top of page
Search

ni MC @Sports News | Apr. 26, 2025



Photo: PVL


Umabot pa ng apat na sets bago tuluyang ginapi ng VTV Binh Dien Long ng Vietnam ang Taipower ng Taiwan sa 2025 AVC Women's Champions League sa Philsports Arena kagabi. Dinale ng VTV ang Taipower sa bisa ng 25-20, 25-17, 25-22 at 28-26 upang pumasok na sa semis ang Vietnam.   


Sa laban ng Petro Gazz Angels kagabi sa Baic China umabot sa 5th set ang bakbakan hanggang sa maupos ang team Pilipinas sa bisa ng 31-29, 25-19, 25-20, 25-20 at 15-12. 


Nagawa pang makadikit ng Gazz sa 29-31 sa first set at naipanalo ang set 2 sa 25-19 sa ipinakitang laro nina Giovanni Day, Brook Van Sickle at Jonah Sabete.   


Positibo naman si Creamline skipper Alyssa Valdez sa kabila ng maagang pag-empake ng koponan sa AVC Women's Champions League.


Dumanas ang Cool Smashers ng pagkatalo sa 15-25, 22-25, 16-25 kontra Southeast Asian squad Nakhon Ratchasima sa  knockout quarterfinal noong Huwebes.


Pero sa kabila ng mabilis nilang pag-eksit sa torneo, sinabi ni Valdez na isang "good experience" ang pagsagupa sa AVC Cup, kung saan ang kanilang sistema aniya ay napahamon nang husto sa pinakamahuhusay na team sa kontinente at naibigay nilang lahat ang kanilang makakaya. 


"It’s quite a good experience to go outside of your comfort zone every once in a while," ani Valdez.


"I guess one thing that we appreciate from this tournament, iba rin makipaglaro sa ibang teams, sa iba’t-ibang sistema. Nacha-challenge and napu-push din talaga 'yung sistema namin," dagdag niya. "Doon mo rin makikita kung ano ba 'yung mga things to improve namin, individually and as a team."


 
 

ni MC @Sports News | Apr. 21, 2025



Photo: Bagamat may isang rider ng Mindanao ang naaksidente sa isang ensayo sa Bocaue, Bulacan, nakapagpatahi na ng sugat sa tuhod ay lalaban pa rin ang Pinoy cyclist sa Abril 24 sa Tour of Luzon na idaraos sa Paoay, Ilocos Norte.


Sugatan man ang isang siklistang taga-Mindanao ay nakapagpatahi agad ito ng kanyang malaking sugat sa tuhod upang makahabol sa pagragasa ng Tour of Luzon: The Great Revival na magsisimula sa Abril 24 sa Paoay, Ilocos Norte.


Naaksidente ang hindi na pinangalanang rider sa Bocaue, Bulacan nitong Semana Santa at aniya matapos lapatan ng lunas ang duguang tuhod ay tuloy pa rin ang laban sa Tour na suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na nagbalik matapos ang 2 taon na pagtigil ng pedalan na aarangkada muli.


“The revival of this very popular cycling event in the country can foster sports consciousness capable of promoting camaraderie and the spirit of competitiveness among our people,” ayon kay DILG Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla sa isang memorandum na higit na kailangan ang tulong ng local government units para sa ikatatagumpay ng eight-stage tour.


“All local government units and their officials are hereby enjoined to ensure the orderly and peaceful conduct of the event,” dagdag niya na inaasahan sa opening ceremony ng “The Great Revival” sa tanghali ng Miyerkules (Abril 23) kasama si Abraham “Bambol” Tolentino, pangulo ng Philippine Olympic Committee at ng PhilCycling.


“We are grateful for this support from Secretary Jonvic because the Tour of Luzon isn’t just about cycling and sports, the LGUs are very much involved in this event,” anaman ni Patrick “Pató” Gregorio, ang chairman organizer ng DuckWorld PH.


Iuuwi ng individual overall winner ang P500,000 kung saan ang overall team champion ay may P1-M sa Tour na inagapayan din ng MVP Group’s Metro Pacific Tollways Corp. ni Chief Regulatory Officer Arrey Perez, Iikutin ng tour ang 60 siyudad at munisipalidad sa 7 probinsiya sa North at Central Luzon—Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Tarlac at Pampanga kung saan sa New Clark City ang Executive Race sa Abril 27.


May 17 teams at 119 riders ang sisikad sa Tour na suportado rin ng ng MVP Group’s Meralco, Metro Pacific Investment Corporation at Maynilad.


 
 

ni MC / Maria Ysabella L. Matito (OJT) @Sports | Feb. 15, 2025



Photo: Itatala sa unang kasaysayan ng Pilipinas ang gold medal-winning team nina playing president Benjo Delarmente, Alan Frei, Enrico Pfister, Christian Haller at Mark Pfister sa Curling sa gabay nina Pilipinas secretary-general Jarryd Bello, Jessica Pfister at coach Miguel Gutierrez sa Ninth Asian Winter Games sa Harbin, China. (pocpix)


Kauna-unahan sa Pilipinas na makapag-uwi ng medalyang ginto mula sa Asian Winter Games nang ang pambato na PHL men's curling team ay nagkampeon kahapon, Valentine's Day.


Tinalo ng PHL team ang South Korea sa 5-3 puntos sa finals ng Harbin 2025 Asian Winter Games sa China. Binubuo ng magkapatid na Marc Pfister, Enrico Pfister, Alan Frei, at Christian Haller ang Curling Pilipinas na kasalukuyang World’s Rank 51 sa Men’s Curling.


“Gold medal for Team Philippines, and we expected ourselves to win. It is a great game, and we never doubt ourselves,” ayon sa 35-anyos na Filipino-Swiss Pfister na 26 na taon nang player ng curling.


“It’s not just only a medal, bronze or silver, but a gold.” Ang Curling Pilipinas ay dating kilala sa tawag na Curling Winter Sports Association of the Philippines, binubuo ang organisasyon na ito ng mga Pinoy na nakatira sa mga bansang United States, Canada at Switzerland.


Nangunguna ang Pilipinas sa puntos na 3-1 sa pang-apat na yugto ng laro ngunit naka-2 puntos ang South Korea dahilan para mag-tie ang dalawang koponan.


Umabante ang Curling Pilipinas matapos makuha ang 7-6 na pagkapanalo laban sa bansang Tsina sa semifinals ng laban. Kasunod nito ang pagkanalo ng grupo laban sa Japan sa 10-4 puntos sa semis qualifier.


Pangalawa ang Curling Pilipinas sa Group A na natapos sa round robin kung saan sila ay nakapuntos ng 3 panalo at isang talo. Matapos ang isang talo sa South Korea, nagsunod-sunod na ang pagkapanalo ng grupo laban sa Kazakhstan (4-1), Kyrgyzstan (12-2) at Chinese Taipei (11-3) dahilan para masungkit nila ang gold medal.


Nagwagi ng silver medal ang South Korea at bronze ang China. “This is too good to be true,” papuri ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.


“Shocking, that’s the least I can say. Now, the path is clearer toward our first medal in the Winter Olympics.” Samantala, 4th place sina Isabella Gamez at naturalized Filipino-Russian Aleksandr Korovin sa mixed pair free skating competition (figure skating) sa HIC Multifunctional Hall.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page