top of page
Search

ni MC @Sports News | August 25, 2025



Sophia Rose Garra - FB

Photo File: Circulated / Sophia Rose Garra - FB


Inagaw ng rising star na si Sophia Rose Garra ang atensiyon mula sa kanyang mga batikang karibal matapos basagin ang dalawang national age-group records sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts para sa 33rd Southeast Asian Games nitong weekend sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Malate, Manila. 


Ang 13-anyos na protégé ng Olympian backstroker na si Jenny Guerrero mula sa WaveRunners Swim Club ay nagtala ng 1:06.50 sa girls’ 13-under 100-meter backstroke, para lampasan ang kanyang sariling marka na 1:06.65 na naitala nitong Abril sa Smart Juniors Nationals. 



ANG tatlong magiging pambato ng bansa na sina (mula kaliwa) Xiandi Chua sa Girls 100m LC Backstroke - 1:03.07 / Girls 200m LC IM - 2:18:38; Kayla Sanchez Girls 200m LC Freestyle - 2:01.41, Girls 50m LC Butterfly - 27.46, Girls 100m LC Backstroke - 1:02.38 at Michaela Mojdeh  na kabilang sa PH Swimming Team na isasabak sa Thailand SEAG nang makuwalipika sa katatapos na Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Malate, Manila. Reymundo Nillama

Photo: Ang tatlong magiging pambato ng bansa na sina (mula kaliwa) Xiandi Chua sa Girls 100m LC Backstroke - 1:03.07 / Girls 200m LC IM - 2:18:38; Kayla Sanchez Girls 200m LC Freestyle - 2:01.41, Girls 50m LC Butterfly - 27.46, Girls 100m LC Backstroke - 1:02.38 at Michaela Mojdeh  na kabilang sa PH Swimming Team na isasabak sa Thailand SEAG nang makuwalipika sa katatapos na Philippine Aquatics, Inc. (PAI) National Tryouts sa Teofilo Yldefonso Swimming Center sa Malate, Manila. (Bulgar via Reymundo Nillama) 



Nagawa niya ang tagumpay sa presensiya ng mga batikang campaigner na kinabibilangan nina Olympian Kayla Sanchez (1:02.38), Cambodia SEA Games champion Xiandi Chua (1:03.07), beteranong si Quendy Fernandez (1:03.23), 2023 SEAG gold medalist na si Teia Isabelle Salvino (1:03.85) at 2023 SEAG na medalyang si Teia Isabelle Salvino (1:03.82 SEAG) (1:03.91) — lahat ay nalampasan ang SEA Games qualifying standard na 1:05.17. Gayunpaman, ayon sa panuntunan ng SEA Games, tanging ang nangungunang dalawang finishers bawat event ang kabilang sa Philippine Team para sa Bangkok. 


Sa pagsisimula ng torneo nitong Biyernes, na-reset din ni Garra ang 13-under 50m backstroke record ng mga babae sa 30.70 segundo, na binasag ang dating marka na 31.00. "Congratulations, Sophia Rose Garra, for breaking not just one, but two national age-group records! Ang iyong pagsusumikap, dedikasyon, at passion para sa sport ay tunay na nagbibigay inspirasyon," sabi ng PAI secretary-general Eric Buhain. 


Samantala, pinatibay ng national mainstay na si Xiandi Chua ang katayuan bilang nangungunang lokal na swimmers matapos Manalo sa girls’ 200m individual medley sa 2:18.38, kontra kina US-based Isleta (2:21.87) at Shairinne Floriano (2:27.01). 


Ang QTS sa event ay 2:18.47. Parehong qualified ang Olympic relay medalist na si Kayla Sanchez at Fil-British swimmer Heather White sa girls’ 200m freestyle, na nagtala ng 2:01.41 at 2:05.40.

