top of page
Search

ni MC - @Sports | September 15, 2022


ree

Kung may astigin man sa ONE Championship roster na may malalim na karanasan at kaalaman para harapin sina Demetrious Johnson at Adriano Moraes, ito ay walang iba kundi si Danny Kingad.


Ang Team Lakay star ay isa sa milyong fans na nakasaksi sa panalo ni Johnson kontra Moraes noong Agosto at maging bagong ONE Flyweight World Champion.


Napakabilis ng flying knee ni Johnson at hindi nasalagan ang pagdapo kung bakit natigpas si Moraes. May sagot diyan si Kingad.


Naniniwala ang no.4-ranked flyweight contender na hindi napaghandaan ni Moraes ang kanyang striking game para sa rematch kay Johnson.


“I think that Adriano didn’t prepare his striking as much as he did in the other aspects of MMA.


We have to remember that it was his striking that pushed him to victory when he first fought DJ,” saad ni Kingad. “DJ has a more grounded approach to his fights, but that night [ONE on Prime Video 1] we saw DJ throw some pinpoint punches. I think Adriano didn’t expect that DJ would get him with his striking.”


Nang mabirahan ng right straight at sumuhay si Moraes, sinundan ito ng flying knee ni Johnson na pareho ring pinakawalan ni “Mikinho” sa una nilang laban sa ONE TNT I.


Nahigitan ni Moraes si Johnson sa una nilang laban noong Abril 2021 nang pabagsakin niya si "Mighty Mouse” sa bisa ng grounded knee strike sa second round.


Nakasagupa na ni Kingad si Moraes para sa flyweight gold sa ONE: Legends of the World noong November 2017. Pahirapan din ang laban niya kay Johnson sa final ng ONE Flyweight World Grand Prix sa ONE: Century Part I noong October 2019.


 
 

ni MC - @Sports | September 15, 2022


ree

Pinarangalan ng Sta. Cruz Tourism Office sa Davao del Sur noong Lunes ang isang 83-anyos na magsasaka nang makaakyat ito sa ituktok ng Mount Apo, ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas.


Pinakamatandang nakatanggap ng pagkilala si Pascacio Carcedo ng Sta. Cruz Trailblazer Award at opisyal nang itinanghal na 'oldest climber to scale the summit.'


Kinilala rin ang Sta. Cruz Tourism ang mga kasama at gumabay sa pag-akyat ng bundok sina Lito Palao at Armel Senedo. Bago pa man naakyat ang Mount Apo, unang naghanda ng pag-akyat si Carcedo sa tatlong mga bundok sa Sta. Cruz.


Isang magsasaka si Carcedo mula sa Barangay Tacunan, Davao City. Winasak na ni Carcedo ang dating record holder ng 80-anyos na Singaporean na nakaakyat din sa Mount Apo noong 2021.


Noong Marso 19, isang 78-year-old na retiradong engineer ang nakapagtala rin ng record pero dinaig ng 80-year-old na Singaporean noong Mayo 18.


Sinabi ni Palao na kayang akyatin ng mga senior citizens ang Mount Apo basta't may tamang physical, mental, at emotional preparation. Sa taas na 2,954 meters (9,692 ft) above sea level, ito na ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng Davao City at Davao del Sur sa Region XI at Cotabato sa Region XII.


Tinatawag na Apo Sandawa ng mga lokal doon ang bundok at isa itong natutulog na stratovolcano sa isla ng Mindanao. Ito ang pinaka-kilalang kabundukan sa bansa.

Matatanaw mula sa tuktok nito ang Davao City 45 kilometers (28 mi) mula sa Hilagang Silangan, Digos 25 kilometers (16 mi) sa bandang Timog Silangan, at Kidapawan 20 kilometers (12 mi) sa Kanluran.


Itinuturing itong protektadong lugar at itinuturing na Natural Park sa bansa.

 
 

ni MC - @Sports | September 12, 2022


ree

Umukit sa kasaysayan ng Philippine tennis ang pangalan ni Alexandra “Alex” Eala nang maging kauna-unahang Pinay na nagwagi ng grand slam singles championship sa US Open Juniors sa New York City kahapon.


Ginitla ni No. 10 seed Eala, ang natatanging Pinay na may dalawang junior doubles grand slam titles si Czech No. 2 seed Lucie Havlickova, 6-2, 6-4 sa mainit na hatawan ng raketa sa USTA Billie Jean King National Tennis Center.


“Buong puso ko itong ipinaglaban hindi lang para sa sarili ko kundi para makatulong din ako sa kinabukasan ng Philippine tennis. So hindi lang ‘to panalo ko, panalo natin lahat. (I fought for this wholeheartedly not only for myself but also to help with the future of Philippine tennis. So, this is not just my victory, but the victory of all of us),” saad ni Eala habang nangingilid ang luha sa pagtanggap ng tropeo.


Nagpaabot din siya na pagbati kay Havlickova at saka niya pinasalamatan ang pamilya at ang lahat ng mga kaibigang sumuporta at nanalangin para sa kanya, sa tournament organizers at mga sponsors maging ang team ng Rafa Nadal Academy.


Unang sumalang ang 17-year-old sa bakbakan sa Court 11, kung saan nagawa niyang ipatas ang ikatlong game sa 2-2. Unang nag-break serve si Eala, ang Rafa Nadal Academy scholar para 3-2, makaraang ang double fault ni Havlickova.


Unang napagwagian ng dating ITF Juniors World No. 2 ang girls’ doubles titles sa 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros. Siya rin ang kasunod na Filipino na nagkamit ng slam championship kung saan una itong nakamit ni Francis Casey Alcantara na naghari noong 2009 Australian Open boys’ doubles.


Agad siyang nagtatakbo sa stands kung saan naroon ang kanyang coach na si Adrien Vaseux ng Rafa Nadal Academy, mga magulang na sina Michael at Rizza, kapatid na si Miko, na naglalaro rin sa International Tennis Federation (ITF) Tour at sa Penn State sa United States NCAA Division 1.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page