top of page
Search

ni VA - @Sports | September 30, 2022



ree

Handa nang mag-ingay ang imamartsang pambatong import ng United Auctioneers-Army Lady Troopers na si Canadian spiker Laura “Loudy” Condotta upang tulungan si star hitter Sgt. Jovelyn Gonzaga na mahigitan ang nakuhang semifinal slot sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference simula Oktubre 8.


Ipinaparada ng 25-anyos na Canadian outside spiker ang kanyang laro sa dalawang bahagi ng volleyball court, kung saan humahataw din ito sa lokal at pandaigdigang beach volleyball tournaments.


Susubukan ng 5-foot-8 Canadian hitter na buhatin ang Lady Troopers na mahigitan ang nakuhang semifinal spot sa pagkuha ng 3-3 kartada sa eliminasyon ng Invitational Conference, subalit lubusang inalat sa semifinal round-robin sa 0-4 para sa kabuuang 5th place finish na tinapos naman ang kanilang samahan sa Black Mamba para sa bagong pakikipagsanib sa United Auctioneers Inc.


A tougher and reinforced army volleyball team will emerge! We are proud to announce our partnership with the Leading Auction Company in the Philippines, United Auctioneers Inc. Please watch and support us as we journey to grab the crown in the upcoming PVL Reinforced Conference 2022 this October!” ayon sa kanilang official Facebook page.


Bago tapikin si Condotta ng UA-Army ay nauna muna itong nagpasiklab sa Brock University Badgers sa Canada simula 2015-2020. Lumipad ito patungong Switzerland upang maglaro sa Raiffeisen Volley Toggenburg at AEK Larnaca sa Cyprus.


Makakasama rin nina Condotta at Gonzaga sa koponang gagabayan ni coach Emilio “Kungfu” Reyes sina Christine Agno, Mary Jean Balse-Pabayo, Nene Bautista, Joanne Bunag, Jeannie Delos Reyes, Mary Anne Esguerra, Sarah-Jane Gonzales, Jem Gutierrez, Michelle Morente, Angela Nunag, Genie Pabulayan, Audrey Paran, Ivy Perez, Honey Rose Tubino, at Jeanette Villareal.

 
 

ni VA - @Sports | September 30, 2022



ree

Sa pagkawala ni RJ Abarrientos na nagdesisyong hindi na tapusin ang kanyang playing years sa Far Eastern University at sa halip ay piniling maglaro sa Korean Basketball League, malaking kuwestiyon ngayon kung sino ang mamumuno sa kampanya ng Tamaraws sa UAAP Season 85.

Pero hindi nababahala dito si coach Olsen Racela na naniniwalang mayroong lilitaw na bagong lider para pamunuan ang Tamaraws.

"Life goes on for us," anang FEU mentor. "This is another opportunity para roon sa mga ibang players to step up and it's their chance to shine."

Nariyan si L-Jay Gonzales na tiyak na magkukumahog na makabawi sa ipinakita nyang mababang performance noong nakaraang season upang mapatunayan na isa siya sa mahuhusay na point guards sa collegiate level.

Hindi rin magpapahuli sina Xyrus Torres, Royce Alforque at Bryan Sajonia na nakahanda ring punuan ang naiwang puwang ni Abarrientos sa kanilang koponan.

Inaasahan namang makakatuwang nila si Patrick Tchuente na syang poposte sa gitna gayundin sina James Tempra at Ximone Sandagon na impresibo sa kanilang pagiging role players para sa Tamaraws sa nakaraang offseason.

Hindi magpapatalo pagdating sa talento ang line-up ng FEU.Pero ang tanong ay kung sino sa kanila ang iigkas kung kinakailangan para mamuno sa Tamaraws.


Samantala, buhat sa pagiging kulelat o cellar dweller ng mahigit tatlong dekada, sasabak sa unang pagkakataon ang University of the Philippines sa UAAP Season 85 men's basketball tournament bilang pangunahing paborito.


Ang nasabing sitwasyon ay sinisikap na makasanayan ng Fighting Maroons para sa gagawin nilang pagsabak sa torneo bilang defending champion at sa misyong ipagtanggol ang kanilang titulo. Sa pangunguna nina Gilas Pilipinas standout Carl Tamayo kasama sina Zavier Lucerio, JD Cagulangan at Malick Diouf, itinalaga ng kanilang mga katunggaling coaches ang Diliman-based squad bilang team to beat.

 
 

ni MC - @Sports | September 29 , 2022


ree

Dumating nitong Martes ng gabi sa Pilipinas si retired US boxing champion Floyd Mayweather Jr. isang araw matapos ang matagumpay na exhibition game nito sa Japan.


Ayon sa ulat, inimbitahan si Mayweather ng isang health and beauty products na kanyang iniindorso. Sakay ang undefeated US boxer na si Floyd ng kanyang Gulfstream jet at lumapag ito sa private hangar ng dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson.


Base sa itinerary ng boksingero, bibisita rin ito sa ilang private resort sa bansa para sa ibang mga events ng kumpanya. Noong Linggo, pinatumba ni Mayweather si MMA fighter Mikuru Asakura sa Saitama Super Arena sa Japan.


Samantala, inaasahang bubuhay muli sa sigla ng surfing, ekonomiya, turismo at sports scene sa Siargao ang nakatakdang dalawang surfing tournaments.


Gaganapin ang Sol National Surfing Competition at ang International Surfing Cup sa Set. 28 hanggang Oktubre 1 habang ang internasyonal na paligsahan ay gaganapin mula Oktubre 15 hanggang 21.


Huling ginanap ang competitive surfing competitions sa Siargao noong International Surfing Cup ng 2019, ilang buwan bago tumama ang COVID-19 pandemic. Ang Mayor Sol Cup ay magiging feeder sa 2022 World Surfing League international event.


Nakataya ang kabuuang P1.5-M na papremyo sa Sol’s Cup na lalahukan ng may 200 professional surfers mula sa Siargao Island at iba pang bahagi ng bansa. Samantala, 64 na kalalakihan at 40 kababaihang propesyonal na surfers ang nangakong sasali sa internasyonal na torneo sa Oktubre.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page