 
 

ni MC @Sports News | August 24, 2025



Leila Barros - IG

Photo: Ang volleyball legend na si Leila Barros ng Brazil ang magiging panauhing pandangal sa  semifinals at final ng FIVB Men's Volleyball World Championship na idaraos sa 'Pinas sa Setyembre. (#mwch2025pix-Leila Barros - IG)


Matapos ang 25 taon magbabalik si volleyball icon Leila Barros sa Manila bilang guest of honor sa final ng 2025 FIVB Men’s Volleyball World Championship sa Set. 28 sa MOA Arena sa Pasay City.


Lubos na hinangaan ang kaliweteng spiker na si Barros ng Filipino fans noong 2000 FIVB Grand Prix at aniya excited siyang makasama muli ang Pinoy crowd. Kinumpirma niya ang pagdating via Instagram post matapos ianunsiyo noong Biyernes ng gabi ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pagbabalik niya sa bansa. 


“What a joy it will be to reconnect with these passionate volleyball fans,” ani Barros. “See you soon!”


“It is with a heart full of gratitude that I receive this very special invitation. Returning to the Philippines, where I have always been welcomed with such warmth, is incredibly exciting,” ani Barros, ngayon ay 53-anyos na at isa nang Senadora sa  Brazil.


Ang kanyang legislative agenda ay nakatuon sa proteksiyon ng kababaihan lalo na sa pakikipaglaban sa domestic violence, pagpapalakas ng sports at pagbabantay sa kalikasan.  “Being present at the finals of the 2025 FIVB Volleyball World Championship will be a great honor.”


Ang tickets sa torneo na mula Set. 12 hanggang 28 sa Araneta Coliseum at MOA Arena ay mabibili sa official website: philippineswch2025.com. Sa mensahe ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara, ang pagbabalik ng three-time Olympian (1996, 2000, 2004) ay isang regalo sa milyong Filipino volleyball fans. “She captured the hearts of many Filipinos during her 2000 visit. Now, Leila Barros returns not only to wow the fans but also to inspire them as a distinguished public role model. She is now an elected public official in Brazil,” ani Suzara. “Every Filipino can’t wait to see her. Everyone is excited.” 

 
 

ni MC @Sports News | August 23, 2025



Marck Espejo - Rank The Mag

Photo: Wala sa team ng Tunisia si Wassim Ben Tara na unang makasasagupa ng Alas Men sa opening day ng FIVB Worlds. (CAVB Facebook)


Magbabakbakan  ang African powerhouse Tunisia at Alas Pilipinas bilang opening-day rival sa FIVB Volleyball Men’s World Championship 2025 nang wala ang star player nila na si Wassim Ben Tara pero may ipinagmamalaki pa rin silang squad na handang gumawa ng ingay. 


Wala sa official roster si Tara, ang team’s leading scorer noong 2020 Tokyo Olympics nang ianunsiyo ng Tunisia ngayong buwan dahil sa ibang commitments subalit nariyan ang veteran aces na sina Hamza Nagga at Elyes Karamosli para sa world meet sa Set. 12-28 sa Smart Araneta Coliseum at MOA Arena.


Malaking tulong sina Nagga, ang 6-foot-2 opposite spiker, at ang 6-foot-4 outside hitter na si Karamosli kay Tara nang magkampeon noong 2021 African Men’s Volleyball Championship at mapalawig ang record bilang most successful African nation na may 11 titles. 


Ang bago nilang coach na si Camillo Placi ng Italy, veteran tactician na gumabay din sa Russia ay wagi ng bronze medal noong 2008 Beijing Olympics.


Maglalaban ang Philippines-Tunisia sa Pool A ng 7:30 p.m. sa Set.  12 sa MOA Arena, matapos ang makulay na opening ceremony tampok ang pagtatanghal ng K-pop group Boynextdoor at Karencitta.


Kasalukuyang No. 42, ang Tunisia ay pang-11 na best ranked country sa 32-team world joust sa Manila, ang pinakamalaking FIVB edition sa kasaysayan na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) at Asian Volleyball Confederation (AVC) president Ramon “Tats” Suzara. Nasa rank 16th ang Tunisia sa 2022 World.  

 
 
RECOMMENDED
bottom of page