top of page
Search

ni MC @Sports | July 13, 2023



ree

Nabigo ang Philippine men’s national volleyball team na mapanatili ang two-game winning streak sa 2023 Men's Asian Volleyball Challenge Cup kahapon.

Dumanas ang Filipino spikers ng sweep loss sa mga kamay ng Bahrain, 20-25, 17-25, 23-25 sa University of Taipei Hall sa Taiwan. Ang Final 12 loss na rin ang pumigil sa kanila para makapasok sa quarter final stage ng tournament.

Sa naturang pagkatalo, papasok ang Philippine team sa classification phase para sa 7th to 12th places.

Habang ang Bahrain ay nag-aabang sa magwawagi sa matchup ng Australia at Macau. Bago ang panalo, nagwagi pa muna ang Philippines ng dalawang straight matches sa Pool D sa pagsisimula ng kampanya sa AVC Cup.

Winalis nila ang Macau, 25-21, 25-15, 25-14 sa unang match ng torneo at sa sumunod na five-setter win kontra Mongolia, 22-25, 25-21, 26-24, 22-25, 15-12.

Ang dalawang sunod na panalo sa group stage ang nag-angat sa team mula sa 111 places at 167 hanggang sa no. 56 sa International Volleyball Federation (FIVB) world rankings.

This is one big, major achievement for our men’s indoor volleyball team,” ayon kay Philippine National Volleyball Federation president Ramon “Tats” Suzara kahapon. “This is by far the most significant accomplishment by our men’s team and the PNVF just under three years into its establishment as the national federation,” dagdag niya.

Ang kanilang nakalaban ay may parehong paglundag din sa rankings kung saan ang Macau ay umangat mula sa No. 165 hanggang No. 58, at ang Mongolia mula No. 164 hanggang no. 59.


 
 

ni Anthony E. Servinio / MC @Sports | July 10, 2023



ree

Pormal na inihayag ng USA Basketball ang 12-player World Cup roster noong Huwebes, na walang pagbabago sa grupo na gumawa ng mga pangako sa mga nakaraang linggo.


Lahat ng 12 ay pumirma sa kanilang mga kasunduan na maglaro. Pumirma ang mula sa New York sina Jalen Brunson at Josh Hart; Brooklyn, Mikal Bridges at Cam Johnson, Paolo Banchero ng Orlando, Anthony Edwards ng Minnesota, Tyrese Haliburton ng Indiana, Brandon Ingram ng New Orleans, Jaren Jackson Jr. ng Memphis, Walker Kessler ng Utah, Bobby Portis ng Milwaukee at Austin Reaves ng Los Angeles Lakers.


Sasanayin ang mga manlalaro sa rules ng FIBA bago ito sumalang sa isang linggong training camp sa Agosto 2 sa Las Vegas.


Gagabayan ang koponan ni Steve Kerr ng Golden State, katuwang ni Erik Spoelstra ng Miami, Tyronn Lue ng Los Angeles Clippers at Mark Few ng Gonzaga.


Ang coaching staff ay magtitipon upang magpatuloy sa paggawa ng mga plano sa Las Vegas sa unang bahagi ng susunod na linggo.


Inaasahan ding magiging bahagi ng pagtitipon na iyon si Jim Boylen, na nagturo sa mga koponan ng G League at mga internasyonal na manlalaro na dumaan sa 12-laro na iskedyul upang maging kwalipikado ang U.S. para sa World Cup.

ree

Sa 12 na manlalaro, siyam ang may kahit ilang nakaraang karanasan sa USA Basketball at anim — Ingram (24.7), Edwards (24.6), Brunson (24.0), Haliburton (20.7), Bridges (20.1) at Banchero (20.0) — nag-average ng hindi bababa sa 20 puntos kada laro sa NBA noong nakaraang season.


Ngunit wala pang kahit isa sa kanila ang naging bahagi ng World Cup o Olympics.


Mananatili ang mga Kano sa Maynila para sa kabuuan ng torneo at magkakaroon ng group-stage games laban sa New Zealand sa Agosto 26, Greece sa Agosto 28 at Jordan sa Agosto 30. Ang paligsahan ay ang pangunahing qualifier para sa 2024 Paris Olympics.


 
 

ni MC / Clyde Mariano @Sports | July 8, 2023



ree

Bumida si Wilfredo Leon nang isadsad ng world’s top-ranked team Poland sa 25-23, 22-25, 25-21, 25-21 na score win ang Brazil sa Men’s Volleyball Nations League (VNL) 2023 kahapon sa Mall of Asia Arena, Pasay City.


Nagbagsak si Leon ng 22 points, 20 attacks, one block, at 1 service ace nang umibayo ang Poland sa 8-2 sa Week 3. Bumaba ang Brazil sa 7-4.


Nanguna naman si Yuri Romano para sa powerhouse Italy nang walisin ang Slovenia, 25-13. 25-22, 25-17 at palawigin ang winning streak. Naglagpak ang star opposite hitter ng 16 points, 11 attacks, three service aces, at 2 blocks nang umiskor ang Italians ng ikatlong sunod na panalo sa liga at umibayo sa 8-3.


Samantala, unang ginapi ng Slovenia ang China, 25-21, 25-20, 24-26, 25-23 upang umangat sa playoff.


Matapos ang 2-0 lead laban sa world no. 1 Poland sa pahirapang five set defeat sa nakaraang laban, may natutunang aral ang Slovenians upang gitlain ang comeback bid ng China.


Umangat ang Slovenia, world no. 8 sa 7-3 upang pumatas sa Brazil at Italy para sa third to fifth place kasunod ng kanilang unang mga panalo para kumarera sa Top-8 finish ng final preliminary leg ng VNL dito sa bansa habang ang final round ay idaraos sa Poland sa Hulyo 19 hanggang 24.


Nasundan ni Klemen Cebulj ang kanyang 20 puntos na nagawa laban sa Poland sa bisa ng 21-point masterclass, single block sa 4th upang itulak ang Slovenia sa match point.


Nakagawa si Jingyin Zhang ng 16 points para sa China na dumanas ng ikalawang sunod na talo sa Philippine leg. Sadsad ang China sa 2-8 at nasa 14th place.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page