top of page
Search

ni MC - @Sports | November 29, 2022



ree

Nakatakdang maghanap ng sariling naturalized player ang Gilas Pilipinas women’s team para sa kanilang abalang iskedyul sa 2023.


Ito’y matapos ang Gilas Pilipinas men’s team ay may naturalized player gaya nina Ange Kouame at Fil-Am Jordan Clarkson, sinabi ni head coach Pat Aquino na ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ay nagbigay na ng green light para sa kanya na hanapin ang para sa kanila.


Ang Gilas Pilipinas women’s squad ay nasa uptick sa nakalipas na dalawang taon, na na-highlight ng back-to-back gold medal campaigns sa Southeast Asian Games.


Mas papataasin pa ng isang naturalisadong manlalaro ang kanilang mga kampanya, kung saan nakatakdang lumipad si Aquino sa US para maghanap ng mga posibleng kandidato sa Disyembre.


Maglalaan din si Aquino ng oras para kausapin ang mga Fil-Am na manlalaro na nasa Gilas fold sa kanyang paglalakbay sa US kung saan siya inaasahang magpapalipas ng bakasyon. Ang Pilipinas ay nagbabadya para sa isang malakas na pagganap sa lahat ng kanilang mga torneo sa susunod na taon, kabilang ang isang makasaysayang three-peat sa SEA Games. Sa pag-asam ng isang naturalized na manlalaro sa mesa, tataas ang lebel ng laro ng Pinay ballers.


 
 

ni VA / MC - @Sports | November 27, 2022



ree

Hindi binigyan ng tsansa ng Phoenix Super LPG ang Terrafirma Dyip sa halip tinambakan pa ang all-Filipino team ng 51 puntos, 135-84 paras magka-tsansa pa ang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.


Wala nang inaksayang oras ang Fuel Masters sa panlulunod sa Dyip iniwanan na halos sa 67-30 lead na maituturing na pang-5 sa all-time most lopsided first half sa league history.


Samantala, paiigsiin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 2023 Governors’ Cup upang mabigyan ang Gilas Pilipinas ng preparasyon para sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia sa May.


Hindi pa naisasapinalisa ang iskedyul pero ayon kay Commissioner Willie Marcial na ang season-ending conference ay may five game days a week pareho sa Philippine Cup, at posibleng may triple-headers na rin.


Samantala, napatalsik ang host nation na Qatar sa World Cup noong Biyernes na may isang laro pa sa Group A matapos hawakan ng Ecuador ang Netherlands sa 1-1 na tabla.


Nauna nang bumagsak ang Qatar sa ikalawang sunod na pagkatalo sa torneo, natalo sa 3-1 sa Senegal na nangangahulugang kailangan nila ng Ecuador upang talunin ang Dutch upang manatili sa contest.


Samantala, maliwanag ang kinabukasan ng PHL sports ang pagpasok sa listahan ng batang 11-anyos na climber na si Praj dela Cruz.


Si Praj, na ang mga magulang ay climber din, ay nakilala sa kompetisyon at kasalukuyang naghahanda para sa Asian Youth Cup sa India. Nagustuhan ni Praj ang sport climbing tulad ng kanyang mga magulang na climbers din. “Sa Pilipinas kasi, ‘pag umaakyat ‘yung mga bata, sinasaway, ‘Uy mahuhulog,’ Pinagbabawalan agad.


Dahil pareho kaming climber ng wife ko, hinahayaan namin siya, kami na sa likod,” ayon sa ama ni Praj na si Bidz.

 
 

ni MC - @Sports | November 26, 2022



ree

Nakuha ni Cristiano Ronaldo ang karangalan upang maging unang manlalaro na nakapuntos sa limang World Cup matapos simulan ang pagpuntos sa laban ng Portugal kontra Ghana.


Naitala ng 37-anyos ang record sa bisa ng penalty sa ika-65 minuto sa 974 Stadium sa Doha para ibigay sa Portugal ang pangunguna sa sagupaan ng Group H kontra Black Stars. Nabura niya ang record nina Pele at Germans Uwe Seeler at Miroslav Klose, na lahat ay nakapuntos sa apat na World Cup.


Pinalawig din ni Ronaldo ang sariling world record tally sa international goal na 118.


Nakuha niya ang record sa spot-kick nang siya ay pabagsakin ni Mohammed Salisu.


Inanunsiyo ng Manchester United nitong linggo na inalis na sa koponan si Ronaldo dahil sa pagpuna sa club at manager Erik ten Hag sa isang panayam sa TV at hindi niya ito pinagsisihan mula sa mapait na pagtatapos sa koponan at ipinakita ang husay sa paglalaro.


Samantala, umiskor si Richarlison ng dalawang beses nang talunin ng tournament favorites Brazil ang Serbia, 2-0 sa World Cup opener pero nanalo man ay tinamaan ng ankle injury si captain Neymar.


Ilang ulit nagmintis ang record five-time winners sa first half pero umibayo matapos ang break sa Lusail Stadium nang ipasa ni Tottenham Hotspur kay striker Richarlison ang bola at makaiskor sa opener sa ika-62nd minute si Vinicius Junior.


Ang iba pang resulta sa opening round ng matches sa Qatar kung saan nakakagulat na tinalo ng Saudia Arabia ang Argentina habang ang Germany ay natalo sa Japan.


Kilalang maingat ang Brazil kapag ang Serbia na ang kasagupa at baka mabigla ang kanilang team sa pagbabalik nila sa final sa Dis. 18.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page