top of page
Search

ni MC - @Sports | September 25, 2022


ree

Sinuspinde ng Boston Celtics si head coach Ime Udoka para sa buong 2022-23 NBA season noong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila) dahil sa “mga paglabag sa mga patakaran ng koponan.”


Ang isang desisyon tungkol sa kanyang magiging future sa Celtics pagkatapos ng season na ito ay gagawin sa ibang araw,” sabi ng koponan sa isang pahayag. “Agad na magkakabisa ang suspensyon.”


Iniulat ng ESPN at The Athletic noong Huwebes na ang 45-anyos na Nigerian-American ay nagkaroon ng consensual relationship sa isang babaeng miyembro ng Celtics staff na lumabag sa code of conduct ng franchise.


Hindi tinukoy ng Celtics kung ano ang mga paglabag sa patakaran ni Udoka. Ang parusa, kabilang sa pinakamasakit na ibinigay sa isang NBA head coach, ay kasama ng preseason training camp ng Celtics na magbubukas sa susunod na linggo.


Maaring pumasok ang assistant coach na si Joe Mazzulla bilang pansamantalang coach para sa 2022-23 campaign, ayon sa ulat. Matatandaang ang nangungunang assistant coach ni Udoka noong nakaraang season, si Will Hardy, ay umalis noong Hunyo upang maging coach ng Utah Jazz.


Pinalitan ni Udoka si Brad Stevens bilang coach noong nakaraang season matapos ma-promote si Stevens bilang presidente ng basketball operations kasunod ng paglisan ni Danny Ainge.


Naglaro si Udoka ng pitong season sa NBA, ang huling apat sa San Antonio bago natapos ang kanyang karera sa paglalaro noong 2011.


Nagkaroon siya ng mga stints bilang assistant coach sa San Antonio, Philadelphia at Brooklyn bago namuno sa Celtics noong Hunyo 2021 at nagkaroon ng kahanga-hangang debut season.


Nagtapos ang Boston noong nakaraang season sa isang 28-7 run at gumulong sa Eastern Conference upang maabot ang NBA Finals noong Hunyo sa unang pagkakataon mula noong 2010.


 
 

ni VA / MC - @Sports | September 24, 2022



ree

Sasabayan ng husay ni Pinoy Ernest John "EJ" Obiena bilang world's No. 3 ang mga world-class pole vaulting colleagues na dadalhin niya sa bansa sa isang invitational competition sa 2023.


Iimbitahin na makarating sa Pilipinas sina world No. 2 Chris Nilsen, Rio 2016 Olympics gold medalist Thiago Braz lalo na si world and Olympic champion at world record holder Armand Duplantis.


Sa unang pagkakataon, ang tatlo at iba pang world class pole vaulters ay magpapakita ng mga high-flying acts sa harap ng Pinoy fans.


The objective is to bring them here after the outdoor season’s over,” saad ni Obiena kay Philippine Olympic Committee President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa isa nilang pag-uusap habang nasa bakasyon sa bansa ang world championships bronze medalist kasama ang nobya na German long jumper na si Caroline Joyeaux.


Aprubado ito ni Tolentino at hahanapan na ito ng POC head ng venue.


The Picnic Grove here could be an ideal venue,” saad ni Tolentino, hinggil sa paboritong destinasyon ng local at foreign tourists sa Tagaytay City.


Itutulad ang setup na parang sa Europe, isang street venue kung saan ang runway, box, crossbars at landing area ay portable o collapsible. “With the Taal Volcano as backdrop, what more could you ask for—a world-class pole vault action in one of the most picturesque tourist attractions in the country,” saad ni Tolentino. “Every jump will be postcard-perfect.”


Ang European outdoor season ay magtatapos sa unang linggo ng Setyembre at ang Asian Games sa Huangzhou ay naka-set sa parehong buwan sa 2023. Napipisil nina Obiena at Tolentino ang last part ng Setyembre o early mid-October bilang petsa. “The event will be a spectator-friendly event, and it’s planned that it be sanctioned by World Athletics,” ani Obiena.

 
 

ni MC - @Sports | September 23, 2022


ree

Nilinaw ni retired US boxing champion Floyd Mayweather na ikinakasa na nila ang pangalawang paghaharap nila ni UFC star Conor McGregor.


Ayon kay Mayweather, magaganap ang kanilang nilulutong laban sa 2023. Nilinaw din ni Mayweather na ang kanilang pangalawang paghaharap ay isang uri ng exhibition match imbes na actual boxing match.


Kung matatandaan, sa una nilang paghaharap noong 2017, pinatumba ng 45-anyos na si Mayweather ang dating UFC Irish fighter. Nanatiling walang talo si Mayweather mula ng magretiro na may 50 wins at lumaban na ng ilang ulit sa mga exhibition fight.


Aminado naman si McGregor na target nitong lumaban muli sa mixed martial arts matapos ang pagkatalo noon kay Dustin Poirier. Ayon kay UFC President Dana White, target niyang makabalik sa octagon si McGregor hanggang sa katapusan ng taon o sa 2023.


Samantala, matapos parusahan at pagmultahin ng $10M ng NBA ang may-ari ng Phoenix Suns na si Robert Sarver dahil sa akusasyong misogynist at racist, inihayag nito na na ibebenta na niya ang koponan.


Kasunod ng mga parusang ipinataw noong nakaraang linggo, nanawagan si NBA players union chief Tamika Tremaglio na ipagbawal si Sarver habang buhay at idineklara ng mga NBA stars na sina LeBron James at Chris Paul na hindi sapat ang mga parusa.


Sinabi ng major sponsor na PayPal na hindi nito ire-renew ang deal nito sa team kung sangkot pa rin si Sarver at nanawagan si Suns vice chairman Jahm Najafi na magbitiw si Sarver.


Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na hindi niya inaasahan na dahil sa parusa ay ibebenta ni Sarver ang club tulad ng ginawa noon sa dating may-ari ng Los Angeles Clippers na si Donald Sterling dahil sa pagiging racist.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page