top of page
Search

ni MC - @Sports | October 6, 2022



ree

Nasa hot seat ngayon ang Indonesia National Police dahil sila ang pangunahing nagsimula ng malubhang trahedya ng stampede sa pagtatapos ng laro ng football sa East Java province noong Sabado kung saan ang paghahagis ang mga awtoridad ng tear gas para i-disperse ang mga tao ay bawal sa international governing body ng soccer-FIFA.


Kitang-kita sa video footage na na-upload sa social media ng mga saksi sa loob ng Kanjuruhan stadium sa siyudad ng Malang na naghagis ng tear gas ang mga pulis sa maraming tao sa stands at sa mga fans na nagra-riot sa loob ng pitch nang matalo ang local soccer club na Arema FC mula sa karibal na Persebaya Surabaya.


Libu-libong bystanders ang naapektuhan ang mga mata at lalamunan mula sa nalanghap na gas kaya nag-unahan ang mga ito sa pagtakbo sa exits at doon nagsimula ang malagim na stampede. Nakita rin sa footage na nakasusi ang mga exits kaya nag-panic at puwersahang binubuksan ito ng marami.


Sa labas ng stadium galit na galit ang maraming supporters kaya sinunog ang ilang patrol car. Naiulat na may aktuwal na 125 katao ang nasawi at ayon sa pulisya rito ay hindi 174 na unang naireport dahil nadoble ang bilang kasama na ang mga kababaihan, bata at 2 pulis.


May 21 ang malubhang nasugatan habang 300 ang dumanas ng minor injuries.


Ang Kanjuruhan incident ay ikatlo na sa pinakamalagim na trahedya sa world soccer history. Noong 1964, may 328 katao ang nasawi sa labanan ng Peru at Argentina sa Estadio Nacional. Habang sa Ghana, may 126 katao ang namatay sa isa pang stadium stampede noong 2001.

 
 

ni MC - @Sports | October 6, 2022



ree

Hindi man magiging madali kay Jeremy “The Jaguar” Miado na muling magtagumpay sa pagbabalik sa ONE Championship Circle pero iyon mismo ang pakay niya.

Peligroso umanong kasagupa ang multi-sport knockout artist na Australian na si “Mini-T” Danial Williams at babanat sila sa three-round strawweight bout sa ONE Fight Night 3 sa Oct. 22 sa Singapore Indoor Stadium.

Ilang buwan nang niluluto ang laban matapos na maghamunan sina Williams at ang Marrok Force MMA sa isang post-fight press interviews kaya naman nakuha na nito ang asam niya. “Guys like Jeremy Miado excite me,” saad ni Williams sa panayam. “I just like his style. I’m here to put on a show for the fans. The fans want to see action. I’m here to put on a show for the fans, and Miado is going to be the guy who’s going to give it to me.”

Nagwagi sa tatlong diretsong laban si Miado kabilang na ang back-to-back na impresibong pagpitpit kay Miao Li Tao kung saa niya pinulbos ang tsekwa sa bisa ng flying knee sa unang laban kasunod ng standing KO win sa ikalawang paghaharap.

Ang huli niyang laban ay nagresulta sa injury kontra kababayang si Lito Adiwang, pero ang pusong panalo niya ang mananaig para magbalik sa strawweight rankings.

Ang parehong rankings na rin ang target ni Williams nang manggaling sa three-fight winning streak sa mixed martial arts. Ang huli niyang panalo ay kay Zelang Zhaxi.


Kasama ang duo card fight ng dalawang KO artists na sina ONE Bantamweight World Champion John “Hands of Stone” Lineker at Fabrico “Wonder Boy” Andrade.

 
 

ni VA / MC - @Sports | October 5, 2022



ree

Mabilis na bumagsak ang timbang at pumayat si Minnesota Timberwolves center Karl-Anthony Towns matapos magkaroon ng impeksyon sa lalamunan noong nakaraang linggo at nang ilang araw.


Ayon sa ulat, nagdulat ang impeksyon ng problema sa paghinga ni Towns, 26, at sinabi niya sa media na pinayagan lang lumabas makaraan ang dalawang araw at dumalo sa team event.


“Nagpapagaling pa ako at patuloy na bumubuti ang kalagayan,” sabi ni Towns sa mga mamamahayag sa Minneapolis. “Mayroong mga bagay na dapat unahin kaysa sa basketball lalo na kung may sakit."


Sinabi niya na ang sakit, na iniulat na walang kaugnayan sa COVID, ay naging dahilan upang siya ay bumaba sa 231 pounds, mula sa kanyang nakalistang timbang na 248.


Samantala, halos dalawang buwan na ang lumipas mula ng magkampeon ang Creamline sa Invitationals matapos gapiin ang guest team KingWhale Taipei sa final, nagbabalik na muli ang aksiyon sa Premier Volleyball League (PVL) sa pamamagitan ng pagdaraos ng 2022 Reinforced Conference.

Ilan sa dapat abangan sa conference ang pagbabalik ng koponan ng F2 Logistics, ang kauna-unahang laro ng bagong koponang Akari bukod pa ang pagpapakita ng husay at talento ng siyam na hard-hitting imports na Sina Laura Condotta (Army), Prisilla Rivera (Akari), Odina Aliyeva (Choco Mucho), Tai Bierria (Cignal), Yeliz Basa (Creamline), Jelena Cvijovic (Chery Tiggo), Lindsay Stalzer (F2), Elena Savkina (PLDT), at Lindsey van der Weide (Petro Gazz).

Pormal na magsisimula ang Reinforced Conference sa Sabado-Oktubre 8.

May apat na venues ang napiling pagdausan ng Reinforced Conference na kasama ang Santa Rosa Sports Complex sa Laguna, PhilSports Arena sa Pasig, Ynares Center sa Antipolo at Mall of Asia Arena sa Pasay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page