top of page
Search

ni MC - @Sports | November 1, 2022



ree

Nanatiling walang talo si Jake Paul bilang professional boxer nang muling talunin si mixed martial arts (MMA) legend Anderson Silva sa isang eight-round bout noong Linggo, oras sa Pilipinas.


Nagwagi si Paul, isang social media personality sa bisa ng unanimous decision kung saan nagbigay ang judges ng mga iskor na 77-74, 78-73, 78-73. Umibayo siya sa 6-0 sa kanyang professional boxing career.


Nakuha ni Paul ang panalo nang pabagsakin si Silva sa eighth round ng kanilang cruiserweight bout.


Tinawag niya ang panalo na "surreal moment," dahil tinalo niya ang fighter na matagal na niyang iniidolo. "First and foremost, I wanna say thank you to Anderson. He was my idol growing up, he inspired me to be great. Without him we wouldn’t have had a fight this year.


He’s a tough mo-fo, like for real, legend. I have nothing but respect for him," ayon sa 25-anyos na si Paul.


Umakyat si Silva sa laban hawak ang 3-1 record bilang boxer sa tuktok ng kanyang matingkad ng MMA career. Kahit na 47 anyos na, nasubukan pa rin ng Brazilian icon si Paul pero hindi na rin humirit ng rematch matapos ang laban. "Jake is better than me today," ani Silva. "I don’t have nothing to say bad about my opponent. I think everybody needs to respect this kid because he’s doing the best job."

 
 

ni MC - @Sports | October 30, 2022



ree

Namahagi si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo sa Cebu noong nakaraang linggo ng weightlifting equipment sa apat na weightlifting gyms bilang bahagi ng kanilang misyon na mag-donate sa sport na kanyang minamahal.


Matapos makumpleto ang Phase 1 at 2 ng kanyang donasyon na nakinabang ang ilang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong nakaraang buwan at tatlong local government units (LGUs) sa Metro Manila sa unang bahagi ng buwan, ang mga nakatanggap naman sa Phase 3 ay mga weightlifters mula sa Cebu.


It’s 660 days before Paris Olympics, nakumpleto namin ang Phase 3 ng #TeamHD grassroots initiative sa Cebu. Lubos kaming nagpapasalamat sa mga sumusuporta at patuloy na naniniwala sa aming misyon,” ani Diaz.


Sa tulong ng AirAsia, na siyang nagdala ng equipment mula Manila hanggang Cebu, nakapamahagi ang team Diaz-Naranjo ng weightlifting equipment sa Sisters of Mary Boys Town, Consolacion Weightlifting Gym, University of Cebu at sa Carreta Weightlifting Gym.


Kasabay nito, nagpahiram din ang Mazda Cebu ng trucks para maihatid ang mabibigat na weightlifting equipment mula sa airport hanggang Talisay, Consolacion, Carreta, maging sa University of Cebu. Sumuporta rin ang SpartPH para sa pagbili ng equipment mula na rin sa gantimpala ni Diaz na kanyang natanggap sa kanyang Tokyo Olympics stint. “Para makapagbigay kami ng medyo marami-raming equipment sa weightlifting community. Kagaya ng pagkapanalo ko sa Tokyo Olympics, kailangan ng team para magawa ito, at kung hindi sa kanilang lahat hindi natin ito magagawa,” saad ni Diaz.


Ang Phase 1 donation ng 31-anyos na si Diaz-Naranjo ay sa AFP branches ng Army, Navy at Air Force. Ang Phase 2 ay sa Tondo sa Manila Weightlifting Club, sa Borromeo Weightlifting Club sa Taguig City at sa Dasmarinas Weightlifting Club sa Dasmarinas City. "Masaya ako na umabot na tayo sa Phase 3,” ani Diaz-Naranjo.

 
 

ni MC - @Sports | October 27, 2022



ree

Nakatakdang magsagupa sina Stephen Loman ng Team Lakay at dating ONE bantamweight world champion na si Bibiano Fernandes sa ONE Fight Night 4 sa Nob. 19 sa Singapore Indoor Stadium.


Si Loman, isang dating Brave Combat Federation bantamweight champion na may professional mixed martial arts record na 16-2 ay galing sa unanimous decision win laban sa Japanese veteran na si Shoko Sato noong Marso. “Sobrang saya ko sa pagkakataong ito. Ngayon makikita ng mga tao ang resulta ng lahat ng pagsusumikap at pagsasanay na nagawa ko,” sabi ni Loman.


“Excited na talaga ako sa laban na ito. Si Bibiano ay isa sa mga nangungunang contenders pa rin sa dibisyon kaya isang panalo rito at ako ay maaaring susunod sa linya para sa titulo," ani Loman.


Samantala, si Fernandes ay 24-5 bilang isang pro at pinaka-naaalala ng mga Pinoy fight fans para sa kanyang mapait na tunggalian sa ex-ONE bantamweight world champion ng Team Lakay na si Kevin Belingon. Huli siyang lumaban noong Marso nang mawala ang kanyang world title noon kay John Lineker sa pamamagitan ng knockout.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page