top of page
Search

ni MC - @Sports | October 3, 2022



ree

Umakyat sa 174 ang nasawi sa stampede sa isang Indonesian soccer match, karamihan sa kanila ay naapakan hanggang sa mamatay matapos magpaputok ng tear gas ang mga pulis upang pawiin ang mga kaguluhan noong Sabado ng gabi, dahilan para ituring itong pinakamalagim na trahedya ng sports event sa buong mundo.


Sumiklab ang kaguluhan matapos ang laro noong Sabado ng gabi kung saan ang host Arema FC ng Malang City ng East Java ay natalo sa Persebaya ng Surabaya 3-2.


Dahil sa pagkadismaya matapos ang pagkatalo ng kanilang koponan, libu-libong tagasuporta ng Arema, na kilala bilang “Aremania,” ang nag-react at naghagis ng mga bote at iba pang bagay sa mga manlalaro at opisyal ng soccer.


Dinagsa ng mga tagahanga ang pitch ng Kanjuruhan Stadium bilang protesta at hiniling na ipaliwanag ng pamunuan ng Arema kung bakitpagkatapos ng 23 taon ng walang talo ang mga laro.


Nagkagulo nang husto hanggang labas ng stadium kung saan limang police patrol ang binalibag at nasunog sa gitna ng kaguluhan.


Nagpaputok ng tear gas ang riot police hanggang sa stand ng stadium sanhi para mag-panic ang mga tao. Ang tear gas ay ipinagbabawal sa mga soccer stadium ng FIFA.


Marami ang na-suffocate, mga naapakan ng daan-daang tao na nag-uunahan sa pagtakbo paglabas ng stadium para makaiwas sa tear gas. May 34 agad ang namatay, kabilang ang dalawang opisyal, at may mga paslit na nasawi.


Mahigit 300 ang isinugod sa ospital at marami rin ang sugatan. Sinabi ni Vice Gov. Emil Dardak ng East Java sa Kompas TV na ang bilang ng mga nasawi ay 174, habang higit sa 100 mga nasugatan at may 11 ang nasa kritikal na kondisyon.


Pinatawan ng indefinite suspension ang premier Liga 1 ng soccer ng Indonesian association na PSSI, dahil sa trahedya at bawal nang mag-host ang Arema ng soccer matches sa nalalabing season matches.


Isa-isang nagdatingan ang mga kaanak ng mga nasawi sa Saiful Anwar General Hospital ng Malang upang kilalanin ang mga bangkay sa morge.


Labis namang ikinalungkot ng pangulo ng Indonesia na si Joko Widodo ang trahedyang sinapit ng mga manonood at nakiramay siya sa mga namatayan sa kanyang pahayag sa telebisyon noong Linggo. “Dapat nating patuloy na mapanatili ang sportsmanship, sangkatauhan at isang pakiramdam ng kapatiran ng bansang Indonesia."

 
 

ni MC - @Sports | October 2, 2022



ree

Magdaraos ang UFC fight show nang walang mga tagahanga o miyembro ng media pero tumanggi ang mixed martial arts promotion na sabihin ang dahilan.


Ang UFC ay magtatanghal ng 13-laban sa Fight Night card sa Apex Gym sa corporate campus sa Las Vegas ngayong Linggo, ngunit walang mga tagahanga o reporter na papapasukin.


Nagtatanghal ang UFC ng mga regular na card sa TV sa maliit na gym mula noong simula ng pandemya. Lalaban sa main event ang Strawweight Mackenzie Dern kontra kay Yan Xioanan sa main event.


Sinabi ng UFC na isa lang ang makakapasok sa loob at ito ay si Mark Zuckerberg, ang Facebook cofounder at Meta chief executive officer, na “nirentahan ang buong kaganapan.”


Si Zuckerberg ay isang kilalang tagahanga ng MMA na nagsanay sa isport. “Alam kong pupunta siya roon,” sabi ni Dern. “Pero hindi ko alam kung ito lang, parang literal na siya at ang asawa niya, kung magkakaroon siya ng mga kaibigan, o kung parang maliit na party lang. Hindi ko alam.


Excited ako, and that just makes me more driven to put on a good show. I know everyone’s watching on TV, but for Mark and whoever’s gonna be there, I’ll put on a show. Yun ang gusto nilang makita, is a show. Then we’re going para magbigay ng palabas.”


Tumanggi si UFC President Dana White na ipahayag ang dahilan ng pagsasara ngunit maging sa Twitter ay itinanggi niya na si Zuckerberg ay nag-book ng buong Apex gym para sa kanyang sarili.


Pinahintulutan ang mga reporter na i-cover ang opisyal na weigh-in kahapon ngunit hindi ang mga laban. Ipapalabas pa rin ng ESPN+ ang Fight Night gaya ng dati.


 
 

ni MC - @Sports | October 1, 2022



ree

Isiniwalat ni dating WBO bantamweight champion John Riel Casimero na nakatakda siyang lumaban kontra sa beteranong Japanese boxer na si Ryo Akaho sa Disyembre.

Ginawa ni Casimero ang anunsiyo sa kanyang Facebook page. “Ito finally na talaga ang hinihintay ng lahat,” ayon sa hard-hitting native ng Ormoc na hindi na nakatuntong sa ring mahigit isang taon simula nang talunin nito si Guillermo Rigondeaux noong Agosto 2021.


Dapat ay ipagtatanggol ni Casimero ang korona ng WBO laban sa mandatory challenger na si Paul Butler ngunit nagkaroon ng mga isyu kaugnay sa weigh-in, na nag-udyok sa WBO na alisin sa kanya ang titulo.


Si Akaho ay isang beterano na may 39 na panalo, 2 pagkatalo na may 26 KOs. Sa kanyang pinakahuling laban, na-knockout niya ang Pinoy na si Edrin Dapudong.


Desidido si Casimero na makuha ang isang nakakakumbinsing panalo laban kay Akaho dahil ito ay maaaring humantong sa kanya sa isang shot laban sa WBA (Super), IBF at WBC bantamweight king Naoya Inoue. “Posibleng maglaban kami ni Naoya Inoue pagkatapos nito, kasi si Naoya Inoue last fight na lang daw niya tapos aakyat ng 122 so kailangan talaga nating matapos ang laban na ito para sa next fight ni Naoya Inoue,” wika ni Casimero.


Ang laban ay maaaring maganap sa alinman sa South Korea o Japan, aniya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page