ng Canada, 6-1, 7-6(5), sa Court 12 ng USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Flushing Meadows.


Sa kanyang ikalawang junior slam singles semifinal mula noong 2020 Roland Garros, maagang lumamang si Eala sa 3-1 nang ibigay ang ika-4 na break opportunity sa bisa ng swift backhand crosscourt.


Nagpatuloy ang 17-anyos na iskolar ng Rafa Nadal Academy sa pagdomina ng unang set at puwersahang bigyan ng errors ang 16-year-old Canadian foe.


Lalo pang uminit ang bakbakan para sa final pagdating ng second set, nang sumablay sa second set si Mboko sa kanyang ikatlong tsansa para sa 3-1 nang ibalik ni Eala ang ball shot sa bisa ng long forehand.


Nakipagsabayan nang sagot na palo si Eala sa break back sa ipinakitang lakas ng kanyang forehand maging ang serve mula sa long backhand shot ni Mboko.


Pagdating sa second match point, napaiyak si Eala nang pagwagian ang laban, 7-6(5) dahil sa double fault ni Mboko.


Unang nasungkit ni Eala ang singles quarterfinal at doubles semifinal noong 2021, nang simulan ang US Open Juniors campaign at agarang pasukuin si Canadian Annabelle Xu sa first round, 6-3, 6-0 at Slovakian Nina Vargova sa second round, 6-2, 6-3.


Sa kanyang maiden junior slam singles final, haharapin ni Eala si Czech No. 2 seed Lucie Havlickova na tumalo kay Russian No. 7 seed Diana Shnaider, 6-4, 6-4.


 
 

ni MC - @Sports | September 9, 2022


ree

Inaasahan ni reigning ONE strawweight world champion Joshua Pacio ang libu-libong Pinoy ang susuporta sa kanyang likuran sa pagbabalik nito sa ONE cage laban kay Jarred Brooks sa muling pagtapak ng Singapore promotion sa Manila.


Naka-headline ang mainit na alitan nina Pacio at Brooks sa ONE 164 sa Disyembre 3 upang markahan ang unang kaganapan ng ONE Championship sa Pilipinas mula noong Enero 2020.


Gagawin sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, sabik na si Pacio na magpakita ng isang palabas para sa inaasahang punum-punong MOA Arena. “Finally after almost two years, ONE Championship is back here in the Philippines! I’m really excited kasi the last time I fight walang audience,” ani Pacio. “At sana meron na kapag ginawa namin ang event dito sa Pilipinas,” dagdag pa nito.


Si Pacio ang nag-iisang naghaharing kampeon para sa Pilipinas sa ngayon matapos na matanggalan ng sinturon ang kanyang mga kababayan.


Kasama sa mga dating kampeon sa kamakailang kasaysayan sina Eduard Folayang (lightweight), Kevin Belingon (bantamweight), Geje Eustaquio (flyweight), at Brandon Vera (heavyweight). Si Pacio ay nagkaroon ng tatlong matagumpay na pagtatanggol sa titulo mula nang mabawi ang korona noong 2019.


Sa bigat ng pagiging huling tumatayong kampeon ng bansa sa kanyang mga balikat, layunin ng Team Lakay stalwart na suportahan siya ng kanyang mga kapwa Pilipino sa arena. “Lalo akong na-motivate kasi I’ll be defending my world title in front of my countrymen,” ani Pacio.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page