top of page
Search

ni MC - @Sports | September 17, 2022


ree

Sasabak sa bakbakan ang 16 na Pinoy fighters para itaya ang $100,000 fight contract at ipamalas ang kanilang kaastigan sa darating na MMA reality show "ONE Warrior Series Philippines."


Itatampok na bida ang mga kinikilala at sikat sa MMA outfit na Team Lakay sa naturang serye. Gagabay si Team Lakay head coach Mark Sangiao sa bakbakan ng dalawang teams na pamumunuan nina ONE strawweight champion Joshua Pacio at dating flyweight king Geje Eustaquio.


Through this show, we hope to inspire more martial artists… para magkakaroon pa ng maraming athletes, ma-influence sila na mapunta sila not only to martial arts but sports in general,” ayon kay coach Sangiao.


Bubuuin naman ang Team Passion ni Pacio nina Raymund Ortega, Ariel Lampacan, Ernesto Montilla, Norman Agcopra, Ariel Oliveros, L.A. Lauron, JM Guntayon, at Marvin Malunes.


Bibida naman sa Team Gravity ni Eustaquio nina Genil Francisco, Adonis Sevilleno, Joevincent So, Ralf Francisco, Ely Fernandez, Sheraz Qurashi, Mcleary Ornido, at Christian Laurio.


Sinuman ang magwawagi sa naturang serye ay itatampok sa ONE 164: Pacio vs Brooks sa Mall of Asia Arena sa Disyembre. “Ang titignan namin dito ‘yung discipline at willingness matuto,” saad ni Pacio. “Sa Team Lakay talaga, we prioritize the attitude; ‘yung skills, physical attribute come second,” pagbabahagi naman ni Eustaquio.


Para sa Team Lakay fighters, magsisilbi sa kanilang aral na karanasan ang serye. “Hindi pala madaling maging coach. Nakita ko tuloy ang errors ko as an athlete at ‘yung kailangan kong maimprove,” saad ni Pacio.


Lalarga ang serye sa 12 episodes na sisimulan sa Linggo, Set. 18 sa GTV at sa ONE Super App at may replays din sa Tap Sports at kaagapay ang Globe sa "One Warrior Series Philippines."

 
 

ni MC - @Sports | September 16, 2022


ree

Kumpiyansa ang pamunuan ng National Muaythai Kick Boxing Council na mas magiging matagumpay ang kaunlaran ng combat sports kung maipaliliwanag ng maaga sa Pinoy partikular sa mga magulang ang buting maidudulot sa karakter at katauhan ng kabataan.


Ayon kay NMKBCP founding president Emmanuel "The Animal" Sabrine, tulad ng boxing at iba pang combat sports, ang muay ay sports na nagsusulong din ng disiplina upang mahubog ng tama ang karakter ng kabataan.


“Tulad ng ibang contact sports, hindi lamang tungkol sa self-defense ang layunin namin sa NMKBCP. Hinuhubog namin ang disiplina at kaisipan ng atleta upang maging isang huwarang mamamayan. Kaya marapat lamang na maaga pa lang maituro na sa mga magulang ang kabutihan ng kanilang mga anak sa sandaling pumasok sila sa sports tulad ng muay,” pahayag ni Sabrine sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports na itinataguyod ng Philippine Sports Commissioner, PAGCOR at isinaere ng live ng TV8 Channel 45 ng PIKO apps kahapon sa Behrouz Rest. sa Timog, Quezon City.


Aniya, ang NMKBCP ay nagsasagawa ng mga regular na pagsasanay at torneo para sa mga praktisyoner ng Muay Thai, Kickboxing, Boxing at MMA, sa iba't-ibang rehiyon at lalawigan, at kalakhang Maynila upang maituro ng tama ang naturang sports. Kabilang sa inorganisa ng grupo ang Ultimate Strikers Championship (USC) mula pa noong 2007 sa Las Pinas.


Ilan sa mga nakalahok sa USC ay nabigyan ng mga pagkakataon na makaangat at makalaro laban sa mga kilalang propesyonal na liga ng Martial Arts dito sa bansa at maging sa mga kompetisyong international.


Bago umakyat sa ONE FC si Denice Zamboanga, naglalaro siya sa mga tournament namin,” ayon kay Sabrine sa lingguhang sports forum sa pagtataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Pagcor at Behrouz. Kasama ni Sabrine sa forum ang dalawa pang opisyal ng grupo na sina Victor Dela Riva at Michael Carabeo.

 
 

ni MC - @Sports | September 15, 2022


ree

Pinatawan ng isang taong suspensiyon at multang $10 milyon ng National Basketball Association (NBA) ang may-ari ng Phoenix Suns na si Robert Sarver dahil kasunod ng independiyenteng imbestigasyon sa mga paratang sa maling pag-uugali sa lugar ng trabaho.


Napag-alaman sa pagsisiyasat na si Sarver, na bumili ng Suns at Phoenix Mercury ng WNBA noong 2004 ay nagpakita ng hindi patas na pag-uugali sa mga babaeng empleyado, kabilang ang “mga komentong may kaugnayan sa sex” at hindi naaangkop na mga komento sa mga hitsura ng mga babaeng empleyado.


Si Sarver, na lubos na nakipagtulungan sa proseso ng pagsisiyasat, ay napag-alaman din na gumamit ng racial slur sa hindi bababa sa limang pagkakataon “kapag nagkukwento ng mga pahayag ng iba.”


“Ang mga pahayag at pag-uugali na inilarawan sa mga natuklasan ng independiyenteng pagsisiyasat ay nakababahala at nakakadismaya,” sabi ni NBA Commissioner Adam Silver sa isang pahayag. “Naniniwala kami na ang kinalabasan ay tama, isinasaalang-alang ang lahat ng mga katotohanan, pangyayari at konteksto na inilabas ng komprehensibong pagsisiyasat nitong 18-taong yugto at ang aming pangako sa pagtataguyod ng wastong mga pamantayan sa mga lugar ng trabaho sa NBA.”


Inatasan ng NBA ang pagsisiyasat nito kasunod ng isang artikulo noong Nobyembre 2021 na nagdetalye ng mga paratang ng rasismo at misogyny sa panahon ng panunungkulan ni Sarver.


Itinanggi ni Sarver ang mga paratang at sinabing malugod niyang tinatanggap ang imbestigasyon.

Hindi kaagad sumagot ang Suns nang hingin ang kanilang komento sa ipinataw na parusa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page