top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | October 19, 2022



ree

Sa wakas, matapos ang dalawang diretsong pagkatalo, buong lakas na pumalo ang F2 Logistics sa win column at ginisa ang wala pa ring panalo na United Auctioneers Inc-Army, 25-17, 25-21, 25-16, sa pagpapatuloy ng 2022 Premier Volleyball League Reinforced Conference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig.


Ibinuhos ni Lindsay Stalzer ang unang ngitngit mula sa pagkadismaya sa Lady Troopers sa bisa ng itinarak na 24 puntos, 23 attacks at 10 excellent receptions.


Hindi na nakapaglaro si Kalei Mau na nagtarak lamang ng 8 puntos sa kalagitnaan ng laban dahil sa nanakit ang mga paa nito at hindi na nakabalik sa court. Walong puntos naman ang nagawa ni Kianna Dy habang si Ivy Lacsina ay may 3 blocks at kabuuang 7 puntos.


Mula sa kalamangan na 2 puntos, hinila pa ng Cargo Movers sa 10-4 ang iskor, mula sa atake ni Kianna Dy para kunin ang panalo sa first set, 25-17.


Nakaligtas ang Lady Troopers sa dalawang set points sa second, 21-24, pero hindi pumayag si Lindsay Stalzer sa block ni Jovelyn Gonzaga sa net at binura nang tuluyan ang tangka ng huli para sa F2 Logistics na bingwitin ang lahat ng set, 25-21.


Pero muling pumalaot ang Cargo Movers pagpasok ng third frame sa 17-7 advantage at hindi na lumingon pa. Umangat na ang F2 Logistics sao 1-2 para sa eighth standing at iwan ang UAI-Army na nag-iisang team na wala pang panalo, 0-3.


 
 

ni MC - @Sports | October 18, 2022



ree

Nakapagbulsa ang Pilipinas ng kabuuang labing isang medalya, mula sa isang ginto, 2 silver at 8 bronze medals sa 6th Senior Asian Pencak Silat Championship 2022 na idinaos sa Sher-i Kashmir Indoor Stadium sa Srinagar, India noong Biyernes.


Nanguna sina Alfau Jan Abad at Almohaidib Abad sa men's double artistic (Seni Ganda Putra) event para sa gold medal habang ang dalawang silver naman ay nasungkit nina Edmar Tacuel sa men's solo artistic (Seni Tunggal Putra), at ang women's trio artistic (Seni Regu Putri) ay naibulsa nina Jessa Dela Cruz, Ziara Mari Oquindo, at Franchette Anne Tolentino.


Dumagdag ng bronze si Jan Abad sa men's solo artistic (Seni Bebas Putra) event. "We're happy because all the artistic athletes that came here won medals," ani Inier Candor, ang Philippine Pencak Silat Association secretary general sa isang online interview.


Bronze din sa Male Tanding sina Jaciren Abad - Class C; Mark James Lacao - Class D; Ian Christopher Calo- Class E; Alvin Campos - Class E; Joash Mariño Cantoria - Class G; sa Female Tanding sina Angeline Viriña - Class A at Ziara Mari Oquindo - Class B.


Ang ilang 150 athletes mula sa Malaysia, Indonesia, Vietnam, Singapore, Kazakhstan, Nepal, Philippines, at host India ay naging bahagi sa six-day tournament.


 
 

ni MC - @Sports | October 18, 2022



ree

Minamadali na umano ang proseso ng naturalization ni PBA import Justin Brownlee para agad itong mabigyan ng Filipino citizenship at makapaglaro sa Gilas Pilipinas sa susunod na taon.


Ayon sa ulat, target ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maging naturalized Filipino si Brownlee upang palalasin ang Gilas Pilipinas na sasabak sa Fiba World Cup.


Ipapalit si Brownlee sa pwesto ni Filipino-American player Jordan Clarkson na meron pang commitment sa NBA team nito na Utah Jazz hanggang sa susunod na taon.


Matatandaang nag-sorry si Brownlee kay Senator Francis Tolentino, ang chaiman ng Senate Committee on Justice, na siyang namamahala sa naturalization hearings dahil sa pagkadelay ng ilang niyang dokumento na isusumite sa kongreso.


Inamin ng 34-anyos na Ginebra import na na-delay ang processing ng kanyang mga dokumento dahil sa pagpanaw ng kanyang agent.


Bukod kay Justin, pinapaspasan din ng SBP ang naturalization process sa isa pang PBA import mula sa TNT na si Cameron Oliver para maging reinforcement din ng Gilas Pilipinas basketball World Cup.


Samantala, inamin ni dating longtime heavyweight champion Deontay “The Bronze Bomber” Wilder na may dalawa siyang target na gustong makalaban matapos niyang mapatumba sa unang round si Robert “The Nordic Nightmare” Helenius sa WBC Heavyweight title Eliminator.


Ayon sa ulat, ito ang unang laban niya mula ng talunin siya ng ng tigasing si Tyson Fury sa ikatlong pagkakataon na kanilang paghaharap noong Oktubre 9, 2021.


Naging strategy umano ni Wilder ang pag-atake kapag bumabanat si Helenius.


Isiniwalat ni Wilder matapos ang laban na nais niyang makasagupa ang dalawang boksingero sa listahan niya — si Oleksandr Usyk at Andy Ruiz Jr para sa heavyweight division.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page